Christine Bermas, humugot ng angas kina Cristine Reyes at Anne Curtis para sa kanyang action film

To prepare for her action scenes on her revenge movie Nightbird, Christine Bermas trained for Yaw-Yan mixed martial arts training. “’Yong nag-train kina Cristine [Reyes for Maria] and Anne [Curtis for Buy Bust] na coaches, sila din ’yong nag-train sa akin,” pagmamalaki ni Christine. “Nag-try kami ng mga self-defense [techniques], [with] knives, arnis…lahat. Kahit ’yong axe na ginamit ko sa film, tinry din namin ’yon. Mga self-defense…lahat.”

PHOTOS: Viva Films

To prepare for her action scenes on her revenge movie Nightbird, Christine Bermas trained for Yaw-Yan mixed martial arts training. “’Yong nag-train kina Cristine [Reyes for Maria] and Anne [Curtis for Buy Bust] na coaches, sila din ’yong nag-train sa akin,” pagmamalaki ni Christine. “Nag-try kami ng mga self-defense [techniques], [with] knives, arnis…lahat. Kahit ’yong axe na ginamit ko sa film, tinry din namin ’yon. Mga self-defense…lahat.”

Sa mga big stars pala ng Viva na sina Cristine Reyes at Anne Curtis humugot ng angas ang palabang sexy actress si Christine Bermas para sa upcoming movie n’yang Nightbird.

Inamin n’ya ito sa exclusive virtual interview n’ya with pikapika.ph, kung saan nag-detalye ang aktres sa ginawa n’yang paghahanada para sa kauna-unahan n’yang action movie. Silent but deadly kasi ang role ni Christine sa bago n’yang pelikula. 

Sobrang palaban ng character ko dito sa Nightbird. Tahimik lang s’ya pero once na ginulo mo… Parang ganu’n...once na ginulo mo ang isang tahimik na babae lahat sasabog, sobrang messy,” paglalarawan n’ya sa character n’yang si Rachel.

Kaya naman nang matanong namin kung kaninong female action star ba s’ya humugot ng inspirasyon, sinabi n’yang napahanga s’ya sa pagganap ni Cristine Reyes sa revenge movie nitong Maria noong 2019 at kay Anne Curtis sa pelikula naman nitong Buy Bust noong 2018.

Kay Cristine Reyes. Nu’ng napanood ko ’yong film n’ya before. Sa kanya, and also ’yong kay Anne Curtis, ’yong Buy Bust. ’Yon ang mga naging inspiration ko,” lahad ni Christine sa amin. 

Pero hindi lang ’yon dahil talagang sumabak daw s’ya sa Yaw-Yan mixed martial arts training para sa kanyang mga fight scenes. 

“’Yong nag-train sa kanila [Cristine and Anne] na coaches, sila din ’yong nag-train sa akin,” pagmamalaki pa n’ya. 

Nag-try kami ng mga self-defense [techniques], [with] knives, arnis…lahat. Kahit ’yong axe na ginamit ko sa film, tinry din namin ’yon. Mga self-defense…lahat.

Aminado ang aktres na na-challenge s’ya nang husto noong umpisa pero kalaunan ay nasanay din naman daw ang katawan n’ya sa mga aksyunan. 

Inaral talaga namin for one week. The first few days were really hard for me. Pero nu’ng pa-fifth to last day na parang medyo natuto na ako nang konti,” pagbabalik-tanaw n’ya.

“And then nu’ng nagsu-shoot na kami, nandu’n naman ’yong mga coaches so parang nadali na,” dagdag pa ni Christine. 

At ang naging resulta, tumodo daw s’ya sa pagkain na s’yang ibang-ibang sa naging preparation n’ya sa mga ginawa n’yang sexy movies before.

Kung sa mga sexy films n’ya daw kasi dati ay todo kontrol s’ya sa kanyang food intake, kabaligtaran daw ang nangyari noong naghahanda s’ya para sa Nightbird.  

Na-realize ko ’yon. Kasi before sa mga films ko, hindi talaga. Kinokontrol ko lang ang [meal] ko. Pero dito parang from time-to-time kain ako nang kain. Hahaha!” natatawang pag-amin ni Christine sa amin.

Kasi nakakapagod s’ya. Parang from time-to-time gusto ko ng water, gusto ko ng food kasi lalaban na naman ako. ’Yon talaga,” she added. 

At nang matanong namin kung ano ba ang maibibigay n’yang rate sa ipinakita n’yang fight skills sa pelikula, natawa na lang at naging humble ang aktres.

Siguro ikaw na lang mag-rate pag napanood mo,” natatawang sabi n’ya.

Sila [mga manonood] na lang ang mag-rate kasi hindi ko rin kaya i-rate ’yong self ko. Binigay ko naman lahat ng best ko for that film,” pagtatapos ni Christine.

Kasama ni Christine sa pelikula sina Sid Lucero, Mark Anthony Fernandez, Aaron Villaflor, Felix Roco, at marami pang iba. 

Mapapanood ang Nightbird simula ngayong Biyernes, January 13, sa Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Christine Bermas, “nagpapa-init” sa harap ng salamin nang nude bago sumabak sa kanyang sexy scenes

Christine Bermas at Chloe Jenna, nagka-gulatan na may girl-to-girl love scene pala sila; “successful naman,” say ni Christine

Christine Bermas, type makatrabaho ang crush niyang si Joshua Garcia; “Pero impossible ’yon kasi wholesome siya.”

Christine Bermas, reserved off-cam, pero palaban sa pagpapa-sexy on-cam: “Kung kailangan mag-transform, go!”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.