Makailang ulit na sinabi ni Carla Abellana na naka-move na siya totally sa masalimuot na hiwalayan nila ng former husband niyang si Tom Rodriguez.
Nangyari itong noong September 26 sa kanyang press conference right after her contract signing with All Access to Artists, Inc., ang bago niyang talent management agency.
Aniya, masaya na raw siya sa estado ng buhay niya ngayon.
Kaya naman ang tanong ng entertainment press sa kanya, hindi kaya meron na siyang bagong love life kaya nasasabi niyang naka-move on na siya sa breakup nila ni Tom.
"Ang pangit naman po nu’n," natatawang komento ni Carla sa tanong.
Paliwanag ng aktres, hindi raw kasi magandang hahanap siya agad ng bagong makakarelasyon para masabi lang nakapag-move on siya.
"Parang hindi naman po kailangan. Saka parang… Hindi naman po sa hindi maganda. Hindi naman po kailangan sa ganu’ng paraan o ganu’ng way na maka-move on o may papalitan or what," sabi niya.
Magiging peke raw ang pagmo-move on kung magkakaroon lang din ng taong magiging panakip-butas.
"Kasi, hindi ka talaga tunay na makakapag-move on kung ganu’n lang, kung papalitan n’yo lang o ire-rephrase n’yo lang po," patuloy na paliwanag niya.
"Hindi kayo makakapag-heal talaga kung ganu’n lang po, ’di ba? Maya’t maya nand’yan lang po ’yong mga pain. Hindi kayo makakapag-heal."
Nagmumula raw kasi sa sarili ang pagmo-move on at hindi sa ibang tao.
"Ang kailangan, ’yong sarili n’yo po, on your own. Like I always say, hindi po kailangan [ng bagong karelasyon]. Talagang sarili n’yo lang ang kailangan n’yo," diin ni Carla.
"At the end of the day, sarili n’yo lang din po ang sasalo sa sarili ninyo, parang ganu’n. So hindi po kailangan ’yon [bagong manliligaw]. Hindi po s’ya requirement para maging masaya ka po," dagdag pa niya.
Kung ganu'n, wala bang nagpapapansin sa kanya ngayong single na uli siya?
"May nagpaparamdam. Meron, yes. Meron po. Nagpapapansin, nagpaparamdam. Meron din po kahit papano," pagtatapat ng aktres.
Nang matanong naman kung artista ba ang mga ito katulad niya, sinabi niyang, "Hindi po sila taga-showbiz. Wala pong taga-showbiz."
Samantala, nilinaw ni Carla na maayos ang naging pagpapaalam niya sa dati niyang manager na si Popoy Caritativo. Wala umanong kinalaman ang pagiging talent din ni Tom under Popoy dahil professional naman daw siyang tao.
Wala umanong bad blood sa pagitan nila. Gusto lang daw niyang mag-explore at magsimulang muli ngayong nasa bagong chapter na umano siya ng kanyang buhay.
YOU MAY ALSO LIKE:
Carla Abellana admits she regrets marrying Tom Rodriguez
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber