During the I Love You with Accent press conference kamakailan, isa sa nabalikang paksa sa buhay ng tinaguriang Primetime King ng ABS-CBN na si Coco Martin ay ang mga kakulangan niya bilang tao. Aniya, dahil dito ay mababa ang kanyang confidence kaya ni minsan daw ay hindi niya naisip na maging artista.
Kaya naman daw nang mabigyan siya ng pagkakataon na makapasok sa showbiz ay buong higpit niyang niyayakap ang bawat proyektong ipinagkatiwala sa kanya.
“Actually, naging inspirasyon ko [sa paggawa ng pelikula] 'yung struggling days ko kasi nu’ng araw na nagsisimula ako wala sa akin naniniwala dahil hindi ako artistahin ang liit ko, bulol ako—as in jologs. Talagang wala sa bokabularyo ko na mag-aartista ako," natatawang balik-tanaw niya.
“Hanap lang ako nang hanap kung saan ako makakapag-trabaho nang maayos na mabubuhay ko ang pamilya ko. And then, nagkaroon ako ng oportunidad na nakita ko 'yung field kung saan ako makakapagtrabaho at mage-excel ako na parang ito na 'yung chance para matupad ko na 'yung pangarap ko na makapag-provide ako nang maayos para sa pamilya ko.
“Nu’ng nakita ko 'tong trabahong ito [na pag-artista], talagang niyakap ko kasi sabi ko [sa sarili ko] marami akong kakulangan, sabi ko nga pinaka-basic hindi ako gaanong nakaka-intindi ng English...pero ayaw kong limitahan ang sarili ko,” dire-diretsong kuwento ng aktor na isa sa naging pinaka-successful sa kanyang henerasyon.
“Naniniwala kasi ako sa hard work, e," pagbabahagi niya nang panuntunan niya sa buhay. "Kaya nu’ng nakapasok na ako dito sa industriyang ito na nag-trabaho ako bilang artista hindi ako huminto ro’n."
He quenched his own thirst kumbaga. Kinuha niya ang oportunidad para i-workshop ang sarili sa iba't ibang larangan ng pagbuo ng pelikula at teleserye.
"Lagi akong nanonood, hindi ako tumatambay sa tent nu’ng nagsisimula ako. Lagi akong nasa labas, nanonood ako, tinitingnan ko 'yung eksena, [kung] paano ba umarte ‘'yung magagaling nating artista o veteran actors natin. Tapos unti-unti, ginagaya ko, tinitingnan ko 'yung nuisance nila sa pag-arte, sa pag-deliver nila ng lines.
“And after that, tinitingnan ko na 'yung mga camera man, 'Bakit ganu’n 'yung mga shot nila, ganu’n ang pag-iilaw?' Ganu'n din sa mga direktor at gayun din sa mga writers.
“And then, nu’ng dahan-dahan na akong nakakapasok sa production at naiintindihan ko na 'yung trabahong ginagawa nila ang sinabi ko sa sarili ko, ang importante kailangan ng mga Filipino na lagi kong tinitingnan ang sarili ko sa kanila na ang importante sa atin ay oportunidad.”
Dahil sa tinatamasa ngayon ni Coco, na itinuturing na money maker ng Kapamilya network dahil patuloy na namayagpag ang kanyang phenomenal hit na FPJ’s Ang Probinsyano sa loob ng pitong taon kahit pa nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN.
Aniya, hindi naging madali sa kanila sa Probinsyano ang lahat lalo na noong kasagsagan ng pandemic pero patuloy umano nilang itinaguyod ang show para na rin sa kapakapan ng mga taga-produksyon.
“May mga taong lalapit sa akin na nanghihingi ng tulong, nakikita ko kasi 'yung sarili ko sa kanila...na dati may trabaho ako ng two days tapos anim na buwan wala, nganga!
“Kaya pag alam ko na 'yung mga kaibigan ko o kakilala ko o may artista na medyo nag-i-struggle o nawawalan ng pagkakataon, naawa ako kasi nga lagi kong nakikita 'yung sarili ko sa kanila kaya ang ginagawa ko, binibigyan ko ng trabaho kasi gusto kong makapagsimula silang muli."
Gusto raw niyang iparanas sa ilang mga artista ang mabigyan ng pagkakataon. Dahil hindi naman daw siya aabot sa estado niya ngayon kung walang sumugal sa kanya.
“Lalo na 'yung mga artistang gustong sumubok, kinukuha ko sila kasi gusto ko kung ano 'yung nangyari sa akin, mangyari rin sa kanila. Kaya ganito ang dedikasyon ko sa trabaho kasi alam ko na minsan lang darating ang ganitong pagkakataon.
“Saka gusto ko pagtanda ko maalala ko na ginawa ko 'yung pinaka-best kasi ang alam kong talent ko, kasipagan kaya iyon ang ginagawa ko,” mahabang pagbabahagi ng actor-writer-director.
Sa pagbuo niya ng pelikulang Labyu with an Accent, ang mga kasamahan pa rin sa produksyon ang iniisip ni Coco. Aniya, matagal na niyang konsepto ito at sinadya umano niyang ilapit ito sa Star Cinema para mapasama sa 2022 Metro Manila Film Festival. Sa gayun daw ay baka sakaling makatulong siyang maibalik ang sigla ng industriya at magkaroon ng trabaho ang mga kasamahan niya sa production sa panahon ng Holiday season.
Pinalad naman na napasali nga sa walong official entries ng 2022 MMFF ang pelikulang ito ng Star Cinema at ng ABS-CBN Film Production.
Directed by Coco himself (under his real name Rodel Nacianceno) and Malu Sevilla, the romcom film stars and ensemble cast that includes Jodi Sta. Maria, Manuel Chua, Michael de Mesa, Jaclyn Jose, Nova Villa, Joross Gamboa, Rochelle Pangilinan, G Tongi, Rafael Rosell, Donita Rose, Carlo Munoz, Cheena Crab, Nikki Valdez, Zeus Collins, Neil Coleta, Jojit Lorenzo, Nash Aguas, JJ Quilantang, Iyannah Reyes, Madam Inutz, Jhai Ho, Marc Solis, Jay Gonzaga, John Medina, Bassilyo, Smuglazz, at John Estrada.
It's showing in cinemas nationwide starting December 25.
YOU MAY ALSO LIKE:
Paghalik ni Julia Montes kay Coco Martin, pag-amin na ba sa relasyon nila?
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber