Coco Martin, lips are sealed pa kung magkakaroon ng FPJ’s Ang Probinsyano Part 2 o kung Batang Quiapo ba ang kasunod niyang proyekto

Taos-puso ang pasasalamat ni Coco Martin sa lahat nang matapat na tumangkilik sa kanila sa loob ng pitong taon. “Mga Ka-Probinsyano, kayo po ang nagsisilbing inspirasyon sa aming trabaho. Kaya po palagi namin pinagbubuti at pinapaganda ang bawat episode para matumbasan po namin ang pagmamahal at suporta na ibinibigay niyo. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat!”

Photos: @cocomartin_ph

Taos-puso ang pasasalamat ni Coco Martin sa lahat nang matapat na tumangkilik sa kanila sa loob ng pitong taon. “Mga Ka-Probinsyano, kayo po ang nagsisilbing inspirasyon sa aming trabaho. Kaya po palagi namin pinagbubuti at pinapaganda ang bawat episode para matumbasan po namin ang pagmamahal at suporta na ibinibigay niyo. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat!”

Mukhang ayaw pagpahingahin ng solid supporters niya si Coco Martin dahil hinihiritan kaagad siya ng Part 2 ng FPJ’s Ang Probinsyano tutal naman daw ay buhay siya sa ending ng Part 1.

Sana raw ay kasama pa rin sina Rowell Santiago as Presidente Oscar Hidalgo, Sharon Cuneta sa karakter na Aurora, at siyempre si Julia Montes bilang Mara.

Buhay may-asawa naman daw sana ang ipakita sa inuungot na Part 2 ng FPJAP.

May mga nagsabi namang gawin na kaagad ang Batang Quiapo, na isa ring FPJ classic with Maricel Soriano, na matagal na ring nabalitang naka-bangko sa mga plano niya.

Grabe naman, hindi pa nga lumilipad si Darna sa ikalawang episode nito pinababalik na kaagad si Cardo Dalisay.

Sa nakaraang thanksgiving mall show ni Coco, na ginanap sa Taguig City nitong Linggo, nakapanayam siya ni Ganiel Krishnan ng TV Patrol at natanong tungkol sa FPJAP Part 2.

“Honestly, hindi ko pa alam,” nakangiting lahad niya. Ayaw pa akong gambalain ng mga boss, e, or pag-usapan o pag-meetingan.

“Siguro after ng mga tour, ng mga mall shows, dahil meron pa kaming US tour, saka namin pag-uusapan kung ano ‘yung next.

Samantala, as of press time ay kinansela muna ang mga nakatakda sanang Pasasalamat Tour nila sa Bulacan, Cebu at Iloilo dahil sa tumataas na namang Covid cases sa bansa.

Regarding Batang Quiapo naman...

“Actually, hindi ko pa alam. Honestly, nakarating na sa akin ‘yun. Pero, para sa akin, management ang magde-desisyon. Kasi, para sa akin, basta kung ano sa alam ko ‘yung makakapagpasaya sa mga manonood.”

Nagkuwento rin nang bahagya si Coco ukol sa naranasan nilang sepanx o separation anxiety ngayon among the cast and production staff na FPJAP. inihambing pa niya ang emosyon nila sa mga nararamdaman ng mga OFW o Overseas Filipino Workers

“Parang kaming mga OFW dahil minsan isang buwan, dalawang buwan, tatlong buwan magkakasama kami tapos walang uwian.

“Tapos suddenly, after seven years, matagal ulit bago kami magkita-kita o kung magkakasama ulit sa mga projects.

“Kasi hindi basta isang trabaho o isang soap opera ‘yung ginawa naming, e. Parang sabi ko nga, masyado naming dinibdib. 

“Pinag-aralan talaga namin. Kasi sabi nga namin, hindi namin sila bibigyan ng ordinary show na alam mo na o predictable na kung p’ano matatapos, alam mo na ang mangyayari... 

“Kasi ‘diba kadalasan kapag gumagawa tayo ng mga soap opera, alam naman natin ‘yun gusto natin lagi masaya. Laging happy ending?” pahayag ng aktor.

But Coco made sure na ang ending nila ay hindi lang kakaiba kundi they will end on a literal high note.

Dahil sa pagtatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa noong Biyernes, Agosto 12, ay nakamit nito ang pinakamataas na ratings na umabot sa 47.2% sa free TV at kasabay ang 536,543 concurrent live views sa mga online platforms ng Kapamilya network.

Walang mapagsidlan ng kaligayahan ang naramdaman ni Coco dahil kaliwa’t kanan ang papuri sa kanya at sa buong Team Probinsyano. Walang nagsabing nabitin o hindi maganda ang presentation ng huling laban ni Cardo Dalisay.

Kaya naman abut-abot ang pasalamat ng aktor na pinost niya sa kanyang Instagram account ilang oras pagkatapos ng viewing party ng buong team na ginanap sa isang ekslusibong venue.

“Maraming Salamat, Panginoon sa pitong taon na trabaho na ibinigay nyo sa amin,” panimula niya. “Napakarami pong buhay at pamilya ang natulungan dahil sa aming programa.

“Sa aking pamilya na nakasama ko sa loob ng pitong taon, sa lahat ng artista, directors, writers, staff/crew, cameramen, drone, art department, audio men, lighting directors, fight directors, stuntmen, talents, sa lahat ng bumubuo ng programa namin, @dreamscapeph family, sobra kong saya at proud na naka buo tayo ng isang samahan at magandang proyekto na hinding hindi ko malilimutan.

“Maraming maraming Salamat sa dedikasyon at tiwala na ibinigay nyo para mapaganda ang programa natin! Saludo ako sa inyong lahat!

“Sa ABS-CBN, Maraming Salamat po sa oportunidad at trabahong ipinagkatiwala nyo sa amin, sa aming mga Bosses: Tita Cory [Vidanes], Sir Carlo [Katigbak], Sir Mark [Lopez], Sir Deo [Endrinal], at sa lahat po ng bumubuo ng aming programa.

“Taos-pusong pasasalamat po kay FPJ, sa aking Lola Susan [Roces], Ate Grace [Poe] sa tiwala na ibinigay nyo sa amin para magawa ang FPJ’s Ang Probinsyano.”

Sa huli at higit sa klahat, pinasamatan niya ang lahat ng tapat na tumangkilik sa kanila.

“Mga Ka-Probinsyano, kayo po ang nagsisilbing inspirasyon sa aming trabaho. Kaya po palagi namin pinagbubuti at pinapaganda ang bawat episode para matumbasan po namin ang pagmamahal at suporta na ibinibigay niyo. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat!

“Muli, Walang Hanggang Pasasalamat po sa inyo at mahal na mahal na mahal ko po kayong lahat.

“Salamat hanggang sa muli nating laban!”

In the same IG post ni Coco, nagpasalamat din sa kanya sa comments section ang mga co-stars niyang sina Megastar Sharon Cuneta, Rosanna Roces, Rowell Santiago, at Michael de Mesa.

Heart emojis ang pinadala ni Michael, habang applause emojis naman ang kay Rowell. Si Osang ay simple pero tagos sap[song “Maraming Salamat din Co” ang ipinarating.

“Maraming maraming salamat sa IYO, mahal naming boss, direk, co-actor, kapatid, anak…” saad naman ni Sharon. “Miss na miss na kita at lahat kayo…I love you and all of us, our family! Sana maulit.

“Buhay pa si Cardo, Mara, Pres Oscar at Aurora! Kaya pa natin dugtungan kasi lahat pala ng Agilang namayapa may kakambal din!!!!!!! Ang ganda di ba!!!!! Waaaaaaaaaah sige na please anak ang sad sad sad ko na mawalay sa inyo!”

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.