Covid-19 ni Sen. Bong Revilla, sore eyes ang naging sintomas; update niya: “I’m not okay, but I’m going to be okay.”

PHOTOS: @bongrevillajrph on Facebook and Instagram

PHOTOS: @bongrevillajrph on Facebook and Instagram

Nagpahayag ng lungkot si Bacoor City Mayor Lani Mercado dahil sa hindi n’ya umano maasikaso nang personal ang asawa n’yang si Senator Bong Revilla Jr., ngayong tinamaan ito ng sakit na Covid-19 disease.

Dahil nga nagpositibo sa coronavirus disease ang senador kaya agad daw itong nag-isolate ng sarili.

Sa kanyang Facebook post kagabi, August 9, inanunsyo ng actor-politician na nag-positibo nga s’ya sa delikadong air-borne disease.

Nakakalungkot po na balita - I am COVID-19 positive,” pahayag ni Senator Bong na ika-apat na senador na dinapuan ng COVID-19 kasunod nina Miguel Zubiri, Koko Pimentel, at Sonny Angara

Ibinalita din ng 53-year-old lawmaker na negative naman daw sa COVID-19 ang kanyang asawa na si Lani Mercado at ang kanilang mga anak. 

Pero huwag po kayo mag-alala, I am okay,” pagtitiyak pa ng senador sa kanyang social media followers. “Sila Lani at ang mga bata ay okay rin at sa awa ng Diyos, ay negative naman lahat. Kami ay nagpatest at nag-isolate agad matapos may mag-positive sa aming household at isa sa aking mga tauhan.

K’wento pa n’ya: “I was last in the Senate on Monday before all of this, and was last out on Tuesday nung 40th day ni Daddy

Sa payo po ng aking doktor ay itutuloy ko ngayon ang aking quarantine, but will be under observation," dagdag pa n'ya.

Humingi rin s’ya ng panalangin mula sa mga followers at taga-suporta ng kanilang pamilya upang malagpasan ang kinakaharap na pagsubok.  

Kasama ang inyong mga dasal, at sa grasya ng Panginoon, makakaraos at malalampasan din natin ito. Ngayon pa lang, salamat po sa inyong mga panalangin. Thank you for your prayers.”

 

Nakakalungkot po na balita - I am COVID-19 positive. Pero huwag po kayo mag-alala, I am okay. Sila Lani at ang mga bata...

Posted by Ramon Bong Revilla, Jr. on Sunday, August 9, 2020

 

Dahil nga hindi biro ang COVID-19, na as of this writing ay tumama na sa mahigit 130K na mga Pilipino, with 67,673 recoveries and 2,270 deaths, nagpahayag ng lungkot ang maybahay ni Senator Bong na si Lani Mercado. 

Papaano mo maipapakita ang pag-aasikaso at pag-aalaga sa iyong asawa na positive sa Covid-19?” tanong ng Bacoor City mayor sa kanyang Facebook post kagabi rin. “Hindi mo masamahan. Hindi mo mayakap. Hindi mo mahagkan dahilan sa kailangang mag-14 day isolation muli.

Mabigat man ang pinagdadaanan ng kanilang pamilya sa ngayon, hindi naman daw nakakalimot si Lani sa kanyang mga responsibilidad bilang alkalde ng Bacoor. 

Sabay nito’y hindi nakakaligtaan ng inyong lingkod ang mga responsibilidad bilang Ina ng Lungsod at bilang ina ng aking mga anak.

At gaya ng kanyang mister, humingi rin ng dasal ang actress-public servant para sa agarang paggaling ng senador at ng lahat ng COVID-19 patients. 

"Isama ninyo po sana sa inyong panalangin ang paggaling ni Sen. Bong Revilla at lahat ng may Covid-19,” pahayag n'ya. "No one is spared, may katungkulan man sa bansa o wala.

Patuloy akong magiging malakas at malusog para sa ating pamilya at bayan, Papa. Palakas ka...” pagtatapos ng 52-year-old Mayora. 

 

Papaano mo maipapakita ang pag-aasikaso at pag-aalaga sa iyong asawa na positive sa Covid-19? Hindi mo masamahan. Hindi...

Posted by Lani M. Revilla on Sunday, August 9, 2020

 

Samantala, ngayong umaga ay nagbigay ng update si Senator Bong, via FB Live, tungkol sa kanyang kalagayan.

“Good morning po,” bati ng actions star-senator sa kanyang viewers. “It’s 6 o'clock in the morning at ako’y nagising.

Habang nakabalot ng kumot at tila hinihingal sa pagsasalita, ay pilit nag-live ang senador at nagkwento nang mga nararamdaman.

Giniginaw ako. Nagtsi-chill ako,” patuloy niya. “Hirap pala nito. Walang makatulong sa’yo. Mag-isa ka. Pero ganu’n pa man, lalaban po ako. COVID lang ito. Kailangan labanan natin ito. Inaapoy yata ako ng lagnat. Ang hirap mag-isip. Pakiramdam ko po ngayon, 'yong ulo parang napaka-sensitive ng balat, ng buhok. Gano’n. Kapag hinahawakan s'ya medyo may hapdi nang konti. Ang sakit, konti... Hindi naman ganu’n katindi 'yong pain but you can feel na there’s something there na pinching.”

Muli rin siyang humingi ng dasal mula sa publiko para sa kanya at sa kanyang pamilya lalo na’t mula sa pagpanaw ng kanilang patriach na si former senator Ramong Revilla, Sr.  

Siguro dasal...Prayers. I need prayers [mula] sa inyong lahat po,” pagsumamo ng Kabitenyong senador. “Mga kakabayan, ipagdasal na lamang po [n’yo] ako at ang aking pamilya. 

Ang daming pagsubok na pinagdadaanan. Kamamatay lang ng tatay ko. Eto naman

“I'm okay. Pero sabi nga e, ‘If it's your time, it’s your time.’ Kapag tinawag ka na ng Panginoon, time to go, you go. That's why I prayed last night bago ako matulog. Sabi ko nga, ‘Lord, tutal surrender ako sa’yo ever since. Kayo po bahala sa akin. Alam ko hindi n’yo ako pababayaan.

Ngayon lang ako nakaramdam nang ganito. Hirap nito. Parang...hindi mo p’wedeng asahan ang pamilya mo. Kahit ’yong mga tao mo... You have to be responsible kapag nagkaroon ka ng ganitong sakit.” 

Gayunpaman, nagpapaka-tatag daw s’ya at umaaasang magiging maayos din ang kanyang kalusugan. 

“I know that I'm going to be okay,” may kompiyansang pahayag ng senador. “I'm not okay but I’m going to be okay. Mabuti nga hindi ako inuubo nang grabe. Dry cough meron, mangilan-ngilan na manaka-naka. Ang sakit sa ulo kapag inubo ka.”

Nagbahagi rin ang lead actor ng upcoming drama fantasy series na Alamat ng Agila ng mga naramdaman n’yang sintomas bago s’ya tuluyang na-diagnosed sa sakit. 

Nag-start ako parang may allergy sa mata ko,” balik-tanaw ng Kapuso celebrity. “Namumula. Pina-check ko pa nga ’yong mata ko, e. Tapos, the next day binigyan pa ako ng gamot sa mata. Biglang pulang-pula na s’ya, parang sore eyes. 

“This was Wednesday (August 5)... so, Thursday parang...akala ko sore eyes talaga pero hindi. So, kumontak po kami ng ophtha (short for ophthalmologist) para just to check. Pinakita ’yong mata ko. Sinabi no’ng doktor ’yong mga signs ng mata ko, ganyan. 

Sabi n’ya, ‘P'wedeng COVID ’yan.’ Pero sabi ko imposible, parang lang allergy, ganu’n. Or sore eyes. Pero no’ng sinabi ng doctor 'yon, nag-isolate na din ako kaagad. Tapos pinag-swab [test] ako. Mahirap. Alam n’yo ang daming pamilya, e, na p’wedeng maapektuhan.

Sa inyong lahat po thank you,” pagpapatuloy n'ya. “Nagising lang ako dahil gininaw ako, e, kaya ako nag-video. This is my first day na nag-video ako. Mabuti ng may naka-record just in case alam n’yo ang nangyayari sa akin. 

Sa inyo pong lahat, please pray for me. Tiis-tiis lang. Kaya ko 'to. Thank you,” pagtatapos ni Senator Bong.  

 

 

Posted by Ramon Bong Revilla, Jr. on Sunday, August 9, 2020


 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.