Dahil na-pogi-an at nagalangan kay Alden Richards, Dina Bonnevie naging fan ni Alden Richards

“I remember one time, pumunta ako ng GMA to promote Waray-Biday. Hindi ko pa kilala si Alden noon and then he just came by, nagkita kami sa corridor sabi niya, ‘Hello po, Alden Richards po.’ Then, for a while I was stunned. Parang, ‘Sino ’yon? Ang gwapo at saka ang cute ng dimples n’ya.’ Sabi ko, ‘Ang galang.’ Binigyan pa niya ako ng upuan. ‘Sino ’yon?’ Me nagsabi, ‘Ma’am si Alden Richards. Ay, gusto ko s’yang maka-trabaho.’ Ayon.”—Dina Bonnevie

Photos: @leovdominguez | @aldenrichards02

“I remember one time, pumunta ako ng GMA to promote Waray-Biday. Hindi ko pa kilala si Alden noon and then he just came by, nagkita kami sa corridor sabi niya, ‘Hello po, Alden Richards po.’ Then, for a while I was stunned. Parang, ‘Sino ’yon? Ang gwapo at saka ang cute ng dimples n’ya.’ Sabi ko, ‘Ang galang.’ Binigyan pa niya ako ng upuan. ‘Sino ’yon?’ Me nagsabi, ‘Ma’am si Alden Richards. Ay, gusto ko s’yang maka-trabaho.’ Ayon.”—Dina Bonnevie

Sa July 5 na magpi-premiere sa GMA primetime ang teleserye ni Alden Richards na The World Between Us (TWBU) na modern take pala ng mga GMA writers sa classic Emily Brontë novel na Wuthering Heights (WH) na tungkol sa isang orphan na inampon ng isang mayamang pamilya ngunit mai-in love sa babaeng anak ng pamilya at pagseselosan ng todo ang anak namang lalaki.

In-adapt ito into a movie sa Hollywood noong 1939.

At locally, ang Hihintayin Kita sa Langit (1991) nina Richard Gomez at Dawn Zulueta ang nag-adapt ng storyline nito.

Sa The World Between Us, Alden Richards is playing the orphan (Louie Asuncion) na mai-in love sa character ni Jasmine Curtis-Smith (Lia Libradilla) at si Tom Rodriguez (Brian Libradilla) naman ang lalamunin ng selos na kapatid ni Lia na magsisilbing biggest obstacle sa pagmamahalan noong dalawa.

Instead na landlord (gaya sa WH), ang character ni Dina Bonnevie, ang Libradilla matriarch na isa ring guro ang mag-aampon kay Louie.

Sa virtual media conference ng TWBU, sinabi ni Alden na may gray area din and character niya at hindi lang pa-good boy kaya daw niya nagustuhan. There will come a time daw na gaganti rin siya sa mga pang-aaping dadanasin niya at hindi typical na aping bida na ia-asa nalang sa tadhana ang karma ng mga kontrabida.

Kumbaga, ang hinahanap niyang challenge sa acting ay nasa twist din ng character ni Louie.

At dahil central sa story ang pagkaka-ampon niya kaya’t definitely ay marami silang eksenahan ng premyadong aktres na si Dina Bonnevie na umamin sa media conference na totoong hiniling niya sa GMA-7 na bigyan siya ng project kung saan makaka-trabaho niya si Alden.

Naging instant fan pala kasi siya ng aktor dahil naging magalang ito sa kanya sa isang insidente na naganap sa corridor ng GMA building. Hindi na raw niya iyon kinalimutan. Bukod pa sa na-pogian daw siya sa aktor sa encounter nilang iyon. 

“Hiningi ko talaga to work with Alden kasi I’ve been watching him a long time na sabi ko, ‘Okey itong guy na ito. I wanna work with him,” pagkukumpirma ni Ms. D (palayaw ni Dina sa showbiz).

“And then I remember one time, pumunta ako ng GMA to promote Waray-Biday. Hindi ko pa kilala si Alden noon and then he just came by, nagkita kami sa corridor sabi niya, ‘Hello po, Alden Richards po.’ Then, for a while I was stunned. Parang, ‘Sino ’yon? Ang gwapo at saka ang cute ng dimples n’ya.’ Sabi ko, ‘Ang galang.’ Binigyan pa niya ako ng upuan. 

“‘Sino ’yon?’ Me nagsabi, ‘Ma’am si Alden Richards.’ Ay, gusto ko s’yang maka-trabaho.’ Ayon.”

Na-curious daw siya kay Alden kaya nag-research siya sa YouTube about him.

“And then pinanood ko na ’yong mga projects niya. Ni-research ko na siya sa YouTube... stalker pala, ganu’n. Hahaha!  Sinearch ko na siya. ‘Sino itong Alden na ito?’ Ganyan-ganyan...”

At lalo daw siyang bumilib nang malaman niyang negosyante rin ang aktor. 

“And then, another time na naman, nagugutom ako, pumasok ako sa isang restaurant. Sabi ko, ‘Ano’ng ginagawa ni Alden Richards d’yan sa labas?’ May standee.

“‘Sa kanya po itong restaurant na ito.’ ‘Ah, okey.’ For that, fan niya na talaga ako kasi magaling ng actor, businessman pa. So, go na go. Go for the gold!,” pa-beking dagdag niya. 

Gusto ko s’yang makatrabaho. Not for anything, gusto ko talaga, dream ko na maka-trabaho ko lahat ng mga mabibigat na artista in this time. S’yempre nandyan si Alden Richards.”

Na-bring up tuloy ang tungkol sa encounter niya noon sa isang aktres na “nakatikim” ng Dina Bonnevie brand of pitik dahil umano sa “pagdi-diva” sa set.

Ani Dina, malayong-malayo si Alden sa celebrity na ’yon.

Kasi hindi s’ya [Alden] pasaway,” prankang sagot ni Dina. “Ito laging on time. E, ’yon naman kasi laging darating sa set naka-pajama pa, basa pa ’yong buhok...parang, ‘Hello, ano ba ’to?’”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Alden Richards, na-overwhelm sa pagpapa-tattoo ng isang female fan ng kanyang pangalan

Dina Bonnevie, sinariwa ang pagpapatawaran nila ni Coney Reyes

This Band, solid daw ang relasyon kaya malabong ma-disband

Exclusive: Xian Lim-Jennylyn Mercado project, kasado na sa GMA-7

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.