Iba pala talaga ang pagmamahal sa pamilya ng singer-songwriter and Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda.
Hindi kasi n’ya napigilang magpahayag sa social media na nami-miss na n’ya ang kanyang asawa’t mga anak ngayong naka-quaratine s’ya sa Amerika dahil sa kanyang pagkakasakit.
Ito ay kahit na nasa kabilang kwarto lang ang mga ito at naghihintay sa kanyang paggaling.
“Pagpasensyahan nyo na kung medyo emotional ako ngayong gabi. [Victory/peace and pensive face emojis],” pasintabi ni Chito sa kanyang Instagram post kahapon, February 12.
Kalakip nito ang series of photos ng kanyang pamilya.
Aniya, gusto lang daw kasi n’ya maglabas ng kanyang saloobin dahil hindi raw s’ya nakatulog at gising lang buong magdamag.
“Actually 6am na dito sa LA, and hindi ako makatulog. I've been sick for the last couple of days, and although I'm feeling a bit better, just to be safe, sa kabilang kwarto pa rin ako natutulog para di mahawa si Neri and yung kids,” lahad n’ya.
At kahit na kalapit kuwarto n’ya lang ang mga ito ay miss na miss umano n’ya ang kanyang misis at mga anak nila.
“I miss them terribly kahit nasa kabilang kwarto lang sila...and nagi-guilty ako kasi feeling ko namimiss din nila ako kalaro, and alam ko namimiss din ako ni Neri,” ani Chito.
“Sobrang naa-appreciate ko lang sila ngayon...kung gaano ako kaswerte sa pamilya ko. Kung gaano sila kabait at kung gaano nila ako kamahal. How much they want to be with me and how much they want to have the best possible relationship that they could have with me,” pagpapatuloy n’ya.
Sisikapin daw n’yang ma-reciprocate nang husto ang pagmamahal sa kanya ng kanyang pamilya.
“Pangako ko na susuklian ko yung pagmamahal na yun. I will always try my best to be the best husband and best dad para sa kanila at maging good example para sa mga anak ko,” pahayag ng singer and celebrity father.
“Babawi ako sa mga panahon na nagkulang ako or naging busy ako masyado or nagsungit ako dahil sa kung anumang dahilan,” he added.
Gusto na raw n’yang gumaling na nang tuluyan para mayakap na ang kanyang pamilya.
“Hay, jusko...gusto ko na silang yakapin at iparamdam kung gaano ko sila kamahal. Gusto ko na iparamdam sa kanila how much I enjoy spending time with them,” aniya.
“Ang OA ko no? Ganito talaga ako eh,” pagtatapos ni Chito.
Mababasa sa previous IG post ng singer-songwriter na tinamaan s’ya ng ubo’t sipon sa gitna ng series of gigs nila sa US at sa Canada.
Get well soon, Chito.
YOU MAY ALSO LIKE:
Neri Miranda, todo ang pagmamahal at appreciation sa birthday celebrant husband na si Chito
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber