CJ Villavicencio’s Statement on the Pop Stage Performance: “There was no intention whatsoever on my part to plagiarize.”

Photo: CJ Villavicencio Facebook Account

Photo: CJ Villavicencio Facebook Account

May 2020, kasagsagan ng lockdown dahil sa Covid-19 pandemic, nang ilungsad ng Popeyes Philippines ang big-time online talent search nilang The Pop Stage, hosted by their first brand ambassador na si Matteo Guidicelli.

With a promise of P1M cash prize and a management contract with Viva Artist Agency, dinagsa ng mga talented Pinoys ang pa-contest ng Pop Stage.  At nito lamang August 2, ginanap ang grand finals ng The Pop Stage na tinawag The Pop Stage’s Big Reveal: Meet the Grand Champion, kung saan naglaban-laban ang lumutang na anim na grand finalists na sina Job Tolonghari, Dia Mate, Roxorbeat, CJ Villavicencio, El-John Zian, at Martin Naling.

In the end, si CJ Villavicencio ang napiling grand winner ng mga judges na sina G-Force Ritz Beltran, Jed Madela, at Ms. Lani Misalucha.

Winning piece ni CJ ang music video medley ng mga kanta ng Eraserheads gaya ng  ”Alapaap,” “Ligaya” at “Pare Ko.”  Ang music video, shot in various locations at kung saan kunwari ay isa siyang estudyante, ay na-live steam naman noong July 26. 

Pero may mga agad na pumuna sa ipinanalong piyesa  ni CJ na umano ay rip off at kopyang-kopya sa isang part ng musical na “Ang Huling El Bimbo (AHEB),” na nilikha base sa mga awitin ng iconic band na Eraserheads. Partikular na pinuna ng Netizens, na marahil ay nakapanood ng AHEB, ang mala-ROTC part ng “Pare Ko.” 

Kalaunan, mismong si Ely Buendia, composer and lead singer ng dating E-heads, ay pumalag sa kanyang social media post at nagpahayag ng disappointment para sa mga creative minds behind AHEB. Aniya, someone else was rewarded for someone else’s work.

Maging si Myke Solomon, ang mismong musical arranger ng AHEB, ay umalma dahil wala umanong permiso ang paggamit ng kanilang “musical treatment at concept.” 

Umani ng sari-saring batikos si CJ dahil dito at nabansagan pang nag-plagialrize.

At ngayong gabi ng August 4, binabasag ni CJ ang kanyang pananahimik para ibigay ang side niya tungkol sa pangyayari. Aniya, hindi niya intensyong makasakit ng damdamin lalo na raw sa mga bumubuo ng “Ang Huling El Bimbo.”

Aniya, ang final performance niya ang tribute niya sa kanyang paboritong banda at musical “while also incorporating my own story and experiences.”

Wala umano siyang intensyong mag-plagiarize. Gayunpaman, inihihingi niya ng tawad kung siya man daw ay nakapagdulot ng “undue distress” o kung siya man ay lumabas na tila “disrespectful” at nakasakit ng mga tao sa theater community.

Dagdag pa niya, naapektuhan umano ang kanyang mental health dahil sa mga natamong batikos. Bagamat alam daw niyang as a newbie at aspiring artist, marami pa raw siyang dapat matutunan.

“I humbly ask for for everyone’s understanding as I navigate this new world that I have recently entered.”

Narito ang kabuuang pahayag ni CJ Villavicencio:

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.