"Hitting rock bottom" ang naging paglalarawan ni Cristine Reyes sa mga panahong nahiwalay siya sa dating asawang si Ali Khatibi na naging dahilan para sumadsad siya emotionally. Naka-apekto iyon sa kanyang career to the point na napa-isip daw siya kung may babalikan pa ba siya lalo't maraming nagdadatingang bagong artista.
"'Yong turning point in my life was when I hit rock bottom and nawala lahat sa akin...'yon, ang hirap no'n', Nasaktan talaga ako no'n.
"I just wanted to have a family, settle, live a peaceful life...and I thought I would succeed. But you know, it failed. I prayed talaga, 'Kaya pa ba?' Kasi di ba, ang dami na ring pumapasok, ang dami na ring magagaling..."
But through it all, hindi raw siya binitiwan ng Viva, lalo na ng kanyang manager at parang ate na in real life na si Ms. Veronique del Rosario-Corpus. Inunawa daw siya ng kanyang mga boss at naghintay ng tamang panahon na handa na siyang humarap muli sa trabaho.
"That's why I'm very thankful that I'm here with Viva kasi they trusted me all the way until after everything. So, 'yong trust na 'yon, ayokong sayangin. Ayokong biguin. At kung ano 'yong meron ako ngayon, pinapahalagahan ko talaga. Kasi ayoko nang mawala."
"It's a phase" naman ang naging paglalarawan ni Ms. Veronique del Rosario sa mga pinagdaanan ni Cristine noon. Hindi raw sila bumitaw dahil alam nilang maraming ibubuga si Cristine as a talent.
"Wala namang perfect, maski ako hindi perfect," ani Ms. Veronique. "At the end of the day, it's the trust kasi alam mo naman na it's a phase na p'wedeng pagdaanan ng isang tao. We believe in her, we believe in her talent and medyo malalim na rin 'yong relasyon so hindi para mag-give up agad."
But indeed, it was Viva that molded her into the A-list actress that she is today. In fact, after ng sinasabi niyang rock bottom, binigyan pa siya ng Viva ng Maria at Untrue na kapwa nagpatunay na malayo na ang narating n'ya as far as acting is concerned at mas nagpatingkad pa sa kanyang bituin.
But of course, in her twenty years total sa showbiz industry, malaki rin daw ang pasasalamat niya both sa GMA, kung saan siya nagsimula through the reality competition na StarStruck (2003); at sa ABS-CBN na nagbigay naman sa kanya ng mga first starring roles niya sa teleseryes, starting off with Eva Fonda in 2008.
"Kumbaga, sa GMA ako nag-high school, sa ABS [CBN] naman ako nag-college," pagbabalik-tanaw pa ni Cristine.
Ang just last week, Cristine, after 15 years with Viva, has renewed her managerial contract with them at ayon nga sa biruan nila ni Ms. Veronique, "forever" na raw ang kanilang samahan.
In the end, walang masabi si Cristine kundi thankful siya sa pag-aalalaga at magmamahal sa kanya ng Viva.
And speaking of pagmamahal, hindi naiwasang matanong si Cristine during the mini-press conference after ng kanyang contract renewal signing kung nananatili ba siyang loveless. wala raw ba siyang ka-date bukas na Valentine's Day.
"May ka-date ako...si Amarah," nakangiting lahad niya patukoy sa kanyang eight-year-old unica hija. "May pupuntahaan kaming farm somewhere. Siya ang date ko."
As for love life...
"Feeling ko ano, dapat mag-background check muna tayo sa lahat" makahulugan niyang sagot. "Bago pa man..."
Hindi raw siya naghahanap at all.
"Pag iisipin ko kasi 'yong nakaraan parang...Umm, preno muna."
Ayaw tawagin ni Cristine na trauma ang kanyang pinagdaanan pero she's learned her lessons na raw.
"I've learned not to force things."
Wala naman daw kulang sa buhay niya kahit walang lalaki sa buhay niya.
"Mas masaya nga na puro beki kasama, e," natatawang pagtatapos niya.
Samantalaga, after Martyr or Murderer ay sasalang naman sa isang romcom si Cristine with a leading man na ika-iingit daw ng lahat. Ayaw pa nyang sabihin kung sino. Pagkatapos noon ay isang drama movie naman. Ito raw ang mga projects niyang nabinbin nang dumating ang Maid in Malacañang at #MoM.
At kung mabibigyan daw siya ng pagkakataon, wish niyang magka-part two both ang Maria at ang Untrue.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber