Boy Abunda, nadulas na iinterbyuhin niya si Vilma Santos...pero hindi para sa YouTube... (So, sa TV ito? Saan kayang istasyon?)

Sakali mang pumirma na ang King of talk na si Boy Abunda sa panibagong TV station—o kaya nama'y magbabalik sa GMA—kasali raw sa usapan ang pananatili ng kanyang digital platforms.  "Sa mga pag-uusap sa iba't ibang tao, pinapayagan naman nila ako na ituloy. I don't wanna lose that, e. Kasi merong mga interviews na bagay naman talaga sa digital, e."

Sakali mang pumirma na ang King of talk na si Boy Abunda sa panibagong TV station—o kaya nama'y magbabalik sa GMA—kasali raw sa usapan ang pananatili ng kanyang digital platforms. "Sa mga pag-uusap sa iba't ibang tao, pinapayagan naman nila ako na ituloy. I don't wanna lose that, e. Kasi merong mga interviews na bagay naman talaga sa digital, e."

First time in nearly three years na naka-face-to-face ni King of Talk Boy Abunda ang mga kaibigan niya sa entertainment press kagabi, November 14, sa press conference ng latest na ine-endorse n'ya, ang Sendwave remittance app.

At ang daming gustong malaman ng press sa kanya, kabilang na ang kung ano ang mga pinagka-abalahan n'ya during the pandemic.

Like most of us, akala daw n'ya ay isang taon lang aabutin ang pandemic pero nang tumagal pa ay naapektuhan na rin siya. Pero hindi raw naman siya nabakante dahil maraming corporate hosting jobs—via Zoom—na dumating sa kanya.

And at some point, in-embrace na nya ang digital world by putting up his own YouTube Channel, ang The Boy Abunda Talk Channel, na meron na ngayong 1.77M subscribers.

Happy na raw siya sa 5 to 10K followers. Hindi niya inakalang magiging mainit din ang pagtanggap sa kanya dito.

"Nagpapasalamat naman ako sa digital platforms na binigyan ako ng puwang na hindi ko talaga ine-expect na tatanggapin ako doon sa pagsubok ko sa YouTube, sa Facebook, sa TikTok...nakakatuwa. And I'm doing just what I wanted to do, which was interviewing."

Aniya, hindi pa rin daw siya as techie as most. Like hindi siya marunong mag-upload pero dahil laking production s'ya kaya nagagamit daw n'ya ang training niya sa TV sa digital. Like, marunong siya ng mga basics like editing and transcribing.

"Naalala n'yo ba, pag lumalabas ka to do a story, kasama mo ang research team, kasama mo ang writer, ang segment producer...kasama mong nag-i-interview, that was the team. Hindi 'yong aanntayin mo lang ang transcriptions tapos ibabase ang edit doon sa transcription...kailangan you know the spirt of the story, the interview, the sensibilities...alam mo sa'n umiyak, sa'n nagalit, sa'n hindi sumagot..."

Those are the training that molded him to become the King of Talk.

"Ang maganda naman sa digital, which I discovered, napaka-immedate ng response.," dagdag niya. "Hindi ko sinasabi na lahat may katuturan. Pero somehow, you get the sense, e."

During the pandemic, na-realize daw niyang hindi p'wedeng maging static lalo't nandiyan na nga ang digitalization. If you can't beat them, join them ang naging patakaran niya.

"Ako doon ako nag-enjoy...mahirap pero hindi ka p'wedeng mag-insist doon sa iyong kinasanayan dahil  mapag-iiwanan ka."

But even after saying that, wala pa rin daw papantay sa puso niya sa paggawa ng show sa TV.

"Hindi ko maiwan ang TV...nami-miss ko talaga. 'Yong pamamaraan ng paggawa ng palabas sa pamamagitan ng telebisyon ay kinasanayan ko, at 'yon ang pamilyar ako, at 'yon ang mahal ko."

Matagal na ring may ispekulasyon ng paglipat niya ng istasyon. Lalo na nang minsang kumalat ang picture niya kasama ang ilang artista ng GMA-7. It turned out, binigyan niya pala ng training ang mga taga-GMA Artists Center, na isa sa mga sidelines n'yang maituturing.

("I was doing Binibining Pilipinas candidates, I was doing GMA 7 Artists, I had sessions with Rise Artists [of ABS-CBN], I had classes with a lot of beauty queens... I did talent management training with the guys of Tony Tuviera, the Triple A...I did classes for schools...")

Hindi naman ikinakailan ni Kuya Boy na marami siyang kinakausap na tao sa labas ng ABS-CBN. Pero wala pa umanong saradong pag-uusap.

Kung sakali man daw, sisiguraduhin niyang wala siyang masusunog na tulay.

"That's not an easy decision [to make]. Right now, as I talk, hindi ako nagsisinungaling doon sa hindi ko pa alam...pero maganda dahil I will make sure I don't burn bridges kung saka-sakali. Matuloy man o hindi, kung saan man ako, TV 5 or 7 or kung ano pang mga istasyon, I will make sure na makikipag-usap ako nang matino.

"I value relationships. That's what makes this whole process difficult. Nag-umpisa ako ng karera ko sa telebisyon sa Channel 7...parati kong sinasabi na doon ako natutong maglakad, natuto akong lumipad sa ABS-CBN...at sa dami ng tulong ng marami...i didn't do this thing alone. Mahirap dahil may mga relasyon akong pinangangalagaan."

But what will make him say yes to an offer, tanong ng isang press.

"'Yong nauunawaan kung nasaan ako. Kasi hindi naman ako 20 years old...I'm not starting a career on television. I've been doing this for like... kasing tagal n'yo rin...magkaka-ibigan tayo..." patukoy niya sa mga nag-i-interview sa kanya.

"Malapit na akong malaos...let's be very honest, for lack of a better word...all of us go. If there is one immutable law in the business, it’s that nothing lasts forever. So, I'm at that stage where I wanna be able to do what I do best. Importante sa akin 'yon."

Sakaling maka-balik TV, sino kaya ang isa sa mga una niyang gustong maka-one-on-one interview, e, halos lahat na yata ng artista ay naiupo na niya?

"Hindi ko alam kung p'wede na ba itong sabihin...Vi [Vilma Santos] is doing her 60th anniversary in showbiz and I'm doing her interview and I am excited..."

Sa YouTube po? kaswal na bitiw ng isang press.

Kaswal ding sumagot si Kuya Boy ng: "Hindi..."

Nang ma-realize niyang nadulas siya ay saka niya nasabing: "Patawarin mo ako Chit Guerrero...But I am excited, I've done Vi so many times but this is different...parang looking back at her body of work for the last 60 years."

[Si Chit Guerrero ang matagal na humawak sa VIP show ni Ate Vi sa GMA-7 noon at nananatiling intact ang kanilang pagkaka-ibigan. She's the one bridging the Kuya Boy and Ate Vi interview.]

Hmm...mukang hindi palang nagkaka-pirmahan pero tila malinaw na may binubuo na siyang talk show sa TV at si Ate Vi ang kanyang first guest.

Magkaka-alaman nalang kung saan one of these days.

At sakali ngang pumirma na s'ya sa panibagong istasyon—o kaya nama'y magbabalik sa GMA—kasali raw sa usapan ang pananatili ng kanyang digital platforms.

"Sa mga pag-uusap sa iba't ibang tao, pinapayagan naman nila ako na ituloy. I don't wanna lose that, e. Kasi merong mga interviews na bagay naman talaga sa digital, e."

So there.

Samantala, ang Sendwave ang isang fee-free remittance app na gawang Amerika which recognizes the power of the OFWs and they tapped into it. They partnered with the biggest e-wallet app in the Philippines, ang G-Cash, to make remittances easier and hassle-free.

Kumbaga, kung may OFW kang kamag-anak, they will just download the app and send money to the Philippines sa mga kamag-anak nilang may G-Cash app naman. Hindi makakaltasan ng any amount ang padala unlike when they're using traditional padala system. Fee-free nga daw.

At si Kuya Boy ang napili  ilang brand ambassador dahil he's easily one of the most recognizable faces for Filipinos both here and abroad. They also identify his maka-pamilya mold as a relatable characteristic para sa mga pamilyang Pinoy, who all remain close and intact despite distances.

Having said all that, mas magiging madali na for Philippine-based Pinoys na umurot sa mga kamag--anak na naagta-trabaho abroad dahil sending money is now as easy as 123. Kaya naman may paalala ang King of Talk sa mga kamag-anak ng OFWs.

"Ayusin natin ang paggamit ng kanilang ipinadadala lalo na sa mga estudyante...kasi may pamamaraan kung paano...mag-aral nang mabuti, tumulong, igalang ang ipinapadalang pera.

"I think, the word here is honor. Honor that love that is expressed by your parents, your families, your siblings who send money through Sendwave and G-Cash. 'Yon lamang—igalang."

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.