Christopher de Leon, to direct Vilma Santos in some scenes of their reunion movie

“Na-miss ko rin ang team-up namin ni Boyet. Alam ko, kahit papaano, nandiyan pa rin ang crowd namin ni Boyet. Ang ganda kasi ng istorya. Ang istorya kasi tatakbo sa edad namin. Hindi kami magbabata-bataan dito. It's a good comeback sa akin. It’s a love story for all seasons. We’re very thankful sa trust.”—Vilma Santos on her reunion movie with Christopher de Leon

Photos: Anna Pingol, @jgprodinc

“Na-miss ko rin ang team-up namin ni Boyet. Alam ko, kahit papaano, nandiyan pa rin ang crowd namin ni Boyet. Ang ganda kasi ng istorya. Ang istorya kasi tatakbo sa edad namin. Hindi kami magbabata-bataan dito. It's a good comeback sa akin. It’s a love story for all seasons. We’re very thankful sa trust.”—Vilma Santos on her reunion movie with Christopher de Leon

Habang sinusulat namin ito ay malamang na nakapag-first shooting day na sa Japan sina Christopher de Leon at Vilma Santos para sa reunion movie nila (after 18 years) na When I Met You in Tokyo.

Lumipad pa-Tokyo ang dalawa, na huling nagsama sa pelikulang Mano Po 3 (2006), noong April 1, kasama ang mag-asawang Tirso Cruz III and Lynn Cruz, who will both play special roles in the film.

Ani Star for All Seasons na si Ate Vi, si Christopher daw ang malaking dahilan kung bakit niya agad na inoo-han ang pelikula. Matagal daw kasi siyang um-absent sa acting at malaking bagay daw na kumportable siya sa kanyang ka-trabaho sa kanyang pagbabalik-acting. She was last seen on the big screen sa pelikulang Everything About Her with Angel Locsin in 2016.

"E, si Yetbo, hindi pa nagsasalita alam ko na kung ano sasabihin," saad niya during their pre-departure contract signing last March 30 sa Hotel Okura in Pasay, while referring to Christopher by his petname for him.

Moreover, nagandahan daw talaga siya sa materyal ng project na isang love story na age-appropriate at hindi na pa-cute.

"When this movie was offered to me, tinanong ko lang kung ano ang synopsis at kung sinong kasama. When they said si Christopher de Leon, yes agad ang sagot ko,” patuloy niya.

“Na-miss ko rin ang team-up namin ni Boyet. Alam ko, kahit papaano, nandiyan pa rin ang crowd namin ni Boyet. Ang ganda kasi ng istorya. Ang istorya kasi tatakbo sa edad namin. 

“It’s a love story na nasa edad namin. Hindi kami magbabata-bataan dito. Kasi, alam n'yo naman, 35 [years old] na tayo," biro pa niya. "It's a good comeback sa akin. It’s a love story for all seasons. We’re very thankful sa trust.”

Malaki ang participation ni Boyet sa movie because aside from acting, he's also directing some crucial scenes. At sa pagkaka-alam namin, naging katuwang din siya ni Direk Conrado Peru, who also wrote the story, para mas mapaganda pa ito.

"Si Direk kasi at si Boyet, magkasama sa Lolong," the movie's supervising producer, Redgie Magno (formerly a GMA-7 executive) told us. "Kumbaga, parang nag-pitch si Direk kay Boyet, pinag-uusapan nila during break. Nagustuhan ni Boyet tapos may mga sinadgest na siya sa story.

"Tapos, nandoon lang 'yong story. Wala pa namang producer at that time. Wala pa rin si Ate Vi sa picture. Hanggang sa dumating ang JG Productions, nagustuhan din nila ang story. That's when Boyet suggested na i-alok kay Ate Vi. Wala naman daw masama. Baka daw sakali. Ako naman that time, sa isip ko, 'Naku, baka ayaw pang umakting ni Ate Vi...' E, nagustuhan din. And here we are."

Ang story ay tungkol sa isang retiradong Pinoy farmer (Boyet) sa Japan, who decided to stay there at mag-immerse sa Japanese culture. Makilala niya ang karakter ni Ate na isa ring OFW na habang panahong pinagsilbihan ang pamilya. Of course, we can't reveal the full plot at kung saan papasok ang conflict at kilig.

Basta't ang alam namin ay hinabol talaga nila ang sakura (cherry blossoms) seasons doon at bukod sa Tokyo, dadayo rin sila sa kalapit na Chiba district to shoot. May break time din sila in between at dadalhin nila si Ate Vi and the rest of the cast sa lugar na may snow pa.

Malamang, isa rin sa nakapagpa-oo kay Ate Vi sa project yong fact na sa Japan kukunan ang 95 percent of the film and during a time na malamig pa doon.

Bukod pala sa pagiging co-developer ng storyline at associate director, si Christopher din ang umawit ng theme ng pelikula na "When I Met You" ng APO Hiking Society. At balita rin namin, bago tumulak for Japan, nag-training pa si Boyet ng Kendo (Japanese fencing) dahil kakailanganin ito sa isang eksena sa pelikula.

Bukod sa mag-asawang Tirso at Lynn Cruz, kasali rin sa pelikula sina Gabby Eigenmann, Kakai Bautista, at ang rumored sweethearts na sina Cassy Legaspi at Darren Espanto.

Ang When I Met You in Tokyo is produced by JG Productions of Rowena Jamaji and Rajan Gidwani.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.