Dahil humataw noong nakaraang taon, Nadine Lustre, maghihinay-hinay muna ngayong 2024; “I’ll be kinder to myself this year.”

Hindi raw into Valentine’s Day celebration si Nadine Lustre kung kaya’t wala pa s’yang plano para sa kanila ng nobyong si Christophe Bariou. Bukod pa roon, baka may trabaho raw s’ya sa mismong Araw ng mga Puso.

PHOTO: @nadine on Instagram

Hindi raw into Valentine’s Day celebration si Nadine Lustre kung kaya’t wala pa s’yang plano para sa kanila ng nobyong si Christophe Bariou. Bukod pa roon, baka may trabaho raw s’ya sa mismong Araw ng mga Puso.

Matapos humataw sa trabaho last year, balak daw ni Nadine Lustre na maghinay-hinay muna nang konti ngayong taong ito.

Sinabi n’ya ’yan nang makausap s’ya ng entertainment press sa launching ng bagong model ng ini-indorse n’yang cellphone brand.

Natanong kasi ng press people ang aktres kung ano ba ang mina-manifest n’ya para sa taong ito.

Parang ’yong mga ginawa kong resolutions for 2024 na-break ko na within the month. Hahaha!” natatawang lahad ni Nadine.

Pero ipagpapatuloy n’ya raw ito dahil kakaumpisa pa rin lang naman ang taon.

“So I guess… Hindi pa naman too late. I guess one of the things that I really wanted for me to practice this year is to lessen what I have on my plate,” pagtatapat n’ya.

Marami kasing nangyari sa kanya noong 2023. Kabilang doon ang pagla-launch n’ya ng YouTube channel, kabi-kabilang photoshoots and endorsements, nagka-digital series na Roadkillers, at naging calendar girl din ng isang local beer brand.

Isama pa d’yan ang kanyang travels sa loob at labas ng bansa. 

Ngayong taon, ayaw daw muna ng aktres na pagurin nang husto ang kanyang sarili.

“Because I’m the type of person who likes doing everything at the same time. So, medyo ano s’ya, medyo… Hindi medyo. Nakakapagod s’ya, mentally, spiritually, and physically,” pag-amin ni Nadine.

“So, I guess now [I'm] just managing all of the work that I’m accepting. I’ll be kinder to myself this year.”

Nang matanong naman kung may plano na ba sila ng nobyong si Christophe Bariou sa darating na Valentine’s Day, sinabi ng aktres na baka may trabaho s’ya sa araw na iyon.

“None yet at the moment. Parang ang dinig ko may work ako sa [February] 14. So, tingnan natin,” saad n’ya.

Besides, hindi rin naman daw kasi talaga s’ya nagse-celebrate ng Araw ng mga Puso.

“I’m not so big into the celebration of Valentine’s. I guess pag may chance lang talaga. Last year… I don’t even remember what I did last year,” natatawang sabi n’ya.

Ano lang naman ako, very simple lang naman ako when it comes to celebrations. I just love spending time with the people kung sino ang ise-celebrate on that occasion,” pagpapatuloy n’ya.

“We’ll see. ‘Yon nga, I think I might have work. So, baka after na lang,” Nadine concluded.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Nadine Lustre starrer Deleter wins Best Scare Award at the UK’s 2023 Grimmfest film festival; the Viva star is also nominated best actress at the upcoming Urian Awards 2023

Nadine Lustre, nananawagan sa mga dog lovers na gustong umampon sa nasagip niyang mga tuta

Nadine Lustre at Christophe Bariou sa usapin ng pagse-settle down: “We’re not rushing.”

Nadine Lustre, nanermon ng mga netizens na nang-iintriga sa relasyon nila ni Christophe Bariou

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.