Covid-19 positive na si Troy Montero, nag-setup ng isolation camp sa garahe

Kaagad daw s’yang nagpasya na mag-isolate muna sa kanilang garahe si Troy Montero matapos mag-positive sa Covid-19 para hindi mahawa ang kanyang pamilya.  “After a positive Antigen test, I went straight to the garage to set up my little recovery camp while scheduling a RT-PCR test from @kolakerapp home service. This was always our plan, if one of us caught the virus.”

PHOTOS: @troymontero on Instagram

Kaagad daw s’yang nagpasya na mag-isolate muna sa kanilang garahe si Troy Montero matapos mag-positive sa Covid-19 para hindi mahawa ang kanyang pamilya. “After a positive Antigen test, I went straight to the garage to set up my little recovery camp while scheduling a RT-PCR test from @kolakerapp home service. This was always our plan, if one of us caught the virus.”

Sa kanilang garahe muna pansamantalang natutulog si Troy Montero ngayong nag-positive s’ya sa nakahahawang Covid-19.

In his Instagram post kahapon, January 17, ipinaalam ng aktor na positive sa coronavirus ang resulta ng kanyang mga tests. 

“I tested positive for COVID-19 (both RT-PCR & Antigen),” panimula ni Troy sa kanyang IG post that came with a series of his photo and Covid test kit. 

Kaagad daw s’yang nagpasya na mag-isolate muna sa kanilang garahe para hindi mahawa ang kanyang pamilya. Makikita nga sa isang photo ang p’westo n’ya kung saan s’ya natutulog katabi ng kanilang gym equipment. 

“After a positive Antigen test, I went straight to the garage to set up my little recovery camp while scheduling a RT-PCR test from @kolakerapp home service. This was always our plan, if one of us caught the virus,” lahad pa n’ya. 

Inisa-isa pa ni Troy ang mga naramdaman n’yang sintomas ngayong Covid positive s’ya gaya ng sipon, dry cough, lagnat, at pananakit ng ulo at mga kasu-kasuan. 

Dagdag pa ng husband ni Aubrey Miles, “Besides the headache the body ache for me is the worst feeling. It’s like sitting down but you can never get comfortable. You’re always shifting and moving every few seconds. It’s that painful.”

Patuloy naman daw ang pag-inom n’ya ng gamot. Kaya naman simula kahapon, ang Day 4 ng kanyang quarantine, ay bumubuti na ang kanyang kondisyon.

“I have been taking supplements & medicine for recovery and I am definitely feeling better. Symptoms are now quite mild on Day 4,” lahad pa ni Troy. “I will continue my isolation until all COVID symptoms have passed. Then I’ll test again both RT-PCR & Antigen.”

Dalangin daw n’ya ngayon ang kaligtasan ng kanyang pamilya na hindi sila mahawa sa sakit. 

“Praying for the safety of my family as a watch them from a distance,” aniya. 

“Stay safe out there, get vaccinated and please take care,” pagtatapos n’ya. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Troy Montero (@troymontero)

Isa si Troy sa mga celebrities na bagama’t fully vaccinated ay dinapuan ng Covid-19. Naka-schedule naman daw ang kanyang booster shot this month. 

Get well soon, Troy.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.