Dahil kay Baby Deia, Iza Calzado, hindi pa kayang mag-teleserye

Mula nang magbuntis at ipanganak niya si Baby Deia Amihan nila ng asawang si Ben Wintle ay ngayon lang siya muling tumanggap ng isang film project ang ace actress na si Iza Calzado. Malaking bagay daw na anim na araw lang siyang required na mag-shooting. “...tinitimbang ko talaga ro’n kung ano ang kaya kong gawin ngayon na ako ay nanay na. It’s also a way for me to gauge kung kakayanin ko bang mag-teleserye." At napagtanto nga aw niyang hindi pa niya kaya sa ngayon.

Photos: Rose Garcia

Mula nang magbuntis at ipanganak niya si Baby Deia Amihan nila ng asawang si Ben Wintle ay ngayon lang siya muling tumanggap ng isang film project ang ace actress na si Iza Calzado. Malaking bagay daw na anim na araw lang siyang required na mag-shooting. “...tinitimbang ko talaga ro’n kung ano ang kaya kong gawin ngayon na ako ay nanay na. It’s also a way for me to gauge kung kakayanin ko bang mag-teleserye." At napagtanto nga aw niyang hindi pa niya kaya sa ngayon.

Ang Shake, Rattle & Roll Extreme ang naging hudyat ng pagbabalik ni Iza Calzado sa pag-arte at sa pelikula.

Mula nang magbuntis at ipanganak niya si Baby Deia Amihan nila ng asawang si Ben Wintle ay ngayon lang siya muling tumanggap ng isang film project.

Kaya naman marami ang na-curious kung bakit sa kabila ng ba't ibang alok ay ang SRR Extreme ang napili niyang maging comeback project.

“Una s'yempre sa lahat, Shake, Rattle & Roll siya," panimula niya. "It’s a strong franchise and hindi ko ito unang Shake, Rattle & Roll. Tapos, noong sinabi na sinulat ni Noreen Capili, tapos, director mo si Richard Somes, the more it gets appeal, 'di ba?”

(She has previously appeared in the SRR 8 episode, "Yaya" in 2006.)

Malaking bagay din daw na anim na araw lang siyang required na mag-shooting.

“And then, 'yong six days ka lang na kailangan, e, tinitimbang ko talaga ro’n kung ano ang kaya kong gawin ngayon na ako ay nanay na. Hindi mahirap um-oo sa six days.”

“It’s also a way for me to gauge kung kakayanin ko bang mag-teleserye," dagdag niya. "Kung ano 'yung mga dumarating na alok para sa akin. 

“So, I did it. I did it for myself as an artist because I also want to be busy. Pero, not to the point na mako-compromise ko na matagal akong mawawala sa anak ko.

“Parang it was a good compromise. Tapos, nasagot ko rin ‘yung mga katanungan sa isip ko na, kaya ko bang mag-teleserye ngayon?  And the simple answer is ‘no.’  That’s why, hindi ako tumanggap ng teleserye."

Kumpara sa paggawa ng teleserye, mas kakayanin daw niyang talaga ang gumawa ng pelikula sa ngayon.

“Sa pelikula, alam mo kung kailan ka matatapos. Kapag sinabing six days, sige! Kapag sinabi siguro na 20, I’ll consider it, 'yung ganyan.  Kapag teleserye po kasi, of course, it’s a blessing and sino po ba ang hindi gustong mag-trabaho, lalo na at nanay ka, may anak ka, kailangan mong mag-provide para sa pamilya mo.

“Pero, 'yun nga, tinitimbang ko ngayon. Hindi na lang ‘yung gano’n [ang consideration]. Hindi na lang ‘yung project. Ang dami. But number one that I think about is my child.

“So, the time away from her, is it worth it? Napaka-intentional ng choices ko. Kasi, ang resources natin, limited. Parang for me, it’s a very precious resource.

“Of course, merong pera, talent, energy...Pero isa sa pinakamalaking learnings ko talaga ngayong nanay na ‘ko, I have to be intentional with what I say ‘yes’ to.

“So, I’m glad I said yes to Shake, Rattle & Roll Extreme.  I’m very proud of our film. Salamat po sa Regal Films para sa oportunidad na ‘to.”

Isa pa sa naibatong tanong kay Iza during the SRR Extreme mediaocon ay kung ano ang tunay na damdamin niya sa hindi pagkakapili sa SRR Extreme para makalahok sa taunang MMFF.

“Personally po kasi—and this is my personal opinion—na kahit ano po ang playdate ng Shake, Rattle & Roll, meron at merong manonood.

“Because malakas ang cultural impact ng Shake, Rattle & Roll and kapag sinabi mong Shake, Rattle & Roll, franchise na siya, e.

“Kahit December, summer, wala naman tayong winter. Pero, kahit anong season po siya, ano'ng month, meron at meron pong manonood. At naniniwala po kasi ako na this is God’s decision for our film. 

“So, with grace and gratitude, I think, this is the best playdate for Shake, Rattle & Roll.”

At ang tinutukoy niyang playdate ay November 29 sa mga sinehan.

Sa episode na "Glitch" mapapanood si Iza kung saan gaganap siyang ina na nawalan ng tiwala sa Diyos dahil sa matinding pangyayari. At doon siya magsisimulang makaramdam ng mga nakakilabot na pangyayari sa kanyang bahay.

Again, ang SSR Extreme ay palabas na sa mga sinehan on November 29.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Iza Calzado, naiyak nang maalala ang late father niyang si Lito Calzado sa muling pagtapak niya sa GMA Network

Iza Calzado pens heartwarming message to daughter Deia explaining the significance of her “Darna” Halloween costume

Baby Deia Amihan ni Iza Calzado, namana ang pagiging “sang’gre” n’ya

Iza Calzado sa transition into a first-time mom: "Hindi siya madali."

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.