Claudine, willing mag-house-to-house para kay Ate Vi

(Left photo)) Claudine, wearing a Vilma Santos-Recto campaign shirt, here with her Ate Vi, whom she openly calls her “idol.” (Center) Ate Vi posted this then and now collage photos of her and Claudine on her IG, @rosavilmasantosrect, last year. (Right) Ate Vi and Clau in another caption-less 2018 post from Ate Vi.

PHOTOS: @rosavilmasantosrect & @claubarretto on Instagram

(Left photo)) Claudine, wearing a Vilma Santos-Recto campaign shirt, here with her Ate Vi, whom she openly calls her “idol.” (Center) Ate Vi posted this then and now collage photos of her and Claudine on her IG, @rosavilmasantosrect, last year. (Right) Ate Vi and Clau in another caption-less 2018 post from Ate Vi.

Base sa ilang Instagram posts ni Claudine Barretto ay very evident na madalas itong nasa Lipa, Batangas. At iyon ay dahil nag-volunteer siyang ikampanya nang libre ang idol at mahal na mahal niyang si Vilma Santos-Recto—fondly called Ate Vi in showbiz—who is running for her second term as representative of the lone district of Lipa.

In fact, noong March 31 nga raw, isang araw bago pumanaw ang Mama niyang si Mrs. Milagros Santos, ay magkasama din sila ni Claudine.

Napanatili raw nila ang “nanay-anak” closeness nila, ayon kay Ate Vi, after nilang gawin ang classic na ngayong Anak under Star Cinema noong taong 2000. 

In fact, noong mga panahon daw na may pinagdadaanang krisis si Claudine sa kanyang personal life ay magkatawagan daw sila sa telepono palagi. Hindi lang nilinaw ni Ate Vi kung ang mga personal crisis na iyon ay may kinalaman sa estranged husband nitong si Raymart Santiago o tungkol sa mga hindi pa rin magka-ayos na mga miyembro ng Barretto clan. Pero masaya raw siya para kay Claudine sa aspetong nagka-ayos na rin sila ng elder sister nitong si Gretchen Barretto.

Kaya naman kahit hindi hinihingi ni Ate Vi ang tulong ni Claudine ay ito na raw ang nag-volunteer at talagang aktibo ngayong nangangampanya sa kanya.

“Sabi niya, ‘Gusto mo, mag-house-to-house [campaign] ako para sa’yo?’” very animated na kwento ni Ate Vi, na saglit na nakapanayan ng pikapika.ph sa lamay ng kanyang Mama sa Loyola Memorial Park sa Parañaque. “Sabi ko, ‘Clau, anak, hindi ako nagha-house-to-house….’ ‘No, I can do it for you kahit hindi ka kasama.’ And she will do it, she will do it.”

Isa si Ate Vi sa umaasang sana ay muling mabigyan ng magandang acting project si Claudine dahil nanghihinayang siya sa galing nito sa pag-arte.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ate Vi, gustong maka-trabaho si Juday (o kaya’y makagawa ng ala-Rainbow Sunset ni Gloria Romero)

Ate Vi mourns the loss of good friend and staunch Vilmanian, Marie Barbacui

Ate Vi, maluwag na tinanggap ang pagkawala ng ina

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.