Carla Abellana at Tom Rodriguez, “tiis-tiis na lang muna” dahil ilang buwan na hindi magkikita bago ang kanilang kasal

PHOTOS: @carlaangeline on Instagram

PHOTOS: @carlaangeline on Instagram

Hindi magkikita ng almost four months ang celebrity couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez dahil sa lock-in tapings ng kani-kanilang bagong shows sa GMA-7 bago ang nakatakda nilang kasal sa October.

Nauna nang sumabak sa lock-in taping ang aktor at COVID-19 survivor na si Tom Rodriguez noong May 18 para sa teleseryeng The World Between Us kung saan kasama n’ya sina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith

Si Carla naman, for her part, ay pupunta sa Bataan at magtatagal doon ng halos isang buwan para sa lock-in taping ng TV series na To Love and To Hold

Sa kanyang vlog entry na in-upload sa YouTube nitong May 21, ipinasilip ng aktres ang ginawa n’yang paghahanda para sa nasabing teleserye. Kabilang dito ang naging script reading nila with her co-actors via Zoom, at ang pag-iimpake n’ya ng mga dadalhin sa taping. 

K'wento ng Kapuso actress, mas mahaba daw ang lock-in taping ngayon kumpara noong ginagawa nila ang Love of My Life. Kung dati ay tumatagal ang lock-in ng two to three weeks, this time daw ay walang uwian sa loob ng isang buwan. 

Kailangan daw kasi nilang mag-quarantine kaagad sa hotel habang hinihintay ang resulta ng kanilang antigen and RT-PCR test. Kapag nag-negative ang resulta ay saka pa lang sila tutuloy sa mismong location. Dahil dito, mas marami daw ang kakailanganing damit, groceries, at mga gamit na kailangang dalhin.

“But it’s okay. It’s for everybody’s sake. It’s for everyone’s safety,” pahayag ni Carla. “Pinag-isipang mabuti ‘yon ng GMA. Pinaghirapan nila ‘yon. Not to mention, it will cost GMA more but it’s okay because, thankfully, ‘di ba, iniisip nila ang safety ng lahat.

Excited man daw ang aktres sa bago n’yang project ay medyo malungkot s’ya dahil matagal silang hindi magkikita ng kanyang fiance na si Tom.

“I’m a bit sad because Tom has also a new show. Not that I’m sad he has a new show but I’m sad because we won’t be seeing each other in the next couple of months,” pag-amin n’ya sa vlog. “So even may break in between lock-in taping, unfortunately, ang mga break namin hindi nagtugma.

Mauuna daw kasi ang break nina Tom. At kapag break naman nila ay nakabalik na ito sa second leg ng kanilang lock-in taping so hindi talaga sila magkikita nang personal.  

“Unfortunately, it’s going to be like that until September,” ani Carla. “It’s gonna be the longest time we’ll be apart which is more or less four months. Nagkataon pa kung kailan preparing kami to get married.”

Gayunman, ipinagpapasalamat ng aktres na may work sila pareho ni Tom na malaking bagay daw para sa kanilang future plans. 

“But thankfully, we have work,” aniya. “We are very grateful that we both have work. Magkahiwalay man kami ng work we are so thankful kasi, at least, we get to continue to put food on our table, support our families of course , and at the same time, prepare na rin financially not just for the wedding but for our dream home na rin so okey ‘yan

Tiis-tiis na lang muna. Hindi muna magkikita at magsasama ng ilang buwan pero for sure e worth it naman ‘yan because ang importante ikakasal naman kami at the end of our shows,” pagtatapos ni Carla.

Nakatakdang ikasal sina Carla at Tom, base sa nag-viral nilang marriage banns, sa October 23 sa Madre de Dios Chapel sa Tagaytay Midlands.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Tom Rodriguez, sigurado na kay Carla Abellana; in-love din daw sa leche flan ng aktres

Carla Abellana desperately calls for help to rescue dogs from dog-meat traders 

Tom Rodriguez, kina-career ang pag-aaral ng Mandarin Chinese

Tom Rodriguez shares allegedly being “possessed” on set

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.