Chariz Solomon sa pagpasok ni Tuesday Vargas sa Bubble Gang: “It’s nice to have an ate again.”

Looking forward daw ang celebrity mom na si Chariz Solomon sa mga bago n’yang matututunan sa pakikipagtrabaho n’ya sa mga bagong cast ng Bubble Gang.  Aside kay Tuesday, kabilang na rin sa show ang Pinay-at-heart na Korean dancer/influencer na si Dasuri Choi at ang StarStruck Season 7 graduate na si Kim de Leon.

PHOTOS: @chariz_solomon & @tuesday_v on Instagram

Looking forward daw ang celebrity mom na si Chariz Solomon sa mga bago n’yang matututunan sa pakikipagtrabaho n’ya sa mga bagong cast ng Bubble Gang. Aside kay Tuesday, kabilang na rin sa show ang Pinay-at-heart na Korean dancer/influencer na si Dasuri Choi at ang StarStruck Season 7 graduate na si Kim de Leon.

Na-miss pala ng komedyanang si Chariz Solomon na magkaroon ng ate figure.

Inamin n’ya ’yan sa virtual media conference nila for Bubble Gang ngayong na-reformat ang kanilang show at may mga artistang naalis at nadagdag. 

At isa sa tatlong nadagdag ay ang singer-comedienne na si Tuesday Vargas na beterana na rin sa pagpapatawa. 

Dito natanong ng entertainment press si Chariz sa kung ano ang pakiramdam n’ya ngayong regular na nilang makakasama sa show si Tuesday. 

Pag-amin ng Kapuso comedienne, matagal daw n’yang inasam na magkaroon ulit ng ate figure sa show dahil matagal daw na panahon na siya ang nagsisilbing ate doon. Inabutan daw n’ya noon ang ilan sa mga pioneer cast ng programa at nami-miss n’ya daw ang ganoong setup. 

“It’s nice to have an ate again,” lahad ni Chariz sa press. “Before naabutan ko pa po sina Miss Ara Mina, sina Ate P-Chi [Rufa Mae Quinto], sina Ate Mau [Maureen Larazabal], who I am very close to...nakasama ko pa rin si Ate Mau sa Pepito [Manaloto] na sobrang close talaga kami.”

Ang tagal din daw kasi na puro kuya lang meron s’ya sa show at iyon nga ay sina Michael V at Paolo Contis

“It’s nice to have an ate again kasi for the longest time meron lang kaming kuya, si Kuya Bitoy [Michael V] tapos si Kuya Pao [Paolo Contis]. Ngayon meron na uli kaming ate,” masayang sabi n’ya.

Looking forward din daw ang celebrity mom sa mga bago n’yang matututunan sa pakikipagtrabaho n’ya sa mga bagong cast ng show. Aside kasi kay Tuesday, kabilang na rin sa Bubble Gang ang Pinay-at-heart na Korean dancer/influencer na si Dasuri Choi at ang StarStruck Season 7 graduate na si Kim de Leon

“I think this is very good. Change is always good. At saka marami kaming matututunan for sure kay Ate Tuesday, kina Dasuri, kina Kim. Bawat isa nga may iba’t ibang role, meron kaming iba’t ibang uniqueness, meron kaming for sure mako-contribute sa show,” saad pa ni Chariz.

Tsika pa n’ya, galante daw itong si Tuesday pag dating sa pagkain nila sa set. 

“Happy ako, ang dami kong natututunan kay Ate Tuesday. Kaka-start ko lang ng taping nu’ng last Monday tapos nagkukuwentuhan kami sa dressing room… Masaya, magaan. Tapos si Ate Tuesday lagi s’yang nanlilibre ng pagkain. Hahaha!” natatawang pagbibida n’ya. 

“So, ang saya-saya. Tapos sabay-sabay kaming kumakain na mga girls. Lagi namang ganu’n sa Bubble, parang pamilya talaga meron lang kanya-kanyang role,” dagdag pa n’ya. 

“So, it’s nice to have Ate Tuesday dito kasi nga ang tagal ko din talaga na walang ate figure sa show. Masaya, masaya ang pakiramdam,” pagtatapos ni Chariz.

Matutunghayan ang mga bagong cast at segments ng longest-running gag show sa Pilipinas, ang Bubble Gang, simula May 27 sa GMA Network.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.