COVID-19 positive na si Sen. Bong Revilla Jr, isinugod sa ospital dahil sa pneumonia

PHOTOS: @bongrevillajrph on Instagram, Bong Revilla FB Live via Philippine Star

PHOTOS: @bongrevillajrph on Instagram, Bong Revilla FB Live via Philippine Star

Ibinalita ni Mayor Lani Mercado na isinugod sa ospital ngayong araw ng Martes, August 18, ang asawa niyang si Sen. Bong Revilla Jr. 

Sa naging Facebook post ng Bacoor City Mayor kanina, ibinahagi n'ya na nakitaan ng pneumonia ang senador sa lumabas nitong X-ray kaya naman itinakbo na ito sa pagamutan. Magiging mapanganib na din diumano sa asawa niya kung mananatili lang ito sa isolation facility at hindi sa ospital.

"Father God pls help my husband," dalangin ng actress-politician sa kanyang naging FB post. "He is being rushed to the hospital. His latest X-ray shows that he has developed pneumonia and isolation in a regular facility is no longer ideal. Hospital care badly needed. Father we lift him up to you." 

 

Father God pls help my husband. He is being rushed to the hospital. His latest X-ray shows that he has developed...

Posted by Lani M. Revilla on Tuesday, August 18, 2020

Matatandaang inanunsyo ni Bong noong August 9 na nagpositibo s'ya sa COVID-19. Humingi rin s'ya ng dasal mula sa mga taga suporta ng kanilang pamilya para sa agaran n'yang paggaling.

Nang sumunod na araw naman, August 10, pinilit makapag-live ng 53-year-old lawmaker sa Facebook kahit nilalagnat upang ipaalam sa lahat ang kanyang lagay at kung ano ang mga sintomas na naramdaman n'ya bago nga tuluyang na-diagnose sa air-borne disease. 

Si Sen. Bong Revilla na ang ika-apat na senador na tinamaan ng nasabing respiratory illness kasunod nina Miguel Zubiri, Koko Pimentel, at Sonny Angara.

 

YOU MAY ALSO LIKE: 

Argee Guerrero of I Belong To The Zoo contracts COVID-19

COVID-19 survivor Michael V, may alay na fan art sa mga medical frontliners; nakikiusap sa publiko na “huwag natin sila hayaang matalo.”

Donita Nose, bumubuti na ang lagay; nakikiusap na huwag pandirihan ang mga COVID-19 patients na gaya niya

Former Manila mayor Alfredo Lim passes away at 90​​​​​​​

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.