Itinodo na ng aktres na si Stephanie Raz ang pagpapa-sexy at kitang kita iyon sa bago n’yang pelikula na Kahalili, kung saan nagkaroon sila ng mainit na eksena ng co-star n’yang si Millen Gal, na pinsan n’ya in real life.
Napansin ng entertainment press na talagang lumevel up na ang pagka-daring ng Vivamax vixen sa mga ginawa n’yang sexy scenes matapos mapanood ang sexy-suspense-thriller movie n’ya sa isang private screening kahapon, August 14,
Kaya naman sa naging media conference right after ng movie screening ay natanong si Stephanie kung hindi ba s’ya nag-set ng limitation sa kanyang sarili sa mga mapangahas na eksena.
“Sa akin po wala talaga,” sagot n’ya. “Tiwala lang po ako sa partner ko and kung sino ’yong makaka-eksena ko po.”
Nausisa pa s’ya sa ginawa nilang “orgy scene” sa pelikula kung saan nga ay nagkaroon sila ng sexy encounter ni Millen na palaban din naman sa halikan at kapaan.
“Nu’ng una po daya pero parang nadala s’ya sa eksena. Hahaha! Ayon, nagawa [namin]. As in… Magpinsan naman po kami kaya okey naman po sa akin ’yon,” natatawang paliwanag n’ya sa press people.
Dahil din sa mga ginawa n’ya sa movie ay natanong pa si Steph kung ano ang naging motivation n’ya sa kanyang pag-o-all out sa movie’ng Kahalili.
Ayon sa kanya, ito daw kasi ang kauna-unahan n’yang lead role sa pelikula kaya naman itinodo na n’ya ang pagpapa-sexy.
“Siguro dahil sa tiwala ng lahat sa akin kaya nabigay ko po ’yong best ko dito. And it’s my first lead role po kaya binigay ko talaga ’yong best ko,” she said.
Nakaalalay naman daw sa kanya ang direktor nilang si Direk Bobby Bonifacio, Jr. habang ginagawa nila ang mga challenging scenes.
“Ayon, sabi, wag daw po ako matakot kasi takot talaga ako kay Direk Bobby una pa lang. Dahil sa kapatid ko ’yan. Hahaha!” natatawang sabi n’ya.
Naging direktor din kasi si Direk Bobby ng sister n’yang si Micaella Raz noong bumida ito sa Vivamax original series na Sex Hub. Doon s’ya marahil nagka-idea kung paano maging direktor si Direk Bobby.
“Sinabihan lang ako na, ‘Wag matakot. Gawin mo lang ’yong best mo,’” pagbabahagi pa ni Stephanie.
At dahil nagawa n’ya nang maayos ang mga bagay na hinihingi sa eksena, lubos daw s’yang nagpapasalamat sa direktor.
“Hindi po ako magsasawang mag-thank you. Dahil sa inyo nagawa ko po ’yong best ko. Thank you sa tiwala n’yo,” saad pa n’ya.
Sa ngayon, ang Kahalili na raw ang pinaka-daring at pinaka-challenging na pelikulang nagawa n’ya.
“Lahat nandito na kasi. Kita naman sa movie,” aniya.
Isa pa sa naitanong sa aktres ay kung nag-e-expect ba s’ya ng awards mula rito dahil sa ipinakita n’yang tapang sa mga eksena.
“Hindi ko alam. Ayaw ko pong mag-expect,” pa-humble namang sagot n’ya.
Aside from her cousin Millen, kasama rin si Stephanie sa pelikula sina Victor Relosa, Mercedes Cabral, at ang kakapanalo lang na best supporting actor sa FAMAS na si Sid Lucero.
Mapapanood ang pelikulang Kahalili simula August 18 sa Vivamax.
Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.
Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.
You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.
Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).
Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.
YOU MAY ALSO LIKE:
Stephanie Raz: This sexy-dramatic actress is soon graduating from college
Exclusive: L star Stephanie Raz, pinagpalit ang boyfriend sa showbiz
Angela Morena, inisnab ang mga kapatid na sina Stephanie at Micaella Raz
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber