Bong Revilla, ayaw maki-alam sa bagong lovelife ni Jolo; Lolit Solis, Team Jodi daw siya

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol & @jolo­_revilla

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol & @jolo­_revilla

Kahapon, February 5, sa isinagawang get-together ni Senator Bong Revilla to celebrate the Chinese New Year, ay na-korner siya ng pikapika at ni Abante Tonite columnist Allan Diones para hingan ng reaksyon tungkol sa pagkaka-ugnay ng anak niyang si Jolo Revilla sa beauty queen na si Angelica Alita, ang hinirang na Binibining Pilipinas first runner-up noong 2016, na dating girlfriend ng panganay ni Senator Grace Poe na si Brian Llamanzares.

Bukod kasi sa ilang sightings kina Jolo at Angelica in public ay tila tahasan na ring inamin ni Jolo ang pagkakamabutihan nila nang i-post nito sa Instagram ang isang picture na kuha sa birthday ng anak niyang si Gab (na anak niya sa anak ni Rosanna Roces na si Grace Adriano) noon lamang January 13.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jolo Revilla (@jolo_revilla) on

Bukod sa mga magulang ni Jolo na sina Senator Bong at Bacoor City mayor Lani Mercado at dalawang hindi napangalang senior citizens ay agad mapapansin ang magandang babae sa picture at ito nga ay si Angelica.

Kumbaga ay tila kasali na ito sa isang intimate family gathering ng mga Revilla. At tila welcome na welcome na rin ito sa anak ni Jolo na si Gab base na rin sa naging palitan nila ng mesahe sa comments section ng said post.

Natatawang umiwas ang tsinitong actor-politician pagkarinig ng tanong, sabay tumalikod. Naging kwela tuloy ang tsikahan na kalaunan ay sinalihan pa ni Manay Lolit Solis, manager ni Bong at itinuturing na kapamilya na ng mga Revilla.

“Wala akong alam, wala akong alam….” Patuloy na pag-iwas ni Sen. Bong. “Kung saan siya masaya, ayon…Ayokong maki-alam…”

Maya-maya ay humingi na ito ng tulong sa manager para maka-iwas. Nang saluhin naman ni Manay Lolit ang tanungan, naging prangka ito sa pagsasabing siya mismo ay hindi niya type ang beauty queen para kay Jolo dahil Team Jodi siya.

“naman Jodi ako!” deklara ni Manay Lolit. “’Yon ang talagang ano, bagay kay Jolo…”

Ang Jodi na tinutukoy ay si Jodi Sta. Maria na anim na taong naka-relasyon ni Jolo. Naghiwalay sila ng landas noon lang July last year at nito nga lang may lumitaw na pangalan na consistent na nadidikit sa ngayon Cavite vice governor na si Jolo.

Nang balikan namin si Senator para tanungin kung kanino siya mas boto, pero ang sabi niya ay Team Lani (Mercado) siya.

Maya-maya pa ay nag-expound ito nang kaunti:

“Kung saan siya [Jolo] masaya…mapa-Jodi, mapa-whoever…Mahirap maki-alam sa pag-ibig. Nasa hustong edad na siya…”

At muli ay sumingit si Manay Lolit na nagsabing: “Dapat mapangasawa ni Jolo parang si Lani…matiisin, mabuting asawa… E, si Alita muka namang hindi ano?”

Sumingit si Manay Ethel Ramos na isa ring talent manager at nagbiro na at least daw ang Alita ay title ng isang Hollywood movie.

With that, ang naging sagot na maka-Jodi’ng si Manay Lolit ay: “Hindi kikita!”

Narito ang kulitan portion with Senator Bong and Manay Lolit Solis:

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.