Cesar Montano, nag-birthday kasama ang mga anak; “You are my life, true blessings and treasure.”

Cesar Montano sa kanyang mga anak: “I love you so much guys! You are my life true blessings and treasure. Thank you for joining your dad’s especial day. God bless you.”

PHOTO: @cesarbuboymontano on Instagram

Cesar Montano sa kanyang mga anak: “I love you so much guys! You are my life true blessings and treasure. Thank you for joining your dad’s especial day. God bless you.”

Happy and thankful ang multi-awarded actor na si Cesar Montano sa pagse-celebrate ng kanyang 60th birthday. 

Naging extra espesyal kasi ang pagdiriwang n’ya dahil present at napagsama-sama n’ya ang kanyang mga anak. Kabilang dito ang binatang aktor na si Diego Loyzaga na anak nila ni Teresa Loyzaga, at sina Sam, Angelina at Francheska na mga dalagang anak nila ng ex-wife n’yang si Sunshine Cruz

“I can’t be more happy with my children all present on my birthday,” pahayag ng seasoned actor sa kanyang Instagram post kalakip ang dalawang larawan kung saan makikitang magkakasama sila.

Mensahe pa ng celebrity dad sa kanyang mga anak, “I love you so much guys! You are my life true blessings and treasure. Thank you for joining your dad’s especial day. God bless you.”

Sa kasunod n’yang IG post ay ibinida pa n’ya ang tatlong dalagang anak nila ni Sunshine na tinawag n’yang Tres Marias. 

“Mi bella Tres Marias on my birthday,” saad ni Cesar sa inilagay n’yang caption.

Umiral naman ang pagiging sweet ng magkapatid na sina Sam at Diego na kapwa nag-“I love you” sa kanya sa comment section.

SCREENSHOT: @cesarbuboymontano on Instagram

Samantala, napapanood na ngayon sa mga sinehan ang mag-amang sina Cesar at Diego sa pelikula nilang Maid in Malacanang kung saan gumanap sila bilang sina late President Ferdinand Marcos, Sr. at President Bongbong Marcos.

Ilang taon ding naging estrange ang relasyon mag-aama. Diego, in particular, reached out to his dad last March 2022. 

And as they say, all is well that ends well.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Diego Loyzaga bonds with sisters in Vigan

Diego Loyzaga ngayong gaganap siya bilang young Bongbong Marcos sa pelikula: “Tawagin n’yo rin po akong loyalist.”

Sunshine Cruz’s marriage to Cesar Montano now annulled

Pika's Pick: Sunshine Cruz expresses gratitude that her tres marias have two dads in both her ex-husband Cesar Montano and boyfriend Macky Mathay

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.