British boyfriend ni Lovi Poe, wala daw keber sa mga sexy scenes niya

Kahit naman daw mas lumevel-up ang pagpapaka-daring niya sa The Annulment, very open-minded naman daw ang ka-LDR (long distance relationship) niyang si Monty dahil filmmaker din ito.

Photos: Instagram

Kahit naman daw mas lumevel-up ang pagpapaka-daring niya sa The Annulment, very open-minded naman daw ang ka-LDR (long distance relationship) niyang si Monty dahil filmmaker din ito.

Base sa ipinalalabas na trailer ngayon ng The Annulment, which stars Lovi Poe and Joem Bascon, tila mas nagpaka-daring at sexy pa dito si Lovi kumpara sa 2016 sexy-drama film niyang The Escort.

Umaatikabo ang mga love scenes nila ni Joem Bascon dito. And they’re mostly unconventional sex scenes, ayon sa director ng pelikula na si Mac Alejandre. The messier the better daw kasi. Mag-asawa naman ang role nila dito na bagama’t sexually compatible ay susubukin ng tadhana ang pagsasama hanggang umabot sa paghihiwalay.

Hindi tuloy naiwasang maitanong kay Lovi kung alam ba ng bagong British boyfriend niyang si Montgomery “Monty” Blencowe na sexy dramatic actress siya at kung hindi ba big deal dito ang mga steamy love scenes na ine-execute niya on-cam?

“Yeah, wala siyang comments so far,” natatawang kwento ni Lovi. “Wala akong narinig from him. Ni-like naman niya ’yong teaser ko so wala akong narinig. [He’s] Very understanding so far. 

“I think he knows now. . . hahaha!  Now he knows at saka ano naman e, parang it’s not about sexy image. I guess it’s being a serious actress somehow. I don’t wanna say no to my director if I feel or if he feels like kailangan ito for the character.”

May mga pagkakataon naman na daw in the past na tumanggi siya sa project o kaya naman ay nakapag-dialogue sa director regarding certain scenes para compromise sila. But once she says yes to something, pangangatawanan naman daw niya. And such is the case in The Annulment.

Besides, kahit naman daw mas lumevel-up ang pagpapaka-daring niya sa The Annulment, very open-minded naman daw ang ka-LDR (long distance relationship) niyang si Monty dahil filmmaker din ito.

Nito lang June napagtagpi-tagpi ng press at ng mga soc-med  followers ni Lovi na may bago nang nagpapatibok ng puso ng dalaga after ng breakup niya sa Filipino-French boyfriend na si Chris Johnson.

Naging sunod-sunod kasi ang pagpo-post niya ng pictures sa Instagram kasama ang poging Briton. And a quick google on his name would lead you to find out na isa pala itong film executive sa Hollywood and some films credited to him included: The Prince (2014), Heist (2015) and Marauders (2016), while his most recent project is Escape Plan II (2018). 

But besides being a filmmaker, he is also a medical scientist, according kay Lovi kaya nga daw siya na-impressed dahil kaya nitong pagsabayin ang dalawang magka-ibang mundo.

“He’s actually working on diabetes, cancer research...all these things...”

Last August ay isang buwan daw nagbakasyon dito si Monty kaya naipakilala na niya ito sa kanyang mommy. Inilibot daw niya sa iba’t-ibang isla ang binata kaya nag-enjoy daw ito nang husto.

“My mom had nothing but good words for him,” say ni Lovi. 

“He spent a month here. Nilibot ko naman siya. Nagpunta kami ng Davao...we went to Boracay as well. So pinakita ko ’yong ganda ng Pilipinas.”

These days, back to work sila pareho at back sa kanilang LDR romance. Sa Los Angeles kasi naka-base si Monty—in fact, doon sila nagkakila—at padalaw-dalaw lang doon si Lovi.

When asked kung p’wedeng maging susi si Monty para magkaroon siya ng international career, tila naging uncomfortable si Lovi.

“Kasi s’yempre when it comes to that gusto ko separate ’yon para... of course, he is in that industry as well—aside from being a scientist diba—he’s in that industry, in that field...I don’t wanna get into that. Kumbaga, separate ’yong personal life namin sa trabaho namin.”

But sakaling magkaroon siya ng offer sa LA—with or without Monty’s help—will she leave her career sa Pinas?

“I can’t see na iwan ko ’yong career ko dito sa Philippines. I mean, I love what I’m doing here and I’ve been doing it probably half of my life. And so, I wouldn’t leave. But of course, if given an opportunity, why not take a chance doing other things outside of Philippines.”

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Lovi, work mode na ulit after mawala ng six months

EXCLUSIVE: Lovi Poe on her rumoured British boyfriend: “We have an understanding.”

LOOK: Did actress Lovi Poe just introduce her new beau?

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.