Carla Abellana, no comment sa bagong love life ni Tom Rodriguez

Muling tiniyak ni Carla Abella, ngayong nagbalik-showbiz na ang former husband na si Tom Rodriguez, na handa s’ya sakaling magkrus muli ang kanilang mga landas.

PHOTOS: @carlaangeline & @akositomrodriguez on Instagram

Muling tiniyak ni Carla Abella, ngayong nagbalik-showbiz na ang former husband na si Tom Rodriguez, na handa s’ya sakaling magkrus muli ang kanilang mga landas.

Wala raw komento ang aktres na si Carla Abellana sa napapabalitang may bago ng love life ang dati n’yang mister na si Tom Rodriguez.

Iyan ang isinagot n’ya sa interview n’ya with GMA entertainment reporter Aubrey Carampel na ibinalita sa 24 Oras nitong weekend.

Natanong kasi ang aktres sa kanyang reaksyon ngayong nailahad ng kanyang ex-husband sa panayam nito with Nelson Canlas kamakailan na he is “seeing someone.”

Ayon kay Carla, hindi na raw kailangan pa ng sey n’ya sa bagay na ito dahil two years na silang hiwalay.

“I don’t see the need to comment or to even react. Parang it’s not any of my concerns anymore. Parang ganu’n,” sagot ng aktres.

Nabalitaan naman daw n’yang nagbalik-showbiz na ang aktor at nakahanda raw s’ya kung sakaling magkilang muli. 

“I’m aware naman na nakabalik na s’ya. E, kung dahil sa trabaho, prepared naman ako [kung magkita kami]. Nasabi ko na ’yon,” saad n’ya.

Kung magkrus ang landas namin whether sa studio or what, guesting, o kung ano man ’yan, prepared naman ako for that. I’ll just be myself. I’ll let him be,” she added.

Samantala, grateful si Carla sa natanggap n’yang pagkilala bilang isa sa Women of Influence 2024 mula sa Cosmopolitan Philippines.

Ginawaran s’ya ng Compassion Champion Award bilang masugid na advocate ng Animal Welfare Act. 

Sobrang nakakapanibago. Ngayon lang ako nabigyan ng ganitong recognition na it’s not for acting ko or what but it’s more of what I believe in, what I’m passionate about, ’yong aking advocacy,” she said.

Isa si Carla sa mga mga celebrities na nanawagan ng hustisya para sa golden retriever na si Killua na nag-viral recently matapos itong patayin ng suspek na kinilalang si Anthony Solares.

Hindi na raw nagulat si Carla sa ulat na ito dahil araw-araw umano s’yang nakakatanggap ng mga report patungkol sa pagpatay at pananakit sa mga hayop.

“Everyday nangyayari ’yan. But of course, nag-standout talaga itong kay Killua kasi nakapaka ano, e… Paano ba i-explain? Very careless, talagang may galit, at unjustified pa. Napakasakit kasi beloved pet ’yan ng isang tao,” lahad n’ya.

Sa ngayon, busy si Carla sa ginagawa n’yang teleserye, ang Widow’s War, kung saan kasama n’yang bibida si Bea Alonzo.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Carla Abellana, may mga bago ng manliligaw?

Carla Abellana, hinanda na ang sarili sakaling magkita silang muli ni Tom Rodriguez; “Wala na po akong nararamdaman kung sakali man po na mangyari ’yon.”

Tom Rodriguez, nakahanap na ng bagong pag-ibig; “I am seeing someone.”

Nagbabalik-showbiz na si Tom Rodriguez, ready na din bang magmahal muli?

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.