Cryptic post ni JK Labajo, para nga ba sa dati niyang girlfriend na si Maureen Wroblewitz?

Ipinagpapalagay ng netizens na ang Instagram post ni JK Labajo—“[Y]ung tipong mamahalin mo parin siya kahit di ka niya mahal"—ay para sa ex-girlfriend n’yang si Maureen Wroblewitz. Hinala ng netizens, may kaugnayan iyon sa Instagram Stories ni Maureen kung saan makikitang may kayakap itong lalaki sa duyan. Kinunan ang photo nila sa Siargao. Nakatalikod pa ang dalawa sa photo kaya hindi kita ang kanilang mga mukha. 

PHOTOS: @jklabajo_official & @mauwrob on Instagram

Ipinagpapalagay ng netizens na ang Instagram post ni JK Labajo—“[Y]ung tipong mamahalin mo parin siya kahit di ka niya mahal"—ay para sa ex-girlfriend n’yang si Maureen Wroblewitz. Hinala ng netizens, may kaugnayan iyon sa Instagram Stories ni Maureen kung saan makikitang may kayakap itong lalaki sa duyan. Kinunan ang photo nila sa Siargao. Nakatalikod pa ang dalawa sa photo kaya hindi kita ang kanilang mga mukha. 

Naintriga ang netizens sa cryptic post ng singer-songwriter and actor na si JK Labajo sa Instagram nitong weekend. 

Palaisipan kasi ang inilagay nitong short caption sa kanyang IG post kung saan yakap-yakap n’ya ang kanyang pusa. 

“[Y]ung tipong mamahalin mo parin siya kahit di ka niya mahal,” saad ni JK sa nasabing post.

Hinala tuloy ng netizens, baka para sa ex-girlfriend n’yang si Maureen Wroblewitz ang IG post na ’yon ng Filipino-German artist.

Ipinagpapalagay nila na may kaugnayan iyon sa Instagram Stories ni Maureen kung saan makikitang may kayakap itong lalaki sa duyan. Kinunan ang photo nila sa Siargao.

Nakatalikod pa ang dalawa sa photo kaya hindi kita ang kanilang mga mukha. 

SCREENSHOT: @mauwrob on Instagram

Sa kasunod namang IG Story ng model-beauty queen ay ang video n’ya habang nagpapa-acupuncture. Katabi n’ya dito ang isang gwapong lalaki na hinihinalang siya ring kasama n’ya rin sa duyan. 

SCREENSHOT: @mauwrob on Instagram

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

SCREENSHOT: @jklabajo_official on Instagram

Kung totoo ang hinala ng netizens, mukhang nakahanap na ng bagong pag-ibig ang Filipino-German beauty, na maaring naging dahilan kaya nag-react ang dati nitong nobyo na si JK through a cryptic IG post.

Matatandang na nitong nakalipas na Hunyo nang tapusin nina JK at Maureen ang kanilang relasyon bilang magkasintahan. 

Unang napabalitang nagde-date ang dalawa way back 2017 bago nila isinapubliko ang kanilang relasyon noong 2019. 

Wala pang paglilinaw si JK kung ano ang gusto niyang ipakahulugan sa kanyang post na meron ng mahigit 25.4K reactions as of press time.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.