Christine Bermas, type makatrabaho ang crush niyang si Joshua Garcia; “Pero impossible ’yon kasi wholesome siya.”

Bibida si Christine Bermas sa Peque Gallaga’s Scorpio Nights 3 na hango sa 1985 erotic thriller film na may kaparehong titulo na creation ng late director na si Peque Gallaga.

PHOTOS: @christinebermas_ & @garciajoshuae on Instagram

Bibida si Christine Bermas sa Peque Gallaga’s Scorpio Nights 3 na hango sa 1985 erotic thriller film na may kaparehong titulo na creation ng late director na si Peque Gallaga.

Hindi naikubli ng Vivamax siren na si Christine Bermas ang kilig nang matanong s’ya tungkol sa aktor na si Joshua Garcia.

Naganap ito sa solo media conference n’ya for her upcoming erotic-thriller na Scorpio Nights 3 kamakailan kung saan naging vocal s’ya na type n’yang makatrabaho someday ang Kapamilya star.

Naintriga naman ang entertainment press at inusisa pa ang aktres kung bakit si Joshua ang napupusuan n’ya out of all the young stars ngayon. 

Oo. Consistent ako sa kanya. Charot!” natatawang sagot ni Christine sa press.

Pag-amin n’ya, crush n’ya daw ang aktor na maliban sa mahusay na sa pag-arte ay magalang pa. 

Oo, gustong gusto kasi parang sobrang polite. One, kasi crush ko s’ya at saka mahusay na actor din naman… Wala, mabait s’ya for me. Charot! Akala mo kilala [talaga]. Hindi pa, hindi ko pa s’ya nami-meet personally,” paliwanag n’ya.

Ganu’n pa man, kahit na gusto n’ya itong maging leading man sa isang movie project ay alam n’yang malabo pa itong mangyari sa ngayon. 

Pero imposible ’yon kasi wholesome si Joshua Garcia,” saad n’ya.

Kung mabibigyan naman daw ng pagkakataon, o sakaling magpa-sexy na din ang aktor ay iga-grab daw n’ya ang opportunity. 

“Choosy pa?” natatawang sabi pa ni Christine. 

Nang matanong naman ng press kung ano ang sasabihin n’ya dito sakaling magkita sila for the first time. 

“‘Hi!’ Hahaha!” game na sagot n’ya. “Ganu’n lang para… s’yempre, kailangan ‘Hi’ lang muna.

Bibida si Christine sa Peque Gallaga’s Scorpio Nights 3 na hango sa 1985 erotic thriller film na may kaparehong titulo ng late director na si Peque Gallaga. 

Pinagbidahan ito noon nina Daniel Fernando, Anna Marie Gutierrez and the late actor Orestes Ojeda. Nagkaroon pa ito ng sequel noong 1999 na pinagbidahan naman nina Joyce Jimenez and Albert Martinez

Makakasama ni Christine sa bagong version ng pelikula ang dalawa n’yang leading men na sina Mark Anthony Fernandez at Gold Aceron.

Mapapanood ang Peque Gallaga’s Scorpio Nights 3 this July 29, 2022 sa Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Joshua Garcia, leading man o nemesis ni Darna?

Joshua Garcia, “jojowain” daw si Ivana Alawi; sinabihan pang: “Pagaling ka.”

ON-THE-SET LOOK: Direk Joel Lamangan finds his new muse in Christine Bermas, his lead star in Moonlight Butterfly

Exclusive: Vince Rillon at Christine Bermas, mga laking-hirap na nakipagsapalaran at nagtagumpay sa showbiz

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.