Cesar Montano, may warning kay Diego Loyzaga: “‘Ako ang mang-i-spoiled sa anak mo.’”

Masaya si Cesar Montano na daddy na rin ang anak n’yang si Diego Loyzaga. However, hindi pa raw s’ya ready na magka-apo sa mga dalagang anak nila ng ex-wife n’yang si Sunshine Cruz.

PHOTOS: Anna Pingol & @diegoloyzaga on Instagram

Masaya si Cesar Montano na daddy na rin ang anak n’yang si Diego Loyzaga. However, hindi pa raw s’ya ready na magka-apo sa mga dalagang anak nila ng ex-wife n’yang si Sunshine Cruz.

Itinama ni Cesar Montano ang notion na first apo niya ang baby girl ng anak niyang si Diego Loyzaga. Aniya, apat na raw sa ngayon ang mga apo niya at pinaka-bunso ang kay Diego. Ang tatlong nauna ay mula sa mga anak niya sa unang relasyon.

Kung matatandaan, nitong June 7 ay proud na ibinida ni Diego ang photo n’ya na may kalong na baby sa Instagram.

“The best birthday gift ever [Red heart emoji],” pahayag pa ng aktor sa inilagay n’yang caption. 

Kaya naman sa naganap na grand media conference and red-carpet special premiere ng romantic drama series ni Cesar na Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan last July 21 ay nagkaroon ng chance ang entertainment press na matanong s’ya tungkol dito.

Ayon sa aktor, masaya s’ya para sa anak n’yang si Diego ngayong isa na rin itong ama gaya n’ya. 

Tuwang-tuwa ako for him dahil alam ko ’yon, e. Alam ko ang feeling ng [isang tatay]. I know it will make him a better person…I mean, my apo, my granddaughter,” magiliw na sabi ni Cesar.

Hindi pa raw n’ya nami-meet in person ang bago n’yang apo kaya naman excited na raw s’yang masilayan ito in the near future.

Sa picture pa lang. Naiwan yata abroad, e. S’ya [si Diego] pa lang ’yong bumalik dito to make a film. Ngayon, babalik ulit s’ya doon. Hindi pa n’ya dinadala dito. Excited na nga akong makita sa personal,” ani Cesar.

At dahil daddy na nga rin si Diego, natanong pa s’ya ng press people kung ano ang advice na ibinigay n’ya rito.

Ako naman I trust Diego that he will be a very responsible father. S’ya pa lang excited na s’ya [noong] kinukuwento n’ya sa akin,” saad n’ya.

Biro naman daw n’ya sa anak, magiging galanteng lolo raw s’ya sa anak nito.

“‘Ako ang mag-i-spoil d’yan,’ sabi ko. ‘Lagot ka sa akin, Diego,’” natatawang pagre-recall n’ya sa pag-uusap nila.

E, ano naman kaya tawag sa kanya ng kanyang mga apo na gusto n’yang ring itawag sa kanya ng baby girl ni Diego kapag lumaki na ito?

Sabi ko, ‘P’wede bang Kuya Buboy na lang.’ Hahaha! Pero it doesn’t matter. Okey lang kahit na ano. I’m a proud lolo. I'm a proud grandpa,” nakangiting sagot n’ya. 

Kung cool sa kanya ang pagiging daddy ni Diego, kabaliktaran naman ito para sa mga anak na dalaga nila ng ex-wife n’yang si Sunshine Cruz

Natanong kasi s’ya ng press people kung ready na din ba s’yang magkaroon ng apo sa kanila. 

“No, I don’t think so. They’re too young. They have to finish school first. They’re still studying. All of them are in college,” pagtatapos n’ya.

Anyway, palabas na ngayong araw, July 25, ang romantic drama series ni Cesar na Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan, kasama ang magkasintahang sina Cristine Reyes at Marco Gumabao. Ang exciting daily love triangle series ay mapapanood sa Hapon Champion block ng TV5.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Diego Loyzaga, isa ng proud daddy!

Pika's Pick: Cesar Montano earns a master's degree in Public Safety Administration at 60!

Sunshine Cruz, game maka-trabaho ulit ang ex-husband na si Cesar Montano basta walang love scene

Mag-amang Cesar Montano at Diego Loyzaga, nagkapatawaran na: “After seven years, after mistakes, God made a way to bring us together again.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.