Carla Abellana, inip na nga sa marriage proposal ni Tom Rodriguez?

Carla Abellana, naiinip na nga ba sa wedding proposal ni Tom Rodriguez? Alamin ang lahat ng ito by scrolling down below!

PHOTOS: Adam Laurena

Carla Abellana, naiinip na nga ba sa wedding proposal ni Tom Rodriguez? Alamin ang lahat ng ito by scrolling down below!

Sa media conference para sa bagong teleserye na Love of My Life sa GMA-7, hindi maiwasan ng press na tanungin si Carla Abellana kung may kasal na bang aabangan sa kanila ni Tom Rodriguez this year.

Hindi ko po alam. ’Yon po ang tanungin niyo,” sagot ni Carla, sabay turo kay Tom na nasa sarili niyang pocket interview. “Si Tom po ’yong tanungin niyo kasi nasa sa kanya po ’yong proposal.

Ngunit, giit ni Carla na tumatanda na siya at sana’y hindi na tagalan ng aktor ang pag-propose sa kanya.

Tumatanda na po kami. Lalo na ako, so sana po huwag naman po five years o three years from now po. Sana po huwag naman.” dagdag ng Kapuso actress.

Sa kasalukuyan ay 33 years old na si Carla, habang 32 naman si Tom.

Kalagitnaan nang nagdaang taon, sa press conference naman para sa endorsement ng lovebirds para sa isang sardine brand, nang una silang magbahahi ng tungkol sa planong pagpapakasal. And then as now, na kay Tom na lang ang desisyon kung kailan siya magpo-propose.

Inulit ito ni Carla para sa press conference ng kanyang bagong show, kung saan kasama din si Tom.

Napag-uusapan naman po namin. Hindi lang po talaga namin napag-uusapan ng in detail like ’yong date, church, saan, ganito, guests...Wala pa po kaming napag-uusapang ganoon,” esplika ni Carla. “We know naman po that we want the same thing, we desire the same thing which is, ’yon nga po, getting married to each other.”

May nagtanong sa aktres kung kailangan pa bang may engagement ring para sa mga proposals at mabilisan niyang sinagot ito na nararapat lamang.

“Formality po ’yan, eh,” say ni Carla. “Siyempre, it involves asking for your parents’ permission. Moment po ’yan sa isang babae po. So, importante po ’yon. Dapat po meron.

Ang Love of My Life ay magpe-premiere sa Kapuso network sa Lunes, Pebrero 3. Apart kay Carla at Tom, bibida rin dito sina Coney Reyes, Mikael Daez, at Rhian Ramos.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.