Catriona Gray, kabilang sa mga dismayado sa kinahinatnan ni Roberta Tamondong sa Miss Grand International pageant

Ayon sa ikatlong Pinay Miss Universe winner na si Catriona Gray, deserve ni Roberta Tamondong ng mas mataas na placement base sa ipinakita nitong performance sa pageant stage ng Miss Grand International sa Indonesia kesa sa ibinigay dito na hanggang Top 20 lang.  "Haaay she deserved so much better, performed sooo well. I'm so proud," pahayag ni Cat sa kanyang komento sa isang pageant-related Instagram page.

PHOTOS: @catrionaelisagray on Facebook & @roberta.tamondong on Instagram

Ayon sa ikatlong Pinay Miss Universe winner na si Catriona Gray, deserve ni Roberta Tamondong ng mas mataas na placement base sa ipinakita nitong performance sa pageant stage ng Miss Grand International sa Indonesia kesa sa ibinigay dito na hanggang Top 20 lang. "Haaay she deserved so much better, performed sooo well. I'm so proud," pahayag ni Cat sa kanyang komento sa isang pageant-related Instagram page.

Kabilang si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa mga dismayadong Pinoy pageant fans sa kinahinatnan ng journey ni Roberta Tamondong sa Miss Grand International pageant.

Nagbigo kasing maiuwi ng pambato ng Pilipinas ang elusive golden crown at umabot lamang siya sa Top 20 sa ginanap na grand coronation noong October 25 sa Sentul International Convention Center sa Indonesia.

Si Isabella Menin ng Brazil ang kinoronahang Miss Grand International 2022.

Ayon sa ikatlong Pinay Miss Universe winner, deserve ni Roberta ng mas mataas na placement base sa ipinakita nitong performance sa pageant stage kesa sa ibinigay dito na hanggang Top 20 lang. 

"Haaay she deserved so much better, performed sooo well. I'm so proud," pahayag ni Cat sa kanyang komento sa isang pageant-related Instagram page.

SCREENSHOT: @titasofpageantry on Instagram

Tila maluwag namang tinanggap ni Roberta ang naging kapalaran niya sa sinalihang Thailand-based international beauty contest.

Sa kanyang Instagram post, nagpasalamat ang 20-year-old beauty queen from Laguna sa kanyang mga taga-suporta at nagpahiwatig na hindi pa ito ang huling pagsabak niya sa beauty derby. 

"On to our next adventure!" saad niya sa kanyang IG post kalakip ang solo photo niya wearing her gold gown na likha ng designer na si Larry Espinosa. 

"Philippines, Thank you for letting me represent our beautiful country. I hope [I] made you all proud," she continued. 

"I just want to take this opportunity to highlight my Mama @larsespinosa1’s gown. This just screams Grand in so many different ways. Thank you again for trusting me to be one of your models for your creations mama Larry. I love you."

Sabik na rin daw makabalik sa bansa ang former Miss Eco Teen International titleholder.

"Can’t wait to go back in the Philippines. Maraming salamat sa inyong lahat," pagtatapos niya. 

Sa sampung taon ng Miss Grand International pageant, hanggang first runner-up pa lang ang pinakamataas na placement na naabot ng mga pambato ng Pilipinas. Si Nicole Cordoves noong 2016 at Samantha Bernardo noong 2020 edition. 

Thank you for making us proud, Roberta!

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.