Coco Martin, pinangakuan ng TV, motorsiklo, at kabuhayan showcase ang dalawang solid ABS-CBN supporters

PHOTOS:  @mr.cocomartin on Instagram

PHOTOS: @mr.cocomartin on Instagram

Matapos maglabas ng galit sa National Telecommunications Commission (NTC) at resbakan ang mga trolls at bashers ng ABS-CBN sa kanyang mga Instagram posts kahapon, isang galante at mapagpasalamat na Coco Martin naman ang bumulaga sa social media ngayong araw, May 8.

Kung kahapon ay maaanghang na tirada ang pinakawalan ng Kapamilya star laban sa lahat ng may kinalaman at sa mga nagbunyi sa pagkakatigil sa pagsasahimpapawid ng ABS-CBN programs, tila mahinahon na ang aktor ngayon ngunit kababakasan pa rin ang panlulumo dahil sa mga nangyari. 

Sa dalawang magkasunod na Instagram post, pinasalamatan ng 38-year-old actor ang mga tagahangang nagpahayag ng matinding suporta sa ABS-CBN. 

Ang unang post ni Coco ay naglalaman ng isang short video kung saan may dalawang lalaki na nagbasag ng kani-kanilang TV sets dahil wala na daw silbi ang mga iyon ngayong hindi na mapapanood ang mga programa ng ABS-CBN, lalong-lalo na ang Ang Probinsyano.

"MARAMING SALAMAT TOL SA IYONG SUPORTA!!!" pahayag ng award-winning actor sa kanyang post. 

Nangako ang aktor na papalitan n'ya ang TV set ng lalaking nasa video sakaling makabalik on-air ang ABS-CBN. Hindi lang 'yon dahil bibigyan n'ya rin umano ito ng motorsiklo.

"PAG BALIK NAMIN [on-air] PAPALITAN KO YANG TV MO NG MASMALAKI PANGAKO KO SAYO YAN!!! PATI MOTOR BIBIGYAN KITA PAGBALIK NA PAGBALIK NAMIN!!! 

"MARAMING MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG TAONG SUMOSUPORTA AT NAKIKIRAMAY SA AMIN HINDI HINDI NAMIN KAYO MAKAKALIMUTAN!!!"

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Maging ang fellow Kapamilya actress na si Angel Locsin ay napa-comment at nagbiro na: "Co, penge rin TV."

Isang screenshot naman mula sa ABS-CBN News Facebook ang kasunod na ipinost ni Coco kung saan makikitang tadtad ng tattoo ang mukha at ulo ng isang lalaki. And take note, hindi lang basta tattoo dahil hinango ang mga iyon sa mga pamagat ng programa at personalidad mula sa ABS-CBN.

Ayon sa report ng news.abs-cbn.com, solid Kapamilya fan daw ang lalaki sa larawan na nakilalang si Caloy Pasahol mula sa Legazpi, Albay. Nalulungkot daw ito ngayong nawala sa ere ang ABS-CBN programs. Kung sakaling mabalik sa himpapawid ang paborito n'yang TV station, balak daw n'yang magpa-tattoo'ng muli.  

"TAY! MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA PAGSUPORTA NYO, SOBRA PO NAMIN KAILANGAN YAN SA NGAYON!" sey ni Coco sa kanyang IG post na tila nabuhayan sa matinding suporta ng fan.

At gaya sa nauna n'yang promise na TV set at motor sa kanyang previous IG post, pinangakuan din ni Coco ang lalaki ng kabuhayan showcase once daw na ma-grant ang kanilang broadcast franchise o provisional authority to operate. 

"PAG NAKABALIK KAMI PINAPANGAKO KO SAYO BIBIGYAN KITA NG PANGKABUHAYAN NG PAMILYA MO MAG TAYO KA NG TINDAHAN DYAN SA LUGAR NYO KAMI NAPO ANG TUTULONG SA INYO WALA NA TAYONG IBANG AASAHAN KUNDI TAYO ANG MAG TUTULONGAN!"

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.