Chef who sent Sunshine Cruz lewd messages on Instagram fired

PHOTO: @sunshinecruz718 on Instagram

PHOTO: @sunshinecruz718 on Instagram

Tinanggal na sa trabaho si Lorence Anthony D. Guardian, ang line chef na nagpadala ng malalaswang mensahe kay Sunshine Cruz

Inamin ni Lorence na siya nga ang nagpadala ng dalawang bastos na mensahe kay Sunshine gamit ang direct message function ng Instagram sa dalawang magkaibang araw. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on

Ito ay matapos niyang sabihin na na-hack lamang siya at iba daw ang nagpadala ng messages. 

Dahil dito ang napagdesisyunan ng Epilogue, ang restaurant kung saan siya nagtatrabaho, na tanggalin siya sa kaniyang posisyon. 

Unang uminit ang issue ng pambabastos kay Sunshine kahapon, kung kailan nilantad ng aktres ang malalaswang mensahe sa pamamagitan ng sunod-sunod na posts sa Instagram at Facebook. 

Galit niyang pinangalanan niya si Lorence at pinakita ang mga mensahe kung saan pinagpapantasyahan ng chef si Sunshine at ang kaniyang mga anak.

Puro mga dalaga ang anak ni Sunshine, at lahat sila ay menor de edad. 

"Papatulan ko to. Bastos masyado. Chef pa naman," ang sabi ni Sunshine sa naturang post.

"@cheflorence_butcherchef umayos ka. Hindi sa lahat ng pagkakataon, mananahimik kami," dagdag ng aktres. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on

Sa hiwalay na Instagram post, galit ding sinabi din ng aktres na huwag  na huwag babastusin ang mga anak niyang dalaga. 

"Kung wala man silang tatay na maaaring magpoprotekta sa kanila, mas matindi ang mga nanay lalo na isang katulad ko na magpo-protekta sa mga anak ko na wala namang ginagawang masama sa kahit na sino. Tandaan mo yan Lorence Anthony Diola Guardian."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on

 

NETIZEN'S DEFENSE

Paliwanag ni Lorence kahapon, hindi daw siya ang nagpadala ng malalaswang mensahe kay Sunshine dahil na-hack ang kaniyang Instagram account. 

Ito rin ang unang paniwala ng host na si Kim Atienza dahil "too brave" daw ang mga mensahe ni Lorence kay Sunshine. 

Pero paliwanag ni Sunshine kay Kuya Kim, sa dalawang magkaibang petsa daw niya natanggap ang mga mensahe at bigla siyang blinock ni Lorence sa Instagram matapos niyang ilahad ang diumano'y pambabastos. 

Ito ang dahilan kung bakit hindi naniniwala si Sunshine sa paliwanag ni Lorence, at dahilan na din kung bakit nag-comment ang aktres sa isang Facebook post ng line chef. 

"Ang daming nagme message sakin na biktima ng kabastusan mo," galit na sabi ni Sunshine.

"You can’t even message me. Instead you blocked mo on instagram. Ano na Chef?! Antayin mo report ko sa Epilogue."

 

MACKY'S COMPLAINT

Ang boyfriend ni Sunshine na si Macky Mathay ang tumawag sa Epilogue upang magreklamo. 

Ayon kay Macky: "this VIRTUAL PREDATOR will be fired from his job and will be reported to the authorities so that he cannot victimize other showbiz personalities, private people and minors!!"

"WOMEN SHOULD BE RESPECTED AND NEVER DISREPECTED!! Ang BASTOS mo and to think you have photos of your mother and lola in your Instagram feed!!" 

 

APOLOGY FROM EPILOGUE

Noong gabing din iyon ay humingi ng patawad ang Epilogue kay Sunshine para sa umano'y malaswang kilos ng kanilang chef. 

Ayon sa direct message ng restaurant kay Sunshine, iniimbestigahan na daw nila ang isyu kasama ng employment agency kung saan naka-assign ang chef. 

"Rest assured that our company does not tolerate this kind of behavior."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on

 

FRIENDS' SUPPORT

Habang hinaharap ni Sunshine ang isyu ay todo-suporta ang kaniyang mga kaibigan mula sa showbiz.

Ilan dito ay sina Teresa Loyzaga, Karla Estrada, Ruffa Gutierrez, at Candy Pangilinan. 

Nagpasalamat naman si Sunshine sa Epilogue para sa kanilang mabilis na aksyon tungkol sa isyu. 

"May this serve as a reminder that women especially minors should be protected and respected."

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.