Bio-pic ni Mother Lily, kasado na; Juday, um-oo na!

Ayon kay Mother Lily Monteverde, gusto niyang mahati into three parts ang bio-pic niya na sisimulan noong eight years old siya sa Marinduque noong panahon ng Hapon. Pagkatapos ay movie-fan days hanggang mabuo niya ang Regal Films, habang sa last part of course ang hayday ng Regal to present day.

Photos: Melo Balingit and @officialjuday

Ayon kay Mother Lily Monteverde, gusto niyang mahati into three parts ang bio-pic niya na sisimulan noong eight years old siya sa Marinduque noong panahon ng Hapon. Pagkatapos ay movie-fan days hanggang mabuo niya ang Regal Films, habang sa last part of course ang hayday ng Regal to present day.

Sa birthday party mismo ni Mother Lily Monteverde na ginanap kagabi (August 19) sa Valencia Events Place na pag-aari niya namin na-kumpirma na um-oo na si Judy Ann Santos para gumanap sa papel na young Mother Lily sa planong bio-pic ng Regal Films matriarch.

Ayon sa magdi-direk ng pelikula na si Erik Matti, nagbigay na ng shooting schedule si Juday at ’yon ay sa January 15, 2020. Sa ngayon, pokus ang production team sa panliligaw naman sa gaganap naman na elder Mother Lily. At dahil hindi pa nila nakaka-usap, ayaw pang sabihin ni Direk Erik kung sino ang nililigawan nila pero maingay ang bulong-bulungan na si Congresswoman Vilma Santos ito.

Wala pa ring maibigay na tentative playdate si Direk Erik. Ang importante muna raw ay mabuo nila ang cast dahil napakarami raw nilang kailangan stars. Sa ngayon, mas pinag-tutuunan nila ng pansin ang pagri-research at pag-i-interview ng mga taong nagkaroon ng kaunayan sa buhay ni Mother Lily at saka palang nila bubuuin ang script na isusulat ni Mitchiko Yamamoto at Moira Lang.

Say naman ni Mother, gusto niyang mahati into three parts ang bio-pic niya na sisimulan noong eight years old siya sa Marinduque noong panahon ng Hapon. Pagkatapos ay movie-fan days hanggang mabuo niya ang Regal, habang sa last part of course ang hayday ng Regal to present day.

Sa kulay ng buhay ni Mother Lily, baka kulang ang isang pelikula. Biro nga namin kay Direk Erik, baka hindi kasya ang usual na two-hour run. 

When asked kung kasali ba sa movie niya ang mga artistang nambibitin ng shooting o kaya’y nale-late nang husto, natawa lang si Mother at sinabing “Wag na yan. Okay lang naman sa akin.”

Pero sigurado raw na kasali yong anecdote na umaakyat siya sa bakod ng Sampaguita Gardens noong teenager siya para makasilip ng mga artista ng Sampaguita Pictures at pagkatapos ay sisitahin siya ng mga guwardiya.

Akalain mo ba namang after ilang dekada ay siya naman ay magpo-produce ng pelikula?

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ate Vi, tatangihan ang role na “Mother Lily” sa pelikula

Vice, may kakaibang birthday wish kay Mother Lily

Sharon, binalikan ang panahong pinag-bida siya ni Mother Lily kahit “mataba” siya

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.