Christmas wish ni Marian Rivera: “To get pregnant.”

Matatandaang isiniwalat ni Marian way back December 2020 na isa sa mga birthday wishes ng panganay nila ni Dingdong Dantes na si Zia na gusto pa umano nito ng isa pang kapatid maliban kay Sixto.   Noong November last year naman nang maging vocal ang hot momma na open pa s’ya na muling magbuntis for one last time.   This time, Christmas wish na niya ito.

PHOTOS: @marianrivera on Instagram

Matatandaang isiniwalat ni Marian way back December 2020 na isa sa mga birthday wishes ng panganay nila ni Dingdong Dantes na si Zia na gusto pa umano nito ng isa pang kapatid maliban kay Sixto.  Noong November last year naman nang maging vocal ang hot momma na open pa s’ya na muling magbuntis for one last time.  This time, Christmas wish na niya ito.

Pinusuan ng mga netizens ang pagbabahagi ni Marian Rivera ng kanyang Christmas wish sa dinaluhan n’yang Preview Ball 2022.

Sa short video na inilabas ng When in Manila Facebook page ngayong araw, September 2 – na ini-repost naman ng aktres sa kanyang sariling FB page – sinabi niya na ang hiling daw n’ya ngayong Pasko ay ang mabuntis muli.

Nahiritan kasi s’ya sa nasabing video na kumpletuhin ang phrase na “All I Want for Christmas is…” na hango sa lyrics ng famous Christmas song ni Mariah Carey. 

Dito ay saglit na napaisip si Marian bago sumagot ng “To get pregnant.”

 

All I want for Christmas is..... 🎅🏼🎄 🎥 wheninmanila

Posted by Marian Rivera on Thursday, September 1, 2022

Matatandaang isiniwalat ni Marian way back December 2020 na isa sa mga birthday wishes ng panganay nila ni Dingdong Dantes na si Zia na gusto pa umano nito ng isa pang kapatid maliban kay Sixto

Noong November last year naman nang maging vocal ang hot momma na open pa s’ya na muling magbuntis for one last time. 

Wala naman daw kasi silang kasunduaan ni Dong kung susundan pa ba si Sixto o awat na. 

Wala kaming ganu’n. Walang anything na ganu’n. Kung anong ibigay ng Panginoon sa amin tatanggapin namin ’yan,” pahayag ng celebrity mom sa entertainment press that time. 

Pero kung s’ya daw ang tatanungin, game daw s’ya magbuntis para sa ikatlong baby na s’yang magiging bunso ng kanilang pamilya.

“Why not? Hindi lang natin alam kung kailan. Pero talagang hoping pa ako for one last [baby]. ’Yong dalawa [sina Zia at Sixto] is okey sa ’kin. Kung papalain at bibigyan uli ng pagkakataon [na magbuntis], why not? Hindi ba?” masayang sabi pa ni Marian noon.

Ikina-excite naman ng kanyang fans ang pahayag na ito ni Marian na posibleng pang magkaroon ng karagdagang miyemro ang Dantes Squad.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Nagbabalik-acting na si Marian Rivera, sa possible project nila ni John Lloyd Cruz: “DongYan [project] muna tayo...priority ko si Dong.”

Hiling ni Dingdong Dantes na madalaw siya ng pamilya sa set ng Family Feud, natupad agad-agad

Marian Rivera turns business relationship into friendship

Pika's Pick: Marian Rivera reaches 27 million Facebook followers!

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.