Catriona Gray, dismayado matapos ma-cutoff sa kalagitnaan ng kanyang speech sa Pampanga

"I worked on a 20min speech for you all, and have been so excited to share it with you all but I was cut off not even 10mins in," lahad ni Catriona Gray ukol sa hindi niya nabuong speech sa Global Peace Festival sa Clark, Pampanga noong weekend. "Just know I love and appreciate you guys and I'm so sad I wasn't able to have my proper time with you. #GlobalPeaceFestival2022."

PHOTOS: @catriona_gray on Instagram & @gpfphilippines on Facebook

"I worked on a 20min speech for you all, and have been so excited to share it with you all but I was cut off not even 10mins in," lahad ni Catriona Gray ukol sa hindi niya nabuong speech sa Global Peace Festival sa Clark, Pampanga noong weekend. "Just know I love and appreciate you guys and I'm so sad I wasn't able to have my proper time with you. #GlobalPeaceFestival2022."

Hindi ikinaila ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na nadismaya siya matapos putulin ang kanyang speech sa dinaluhan niyang international event recently.

Naimbitahan kasi bilang isa sa mga speakers ang beauty queen-TV host sa Global Peace Festival nitong weekend na ginanap sa Clark Global City sa Pampanga.

However, nasa kalagitnaan umano siya ng pagsasalita nang i-cut off siya kaya naman nakaramdam ng pagka-dismaya ang dalaga.

Sa kanyang Twitter post nitong December 3 ay naglabas ng frustration si Catriona. Humingi rin siya ng tawad sa mga naghintay nang matagal pero hindi napakinggan nang buo ang kanyang talumpati. 

"I'm so disappointed," diretsahang pahayag niya sa social media.

"To everyone who has been waiting in the heat at the #GPFestival2022 I'm sorry," saad pa niya. 

Naghanda daw siya ng speech na good for 20 minutes pero pinahinto na daw siya kahit na wala pa mang sampung minuto siyang nagsasalita onstage.

"I worked on a 20min speech for you all, and have been so excited to share it with you all but I was cut off not even 10mins in," lahad ni Catriona.

Ganu'n pa man, kahit hindi nabigyan ng sapat na oras, ay nagpasalamat pa rin siya sa mga dumalo sa three-day event at somehow ay nakapakinig sa kanya.

"Just know I love and appreciate you guys and I'm so sad I wasn't able to have my proper time with you. #GlobalPeaceFestival2022," pagtatapos niya.

Hindi malinaw sa post ni Catriona kung bakit siya pinahinto. At wala pa ring inilalabas na statement ang Global Peace Foundation na siyang nag-organisa ng festival.

Umani naman ng suporta ang Filipino pride and beauty icon sa mula sa kanyang mga tagahanga. Anila, hindi kasalanan ni Catriona na pinutol siya. May mga nag-suggest pa na i-upload na lang umano niya ang buong speech sa social media para mas ma-appreciate pa nila ang buong nilalalaman nito.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.