Cristine Reyes on her daughter Amarah: "Gusto ko lumaki s'ya kabaliktaran kung paano ako lumaki."

PHOTOS: @cristinereyes on Instagram

PHOTOS: @cristinereyes on Instagram

Marami daw nabago sa buhay ng aktres na si Cristine Reyes bilang isang ina ngayong nagkaroon ng pandemic. 

Nag-guest kasi ang celebrity mom sa Usapang Real Life with Luchi Cruz-Valdes na na-air last September 26 at in-upload naman sa YouTube kagabi, September 28.

Dito, ikunuwento ni Cristine ang mga na-discover n'ya sa kanyang sarili as a mom to her daughter Amarah ngayong lagi silang magkasasama dahil sa lockdown. Pansamantala din kasing nahinto ang karamihan sa mga tapings at productions because of the pandemic. 

"Mas naging bonded kami ni Amarah," pagbabahagi ng aktres sa online tsikahan ni Ms. Luchi via Zoom. "Natuto ako mag-bake. Natuto akong gumawa ng lahat ng gawaing bahay simula sa pagluluto, hugas ng pinggan, nag-laundry, nagplatsa, nagpaligo ng bata, ng aso. Lahat."

Nakatutok din daw ang 31-year-old single mother sa kanyang anak ngayong may online schooling ito.  

"May teacher pa naman po [si Amarah]. Online [nga] lang po," k'wento ni Cristine tungkol sa pag-aaral ni Amarah. "Kailangan mo lang i-prepare lahat ng kailangan nila. 

"Ngayon naman madali na kasi meron ng group chat 'yong mga teachers and mommies. So kung anong kailangan sa araw na 'yon, a night before naka-prepare na. Sini-send na nila sa amin [ang mga kakailanganin in advance]. Naka-prepare na 'yon para pagdating po ng class, nandu'n na po lahat ng kailangan ni Amarah."

Dagdag pa ng award-winning actress, bibong bata daw ang baby girl n'ya na kabaliktaran daw n'ya noong nasa edad s'ya nito.

"Si Amara po, s'ya 'yong tipo na kailangan mong pigilan kasi tuloy tuloy s'ya kung magsalita," masayang salaysay ni Cristine. "Minsan po kasi inuunahan pa 'yong teacher n'ya. 

"So lagi ko s'yang sinasabihan, 'Amarah, you have to listen to your teacher... You have to wait... You have to give chance to your classmates. If it's their turn, you [have to] be quiet and let them talk to their teachers. Ganyan. Ganu'n lang

"Parang baliktad po kami nu'ng bata ako. Ako, super quiet ako sa class. Si Amarah naman.... Naku, ewan. Hindi ko po alam."

Ayon pa kay Cristine, hindi madali ang maging isang ina pero rewarding daw ito dahil pinunan daw ni Amarah ang lahat ng kakulangan sa buhay n'ya with her unconditional love.

"'Yong meron akong maliit na tao na naglu-look up sa akin na unconditional 'yong love n'ya sa akin the  same way with me kapag tinitingnan ko rin s'ya. Ito pala 'yong ibig sabihing unconditional love. Kasi hindi mo s'ya malalaman hangga't hindi ka pa nagkakaroon ng anak.

"Nag-iba ang outlook ko sa buhay," she continued. "Hindi na puro me, me, me. Ngayon mas [nakatuon na sa] kung ano 'yong importante sa buhay. Hindi na mga superficial. Meron pa ring superficial but at the same time alam mo na it's not worth it.

"So ang ups para sa akin [ng pagiging mommy] 'yong si Amarah nagbigay sa akin ng life. Because before, I think I was lifeless sa mga desisyon ko sa buhay."

Dito, binalikan ni Cristine ang kanyang naging buhay nu'ng mga panahong hindi daw s'ya masaya.

"Before kasi, nabibili ko lahat ng gusto ko, ganyan," pagre-recall ng UnTrue lead star. "May trabaho ako pero hindi ako grateful. Meron akong bahay pero hindi ako masaya. Ang ganda ng nangyayari sa buhay ko tapos sinasabi ng mga tao, 'You should be happy. You should be happy.' Pero hindi ako happy. 

"So nu'ng dumating si Amarah sa buhay ko... Siguro naghahanap ako ng love and si Amarah 'yong nakapagbigay sa akin nu'n," sey pa ni Cristine na pinipigilang mapaiyak.

Ngayon, all-out daw ang aktres sa pagbibigay ng pagmamahal sa kanyang anak dahil ayaw n'yang lumaki ito na maranasan din ang mga dinanas n'ya noon nu'ng musmos pa s'ya. 

"Hindi naman kasi ako lumaki na may masayang childhood," pag-amin pa ng Viva artist. "So 'yong mga na-miss ko nu'ng childhood ko, 'yong mga hinahanap ko nu'ng bata ako, binuhos ko 'yon kay Amarah. So ngayon, gusto ko lumaki s'ya kabaliktaran kung paano ako lumaki."

Na-curious si Ms. Luchi sa mga naging rebelasyon ni Cristine kaya ipinakuwento n'ya kung ano ba ang nangyari sa aktres during her early age.

"I was isolated, very isolated po. Wala akong kausap sa bahay," lahad ni Cristine sa show. "Wala akong napagsusumbungan. Wala akong nayayakap, nahahalikan or nasasabihan ng ‘I love you.’ Ganyan. Kuya, ate, mommy, daddy, wala. So 'yun 'yong missing part po sa buhay ko. 

"Kaya nu'ng pumasok po ako sa showbiz, kilala po akong bratinela, kilala akong awayera, ganyan," pagsasalaysay pa n'ya. "Kasi nga hindi naman nila alam ang pinagdadaanan ko sa buhay ko. 

"Isolated ako nu'ng bata ako, e. Walang nagmahal. Walang nag-alaga sa akin. Ako lang nag-alaga sa sarili ko. 

"Lumaki ako sa ibang pamilya. Nu'ng kinuha ako ng mommy ko, doon po ako naging isolated. Nag-start akong hindi na magsalita for a long, long time."

Sa murang edad ay natuto daw na magrebelde si Cristine sa kanyang mommy.  

"'Yong mommy ko, ipapasok n'ya ako sa school, lagi s'yang pinapatawag. Piano lesson... I was doing good until... Kapag natutuwa 'yong mommy ko, ayoko na gawin. I quit. Parang nagse-self sabotage po ako. Ganu'n.

Pero now that she's a mom, nagbago na ang kanyang pananaw. Magiging supportive mommy daw si Cristine anuman ang maging pangarap ng kanyang daughter as long as makakabuti ito sa kanya. 

Payag naman kaya si Cristine kung pasukin din ni Amarah ang mundo ng showbiz?

"Medyo mahirap po ang pag-a-artista," natatawang sagot ng aktres. "Pero kung kakayanin n'ya, p'wede naman. P'wede."

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Cristine Reyes vows to always make time for daughter Amarah and to travel the world with her

Pika's Pick: Cristine Reyes shares Tanay Rizal adventure with daughter Amarah

Pika's Pick: Cristine Reyes’s lovely Amarah just turned 5!

Cristine Reyes, malaki ang pasasalamat sa mga taong hindi siya sinukuan

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.