Carla Abellana, napatawad na ang ex-husband na si Tom Rodriguez; sarado na ang isip sa konsepto ng kasal

"I really, honestly, don't see myself getting married again. Parang nag-iba po, e. Nabulabog po ang aking concept o perception," pag-amin ni Carla Abellana kay Boy Abunda.

PHOTOS: @evanzevaristo & @nelwinuyphoto on Instagram

"I really, honestly, don't see myself getting married again. Parang nag-iba po, e. Nabulabog po ang aking concept o perception," pag-amin ni Carla Abellana kay Boy Abunda.

Napatawad na raw ng aktres na si Carla Abellana  ang ex-husband niya, ang aktor na si Tom Rodriguez.

Iyan ang ibinahagi niya kahapon, February 16, sa TV program ni Boy Abunda na Fast Talk With Boy Abunda sa GMA-7.

Napag-usapan kasi nila doon ang ilang detalye sa naging hiwalayan nila ng Kapuso actor. 

Kasama pa nga ni Carla ang abogado niyang si Atty. Peter Sanchez para tulungan siyang ipaliwanag kung hanggang saan lang ang puwede nilang maibahagi sa publiko sa legal battle niya.

Gaya sa mga nauna niyang interview, hindi nagbigay ng konkretong detalye si Carla sa ugat ng hiwalayan nila Tom.

"There was, still, disrespect, lying and all that... There's no change. Hindi po 'yon first time na nangyari sa amin, kung ano man 'yong pinagdaanan namin. Pero ito po is taken to a different level. Mas extreme na po, malala," pagbabahagi niya kay Tito Boy. 

Hanggang doon lang daw ang puwede niyang ma-share.

Natanong din ng TV host ang Kapuso actress kung nasaan na ba siya ngayon sa punto ng kanyang buhay. 

Sagot ni Carla, dumadaan daw siya sa mahabang  proseso para tuluyan niyang mapatawad ang kanyang sarili sa nangyari. 

"Trying to maybe forgive myself, not figuring out what happened, why... 'yong mga ganu'n," lahad ng actress-vlogger sa King of Talk. 

"Basically focusing on what you have, what blessings you have, being grateful, para lang po hindi lalong malunod [sa hurtful experiences]," dagdag pa n'ya.

"Forgiving myself, getting myself better, trying to figure out my value, 'yong aking worth, trying to give myself more respect."

At dahil nabanggit niya ang tungkol sa forgiveness, natanong siya ni Tito Boy kung napatawad na ba n'ya si Tom.

"For you to be able to forgive kailangan po, Tito Boy, palagi ko sinasabi, I have to forgive myself first. So yes, I have, I have," pag-amin ni Carla.

"Wala man po sa hitsura o ano. Haha! But I have. Mapapansin n'yo po 'yan, e, na parang, 'She looks like she's glowing..' Bitbit n'ya po 'yon, e," paliwanag pa niya. 

"I have, technically po. I saw it…something na I have to forgive myself first bago ko po siya mapatawad."

Wala na rin daw siyang galit sa aktor. 

"'Yong galit? Wala na po. Wala na pong galit. Ang hirap po magbitbit ng galit," aniya. 

At kahit na-dissolve na ang marriage nila ni Tom ay naniniwala pa rin naman daw si Carla sa love.

"Love? Definitely po, Tito Boy. I mean, ang love naman po hindi 'yan romantic lang. Love is all around us," pagbabahagi niya 

"There's family love, love for your career, for everything. Nakapakadami, yes, napakadami po n'yan. It's definitely all around. I feel that. I still believe in love."

Iyon nga lang, malaki na daw ang nabago sa pananaw niya when it comes to marriage dahil nga sa separation nila ni Tom. 

"Aaminin ko po madaming nag-change, 'yong perspective ko po especially to marriage. 'Yon po 'yong medyo naiba po 'yong aking pananaw o ang paningin pagdating sa marriage," she said. 

At this point in her life ay hindi na daw niya nakikita ang sarili na muling magpapakasal. 

"I really, honestly, don't see myself getting married again. Parang nag-iba po, e. Nabulabog po ang aking concept o perception," pag-amin pa niya.

Pero hindi naman daw 'yon nangangahulugan na tuluyan na niyang isinara ang kanyang puso para muling magmahal at mahalin. 

"I hope so. I hope naman po that I will experience love again," aniya. 

Sa huling bahagi ng interview ay ipinakumpleto ni Tito Boy sa aktres ang katagang "I am Carla Abella and I am..."

Sa puntong ito ay bahagyang naging emosyonal si Carla.

"And I'm grateful...for all the blessings, for what I have left. I'm grateful for my life, my family, my bestfriends, my work," naiiyak na sa sabi niya.

"I am Carla Abellana and I am grateful and I am humbled," she concluded.

Matatandaang nagulat ang publiko sa hiwalayan nina Carla at Tom noong January 2022, tatlong buwan matapos nilang ikasal noong October 2021.

Last June 2022 ay inanunsyo ni Tom, bilang isa siyang US citizen, na nakapag-file na siya ng divorce sa Amerika. 

Sa ngayon ay hinihintay na lang daw ng kampo ni Carla ang approval ng local court sa inihain nilang recognition of foreign divorce para maibalik ang kanyang single status.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Carla Abellana sa dahilan ng hiwalayan nila ni Tom Rodriguez: “I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid.”

Hiwalayang Tom Rodriguez at Carla Abellana, sa isang mahiwagang text lang nga ba nagsimula?

Cryptic na babala ni Tom sa isang netizen na umusig sa kanya kung bakit niya sinaktan si Carla Abellana: “Baka magulat po kayong lahat pag lumabas na lahat lahat.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.