Christian Bables, umaming nabiktima ng “Popstar Meal” fan-made ad

PHOTOS: @christiaaan06 on Instagram; INSET: @arvinchristian.lobo on Facebook

PHOTOS: @christiaaan06 on Instagram; INSET: @arvinchristian.lobo on Facebook

Natawa na lang sa kanyang sarili si Kapamilya actor Christian Bables matapos mabiktima ng fan-made ad poster ng “Popstar Meal” ni Sarah Geronimo.

Sa kanyang Facebook post kagabi, June 22, ikinuwento ng multi-awarded actor na nalaman n’yang hindi pala totoo ang Popstar Meal nang s’ya mismo ang um-order nito sa Jollibee.

“Nag drive thru ako for the popstar meal, shet hindi pala to totoo. Napapala ng hindi nagbabasa [Face with tears of joy],” pag-amin ni Christian.

Idinetalye pa n’ya kung ano ang naging reaksyon ng sevice crew sa kanyang order.

“Hi ate sa Jollibee drive thru, sa lutong ng tawa mo kanina nung ineexplain ko yung meal na merong coke sarah, busog na ako. Happy to have made your night [red hear and face with tears of joy emojis]

“Hahaha yung pagkaka explain ko pa eh: ‘ate yung nuggets na star, na may coke sarah,’” dagdag pa n’ya. 

“Sa lutong ng tawa ni ate, parang 10 years na kami magkaibigan [face with tears of joy emojis],” pagtatapos ni Christian.

 

Nag drive thru ako for the popstar meal, shet hindi pala to totoo. Napapala ng hindi nagbabasa 😂 Hi ate sa Jollibee...

Posted by Christian Bables on Tuesday, June 22, 2021

Naaliw naman ang kanyang online followers sa pag-amin n’ya sa kanyang funny experience. 

Gawa ng second years student ng Tarlac State University na si Arvin Christian Lobo ang nasabing witty fan-made poster kasunod ng paglalabas ng collaboration meal ng McDonalds at Korean boyband na BTS, ang BTS Meal.

Talagang may kinalaman kay Sarah G. ang food combo sa Popstar Meal gaya ng star-shaped Tala nuggets na inspired sa hit song n’yang Tala, Ikot-Ikot Twister Fries na hango sa kanta n’yang Ikot-Ikot, at medium size Coke Sarah na kinuha sa bansag sa kanya bilang Coach Sarah sa The Voice PH.

Pumatok naman ito sa mga fans ng well-celebrated singer-actress at ikinalat nila ito sa social media kaya nag-viral online. Nananawagan din sila sa Jollibee na isali na ang Popstar Meal sa kanilang menu.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Exclusive: Kay Sarah Geronimo na mismong nanggaling: “medyo buwis-buhay po” ang pa-stunt niya sa Tala The Film Concert

SNEAK PEEK at some of Sarah Geronimo’s looks for the Tala The Film Concert

Sarah Geronimo, aminadong nag-worry ding mawalan ng work dahil sa pandemic; kaya feeling blessed na may Tala The Film Concert

Sarah Geronimo, first time mag-stunt “na may danger” sa Tala the Film Concert niya according kay Direk Paul Basinillo

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.