Boy Abunda, nilinaw na magkaibigan pa rin sila ni Kris Aquino kahit hindi sila nagkikita

Ayon Boy Abunda, hindi perpekto ang pagkakaibigan nila ni Kris Aquino pero naaayos naman daw nila kung meron silang hindi pagkakaintindihan. “Our friendship is not perfect. Wala kaming problema ni Kris na hindi namin napag-usapan. And I’m referring to things that are personal, things that are political, things that are professional,” pagbabahagi n’ya.

PHOTOS: @therealboyabunda & @krisaquino on Facebook

Ayon Boy Abunda, hindi perpekto ang pagkakaibigan nila ni Kris Aquino pero naaayos naman daw nila kung meron silang hindi pagkakaintindihan. “Our friendship is not perfect. Wala kaming problema ni Kris na hindi namin napag-usapan. And I’m referring to things that are personal, things that are political, things that are professional,” pagbabahagi n’ya.

Nilinaw ng TV host and talent manager na si Boy Abunda na matatag pa rin ang pagkakaibigan nila ng TV host-actress na si Kris Aquino.

Inilahad n’ya iyan sa interview n’ya with Jessica Soho na ipinalabas sa news magazine show nitong Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) nitong December 18. Ginanap ito sa mismong bahay ni Boy.

Ito ang pinakaunang panayam n’ya for GMA-7 matapos ang kanyang pagbabalik-Kapuso after more than two decades na pamamalagi n’ya sa ABS-CBN.

Napasok sa usapan nilang dalawa si Kris nang matanong s’ya ni Jessica tungkol sa kanyang showbiz title na King of Talk.

“How do you feel about that title?” tanong sa kanya ni Jessica 

“I’m flattered because it is a strong brand. Pero…King of Talk, wala naman ho akong queen,” sagot n’ya.

Sa puntong ito napasali ang pangalan ni Kris matapos humirit ang multi-awarded journalist na meron naman daw na female counterpart ang showbiz title n’ya. 

Si Kris naman, ang title ni Kris is Queen of All Media,” lahad ni Boy. 

Dito na kinumusta ni Jessica ang friendship nila ni Kris na madalas n’yang ka-tandem noon sa mga talk shows sa Kapamilya network for several years.

Okey kami ni Kris,” pahayag ni Boy. 

“Do you talk?” usisa pa ni Jessica sa kanya.

Hindi ngayon na nasa Amerika s’ya. But before she left nag-usap kami,” tugon n’ya. 

Sa US namamalagi ngayon si Kris para sa pagpapagamot ng kanyang samu't saring karamdaman partikular na ang tumama ritong autoimmune diseases.

Natanong din s’ya sa issue ng falling out umano nila ng kaibigan n’yang aktres noon. 

Paliwanag ni Boy, hindi perpekto ang pagkakaibigan nila ni Kris pero naaayos naman daw nila kung meron silang hindi pagkakaintindihan. 

“Our friendship is not perfect. Wala kaming problema ni Kris na hindi namin napag-usapan. And I’m referring to things that are personal, things that are political, things that are professional,” pagbabahagi n’ya.

Ang nabawasan lang ay ’yong pagkikita naming nang personal. May mga debate kami tungkol sa mga bagay-bagay. But walang bago. I mean, that has always been my friendship… Itong bahay na ito ang pumili si Kris. Dito ikinasal si Kris. Mahirap mabuwag ’yon [pagkakaibigan namin],” pagpapatuloy pa n’ya. 

Hindi man daw sila madalas magkita pero tinitiyak na magkaibigan pa rin daw sila.

“Physical presence, yes, because of circumstances. Pero may pagiging magkaibigan, Jess… Katulad natin, hindi tayo nagkita ng ilang taon pero pag nagkita tayo, magkaibigan tayo,” paghahalimbawa n’ya.

“We don’t have to see each other often; we don’t have to talk,” sey naman ni Jessica.

“To me, that’s one of the best kinds of friendship na…the connection is there,” dagdag pa n’ya.

Nagpatikim din ang showbiz icon sa mga gagawin n’yang programa sa Kapuso network.

Marami… Excited ako because I’m doing a showbiz-oriented talk show. I’m also doing a show with Senators Allan and Pia Cayetano. Midnight show ito where the two senators would be dispensing legal advice. Pangarap ko ito, Jess. May title na ako, 'Tell Me Your Story.' Ito ’yong passion project ko,” pagtatapos ni Boy.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Nagbabalik-Kapuso na si Boy Abunda, at home pa rin sa GMA-7: “Lahat ng aking katrabaho ngayon ay mga taong malapit sa aking puso.”

Boy Abunda, nadulas na iinterbyuhin niya si Vilma Santos...pero hindi para sa YouTube... (So, sa TV ito? Saan kayang istasyon?)

Bagama't immunocompromised, Kris Aquino, nagpadalaw sa mahal niyang kaibigan na si Darla Sauler

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.