Chai Fonacier, inggit sa nasaksihang magandang kalagayan ng mga film workers sa ibang bansa

"I think we all deserve that little more help kasi nu’ng nag-shoot ako do’n [sa Ireland], proper manggagawa talaga ang feeling ko—Monday to Friday [trabaho], pag tapos ng alas otso, tapos ng alas otso. Kung may night scene, late ang call time namin [the next day]. 	"Tapos okey ang tulog, okey ang kain at pag nag-overtime, panay ang sorry [ng production staff]. At may overtime pay sila.”—Chai Fonacier comparing film workers' condition in a foreign setting to the PH's.

Photos: Reggee Bonoan

"I think we all deserve that little more help kasi nu’ng nag-shoot ako do’n [sa Ireland], proper manggagawa talaga ang feeling ko—Monday to Friday [trabaho], pag tapos ng alas otso, tapos ng alas otso. Kung may night scene, late ang call time namin [the next day]. "Tapos okey ang tulog, okey ang kain at pag nag-overtime, panay ang sorry [ng production staff]. At may overtime pay sila.”—Chai Fonacier comparing film workers' condition in a foreign setting to the PH's.

Ipinananawagan ng premyadong aktres na si Chai Fonacier na sana raw ay mabigyan ng tulong ng gubyerno ang lahat ng TV and film workers tulad ng gingawa sa ibang bansa.

Nasambit ito ni Chai nang mahingan siya ng perspective sa naging karanasan niya sa shoot ng pinag-uusapang international film niyang Nocebo.

Limang buwan at kalahati kasi siyang nanatili sa Dublin, Ireland kung saan sinyut ang nasabing Filipino-Irish thriller.

“I think film and TV workers deserve...we deserve more help from the government," direktang lahad niya. "Actually, paulit-ulit ko ring sinasabi na the film and TV industry ay nagko-contribute na economically sa Pilipinas, kaya it’s about time naman na magkaroon tayo ng government support to make sure na ang mga workers natin ay may benepisyo, work hours, saktong pahinga, pagkain...mga basic lang naman 'to na karapatan ng mga tao, di ba? Sana maibigay sa mga workers 'yun—everybody across the board."

Itong sinasabi ko lahat ng mga taong nasa business ng pagkukuwento and that includes media workers entertainment, and news," patuloy niya. "I think we all deserve that little more help kasi nu’ng nag-shoot ako do’n [sa Ireland], proper manggagawa talaga ang feeling ko—Monday to Friday [trabaho], pag tapos ng alas otso, tapos ng alas otso. Kung may night scene, late ang call time namin [the next day].

"Tapos okey ang tulog, okey ang kain at pag nag-overtime, panay ang sorry [ng production staff]. Pero sila may overtime pay sila.”

Nakausap ng pikapika.ph si Chai sa press screening ng pelikulang Nocebo na ginanap sa Premiere Theater ng Shangri-la Mall kamakailan.

Matagal na rin naming naririnig ang mga hinaing na ito mula sa mga nagta-trabaho sa showbiz industry lalo na 'yung mga tinatawag na talent o mga freelance artists at maging mga taga-production na hindi regular ang employment.

Isa rin ito sa sinasabing dahilan ni Senador Robinhood Padilla kaya siya tumakbong senador. Nais umano niyang tulungan ang mga taga-showbiz industry. 

Samantala, naikuwento pa ni Chai na ang shooting hours daw nila sa Nocebo ay 10 hours lang kumpara rito sa bansa na halos round-the-clock ang shoot lalo na kung mga teleserye na may hinahabol na airing.

During the pandemic, hanggang 16 hours ang pinakasagad na shooting o taping para sa isang project.

Nabanggit naman sa usapan with Chai na nagkaroon na ng House Hearing for Special Committee on Creative Industry and Performing Arts nitong nakaraang Enero 10.

Ito ay tinawag na Film Industry Congressional Inquiry House Resolution No. 451 at tinalakay nila doon ang Value Chain, Film Industry Data Collection and Management. Bukas, Enero 17, itutuloy ang hearing para pag-usapan naman ang tungkol sa Film Industry Regulation, Workers' Rights and Welfare, Ease of doing business, Financial subsidy and film grants, at marami pang iba.

Ang mga inimbitang dumalo ay ang mga direktor na sina Joey Reyes, Paul Soriano bilang Presidential Adviser on Creative Communications, at iba pang filmmakers.

“Wow!  Really?" natutuwang reaksyon ni Chai. "Basahin ko nga ‘yan. Wala pa akong thoughts on that dahil gusto ko muna siyang basahin. That’s very interesting. Definitely I will look into this bill from top to bottom and discuss it with my friends and kung makakatulong naman, I will be behind it, but I need to read first.”

Samantala, international actress talagang maituturing si Chai dahil bukod sa Nocebo ay nakagawa na rin siya ng isang Argentinian movie na may titulong The Human Surge at dito sa Pilipinas sila nag-shoot, in Bohol on particular.

Sa ibang banda, medyo na-sad daw siya nang hindi manalong best supporting actress si Dolly de Leon sa nakaraang 80th Golden Globe Awards.

“Sabi ko kung manalo siya magpapa-party ako talaga," sambit niya. "Pero magpa-party pa rin ako kahit hindi [nanalo].  Kasi first nominated...I’m so proud of her."

At dahil pareho sila ni Dolly na nakakagawa na ng pelikula sa labas ng bansa, natanong din si Chai kung may pressure ba sa kanya na naihahalingtulad ang journey nila.

“Hindi naman masaya na ako na nakakapag-contribute tayo.  Ie-echo ko 'yung sinabi niya [Dolly] na ang mga awards naman ay hindi end-all and be-all ng career ng mga tao,” kumpiyansang lahad niya.

Samantala, during the Nocebo press preview ay idinisplay sa lobby ng sinehan ang mga props na ginamit ni Chai sa pelikula.

Misteryosang albularya kasi ang role ni Chai sa Nocebo kaya sa display ay makikita ang mga gamit ng mga practitioners of folk healing.

"The props are the actual props that we used for the film and they were sourced in places like Quiapo, which means they are actual items that practitioners use," pagbibigay-info niya. "We also consulted a local shaman [healer] about how to handle these things...to take extra precautions.”

Personally, naniniwala kaya si Chai dito?

“I think there are things na hindi natin ma-explain, so, wala namang mawawala siguro kung maniwala or mag-ingat,” mangat ding sagot niya.

As for having a third eye, hindi pa raw niya alam if she has that special ability.

"Actually hindi ko alam. Haha! May mga na-experience ako before pero hindi naman ako 'yung klase na nakakakita [ng spirits]. Nakakaramdam at affected nang konti pag meron pero hindi naman lagi nangyayari. So, I guess wala naman.”

At once daw na may nararamdaman s'ya ay nakapag-devise na s'ya ng paraan para hindi siya magambala.

“Iniisip ko na, 'Okay, ito ang personal space ko, walang puwedeng pumasok dito unless puwede o pinapayagan ko.' Pag hindi kita pinayagan, hindi ka puwede. And parang nago-work naman.

"Sabi nila kapag natakot ka lalo kang tatakutin, so, ako nag-establish ako ng sarili kong espasyo,” saad nito.

Sa Nocebo, hindi nagpahuli si Chai sa mga co-actors niyang sina French actress Eva Green at British actor na si Mark Strong pag dating sa pag-arte. Tila na-impress nang husto sa kanya si Eva kaya naman ito raw ang mismong nagrekomenda sa talent management nito na i-handle na rin ang international career ng Pinay actress.

“I’m under their agency now," ani Chai. "We don’t have projects yet. Well, I’m auditioning since last year. Audition lang nang audition. You never know,” positibong lahad niya.

Ang Nocebo ay sinulat ni Garret Shanley at idinirek naman ni Lorcan Finnegan. Co-produced ito nina Brunella Cocchiglia and Emily Leo with Filipino production company, Epicmedia. Ang TBA Studios na naging distributor nito sa Pilipinas kaya't  mapapanood na ito sa mga sinehan sa Pilipinas beginning Wednesday, January 18.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.