Dahil mukhang Latina, US-based na si Ruby Rodriguez, nakaka-iwas daw kahit papaano sa mga Asian haters doon

Palibhasa ay mestiza ang lahi nila kaya’t kung hindi mo siya kilala ay di mo iisiping Filipino si Ruby Rodriguez (seen her during her daily subway commute to work). At tine-take advantage niya ang bagay na ito lalo na kapag nagte-take siya ng public transport sa LA. Hindi naman sa hindi siya proud sa pagiging Pinoy. Imposible yon dahil 31 years siyang bahagi ng iconic Pinoy pop-culture show na Eat Bulaga! Kaya lang ay napapagkanlungan niya kahit papaano ang pagka-mestiza para hindi mapag-initan ng mga Asian haters.

Photos: @rodriguezruby

Palibhasa ay mestiza ang lahi nila kaya’t kung hindi mo siya kilala ay di mo iisiping Filipino si Ruby Rodriguez (seen her during her daily subway commute to work). At tine-take advantage niya ang bagay na ito lalo na kapag nagte-take siya ng public transport sa LA. Hindi naman sa hindi siya proud sa pagiging Pinoy. Imposible yon dahil 31 years siyang bahagi ng iconic Pinoy pop-culture show na Eat Bulaga! Kaya lang ay napapagkanlungan niya kahit papaano ang pagka-mestiza para hindi mapag-initan ng mga Asian haters.

Tawang-tawa kami sa mga k’wentong-Amerika ni Ruby Rodriguez. Doon na kasi siya naka-tira ngayon kasama ang panganay na anak na si Toni at susunod naman ang asawang si Mark at bunso nilang si AJ this coming August. Tinatapos lang bale ni AJ ang special education schooling niya dito dahil kakailanganin ang mga papers ni AJ for assessment sa pagpapatuloy ng special education niya sa Los Angeles, California.

Hindi naman itinago ni Ruby that his son AJ is diagnosed with ADHD and apart from that, may rare disease din ito (called Henoch–Schönlein purpura) at ang pagpapagamot nga nito ang dahilan kaya’t kinailangan nilang sa US muna manirahan.

Bago pa man naka-alis ng Pilipinas ay nakapag-apply at natanggap na siya sa isang posisyon sa Philippine Consulate sa Los Angeles. Business Administration graduate naman kasi si Ruby at naging pre-school teacher pa nga.

At aniya, dumaan siya sa proper channel bago siya natanggap at hindi dumaan sa palakasan o kaya naman ay na-appoint dahil artista siya. In short, nag-apply, nag-test, nagpa-interview, na-qualify, natanggap.

Malayo daw sa bahay ng kuya niya, kung saan siya nakatira ngayon, ang office ng Phillippine Consulate kaya subway commuting ang kadalasang drama niya at paminsan-minsan at nag-u-Uber or Lift daw (katumbas ng Grab sa atin) siya.

Medyo kampante si Ruby na makakaiwas siya sa mga Asian haters na basta nalang nang-uumbag ng mga Asyano—(na nauso matapos lumaganap ang Covid-19 virus na napatunayang galing sa China)—dahil madalas siyang mapagkamalang Latina.

Palibhasa ay mestiza ang lahi nila kaya’t kung hindi mo siya kilala ay di mo iisiping Filipino siya. 

At tine-take advantage niya ang bagay na ito lalo na kapag nagte-take siya ng public transport sa LA. Hindi naman sa hindi siya proud sa pagiging Pinoy. Imposible yon dahil 31 years siyang bahagi ng iconic Pinoy pop-culture show na Eat Bulaga! Kaya lang ay napapagkanlungan niya kahit papaano ang pagka-mestiza para hindi mapag-initan ng mga Asian haters.

Sinasadya pa raw niyang dagdagan ang eyeliner at mascara niya para mas ma-enhance ang pagka-Tisay.

Ang ending, nilalandi naman daw siya ng mga Hispanics na akala nga ay kalahi nila siya. 

“May asim pa lola mo!” natatawang tsika niya during her Viva Artists Agency Zoom conference kamakailan. 

Kapag naiintindihan daw niya ay sumasagot siya sa tsika pero kadalasan ay umiiwas daw siya at ini-Ingles niya with twang. “I don’t speak Spanish!”

Pero hindi lang Asian haters ang pinag-iingatan ni Ruby kundi pati na ’yong mga “kumakausap sa sarili.” Marami kasing ganoon doon at kadalasan ay sa subway may mga ganap na di kanais-nais. Marami nga raw kasing nawalan ng trabaho din doon na tila nauuwi sa pagkakaroon ng mental health problems na ang iba ay hindi ka nakaka-sigurado na walang violent tendencies.

Kaya daw kapag nasa subway siya, sa ulo—imbes na sa strap—ang paghawak niya sa water jug na dala niya.

“Para any moment, umm!” natatawang tsika pa rin niya.  

Ready daw niyang ipang-umbag ang water jug niya sakaling may mang-harass sa kanya.

Pero base sa happy disposition ni Ruby sa pagkukuwento niya, tila nasa Cloud 9 siya ngayon that she is experiencing a new job that is totally different from TV hosting and acting.

However, hindi naman daw siya gaanong nanibago dahil may experience naman daw siya kahit papaano sa office job.

“Kasi bago naman ako nag-showbiz nagtrabaho naman ako ng normal...I mean, parang ’yong 8:00 [am] to 5:00 [pm], 9:00 to 5:00, ganyan. Nagtrabaho muna ako sa Bristol Myers [Squibb]... tapos nagturo after. So, alam ko ’yong buhay ng ganu’n. Tapos nag-showbiz and then pasok ulit ngayon [sa opisina].”

[Bristol Myers Squibb is a global biopharmaceutical company.]

Moreover, mga Pinoys din naman daw ang mga ka-trabaho at sineserbisyuhan niya.

“Hindi talaga ako masyadong nag-adjust,” patuloy na k’wento niya. “Kasi I feel like, you know, it’s like also public relations when you’re working there because you’re dealing with Filipinos ’yong mga kababayan natin. 

“And it really feels so good to help. Ang sarap ng pakiramdam na kapag may tinanong sila at nasagot mo nang tama tapos nag-thank you sila parang ang feeling ko nagtuturo ako ulit. Kasi maski naman nagso-showbiz ako noon, bumalik ako sa eskwela para mag-aral ng SpEd—special education—para mas maintindihan ko ’yong anak ko.

“So ’yong office work ’yong ate ko tinutulungan ko... ‘Ruby, isulat mo ’to... Ruby i-type mo ’to.’ So, ang pakiramdaman ko ganu’n pa rin. It’s the same and it feels really good because you’re treated normal. Alam mo ’yon? ’Yong uutusan ka? Ang sarap ng pakiramdam hindi ’yong porke’t artista ka ayaw kang utusan. Dito hindi, Abot mo ’to... kunin mo ’to, isulat mo ’to.’” 

Nakakatuwa rin daw na very welcoming sa kanya ang mga kasamahan sa trabaho. Although, initially, s’yempre ay hindi nawala ang pa-selfie request bilang matagal siyang napapanoo sa longest-running Pinoy show na Eat Bulaga! 

“Alam mo, ang cute kasi alam na nila that I’m coming in so the first day, more on ‘Hi, Miss Ruby,’ ‘Hello hello...’ Ganyan. Quiet lang...maya-mayang konti...sige na, nga mag-picture na tayo. Hahaha! 

Habang wala pa tayong ginagawa, ‘Ruby, pa-picture na tayo,’” masayang k’wento ni Ruby. 

“Ta’s ang cute pag may nagtatanong sa kanila, ‘Diyan ba nagtatrabaho si Ruby?’ Ang sagot nila ’yong picture naming dalawa kung sino man ’yong tao na ’yon. Ang cute.  Ang cute ng reaksyon ng mga tao, promise. ’Yong mga pumupunta na mga kababayan natin ang cute ng reaksyon nila pag nakita ka. Ang cute kasi ’yong iba nakatitig lang kasi parang iniisip ka kung sino ka, ikaw ba ’yon? Ta’s pag matanda hindi bibitawan ’yong kamay mo, ‘Nay, sandali lang po may gagawin pa ako, Nay.’ Hahaha!”

Sa ngayon palang daw ay may panibagong job offer na sa kanya. Kaya lang daw ay kailangan niyang lumipat ng State. But in any case, willing daw siyang mag-work din pag weekends. Double job ika nga dahil feeling reinvented and beauty niya.

“This is actually like reinvention now that I’m a working girl. This is a reinvention na kilala ako artista, komedyante, host, and then teacher—because I was a former teacher. Then iba naman ang ginagawa niya. ’Ano pa ba ang magagawa mo, hija, bukod d’yan? Ano pa’ng kaya mong gawin?’

‘I’m always open to challenges. I like to push myself to do something different all the time because this is like reinvention of yourself. Kasi ibinabalik mo ’yong hasa ng utak mo, at the same time, binabalik mo talaga sa lupa ’yong sarili mo pinapantay mo ’yong sarili mo sa lahat ng tao.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ruby Rodriguez on Eat Bulaga no-show: “Ang makakasagot lang kung tinanggal ako o hindi ay sila.”

Ruby Rodriguez, naluha sa sinabi ng anak na si Toni na iiwan nito ang sinumang ka-relasyon na hindi makakatanggap sa kapatid na si AJ na may special needs

Daniel Padilla, kakuntsaba ni Mommy Min Bernardo sa lihim na construction ng sariling studio ni Kath

Ivana Alawi, muling namigay ng ayuda

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.