Chad Kinis, inaming napasama niya ang loob ni Vice Ganda noon

Sumama na pala ang loob ni Vice Ganda kay Chad Kinis noon? Alamin kung bakit by scrolling down below!

PHOTOS: Adam Laurena (L) and @praybeytbenjamin on Instagram

Sumama na pala ang loob ni Vice Ganda kay Chad Kinis noon? Alamin kung bakit by scrolling down below!

Pagkatapos hirangin bilang second runner-up sa “Miss Q&A InterTALAKtic 2019” segment ng It’s Showtime, isa na si Chad Kinis sa mga komedyanteng mine-mentor ng “Unkabogable Box Office Star” na si Vice Ganda.

Subalit nagkaroon din pala ng panahon na nagtampo si Vice sa ngayon ay Viva artist na si Chad at ito ang ni-reveal ni Chad nang makatsikahan namin siya sa kanyang film contract signing with Viva Films noong Huwebes, December 12.

Noong hindi ko natapos ’yong reign ko sa Miss Q&A, nagpunta ako ng Canada biglaan,” recall ni Chad. “Kasi kahit sino namang nanay makakaramdam [ng tampo] kasi ang ineexpect ng nanay mo, ikaw na to.

Ayon kay Chad, naging kumpiyansa raw kasi si Vice na baka umabot siya sa Hall of Fame o maka-accumulate ng sampung panalo sa Miss Q&A segment at dumirecho sa grand finals. Ngunit, hindi na ito natapos ni Chad dahil nataong may commitment siyang comedy show sa Canada.

’Yong pangarap na ’yon, hindi ko nagawa kasi I had to go to Canada kasi meron akong napirmahang show,” patuloy na kwento ng komedyante. “Conflict sa schedule. Eh, hindi ko naman po ine-expect na mananalo ako sa Miss Q&A kasi I joined for fun, for fun lang talaga.”

Walang expectations si Chad na mananalo siya sa pageant-type competition ng noon-time variety show.

“I just did what I had to do na pasayahin ang mga tao,” sabi ni Chad. “Kailangan ko lang ng one-day exposure na tumatak sa tao, and it happened. It’s like magic.”

Reveal naman ni Chad na hindi naman sobrang nagtampo si Vice kundi nanghinayang lang na hindi agad siya nakapasok ng grand finals through Hall of Fame. Subalit, bumawi naman siya sa pamamagitan ng semi-finals, hanggang nag-advance siya sa grand finals kung saan siya ang pinangalanan na second runner-up, bowing down kay Mitch Montecarlo Suansane.

Dagdag pa ni Chad na nakapag-usap naman na sila ni Vice tungkol sa nangyari.

Siyempre, pag-uwi ko [sa Canada], nagkita kami. Okay naman kami,” klinaro niya. “Sabi niya lang sa akin na [...] ‘Sayang, bakla!’ parang ganoon. Hinayang.

At more than okay na sila ni Vice dahil bukod sa may semi-regular exposure siya sa Gandang Gabi Vice show nito ay sinama pa siya sa Metro Manila Film Festival 2019 entry nitong M&M: The Mall, The Merrier kasama sina Anne Curtis, Dimples Romana, Tony Labrusca, Lassy Marquez, MC Muah, at iba pa.

Things are indeed looking up para sa career ni Chad Kinis nang pumirma siya ng kanyang film contract for Viva Films. Mukhang rarami pa ang exposure ng komedyante sa mundo ng pelikula after ng naging magandang pagtanggap sa kanya ng audience sa #Jowable

In fact, isa siya sa magbibida sa Tililing ni Direk Darryl Yap na tila first offering ng Viva Films for 2020.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.