Bimby Aquino meets Ogie Diaz in the US; tells him his mom is "stable" and is "still beautiful."

Tiniyak ni Bimby sa mga supporters ng kanyang Mama Kris Aquino na hindi n’ya ito papababayaan. “Ako, I promise as her son to do everything I can to take care of her and to make her better,” pangako ni Bimby.

PHOTOS: Ogie Diaz Showbiz Update on YouTube & @markleviste on Facebook

Tiniyak ni Bimby sa mga supporters ng kanyang Mama Kris Aquino na hindi n’ya ito papababayaan. “Ako, I promise as her son to do everything I can to take care of her and to make her better,” pangako ni Bimby.

Nabigo man daw na makita ng comedian-vlogger and talent manager na si Ogie Diaz ang kaibigan n’yang si Kris Aquino ay nakakuha naman s’ya ng latest update sa health condition mula sa bunsong anak nitong si Bimby. 

Nasa US ngayon si Ogie at nagbakasali daw s’ya na kumustahin personally ang nagpapagamot na si Kris noong dumaan s’ya sa California bago tumuloy pa-New York.

Iyon nga lang, nabigo daw s’yang makita ang aktres dahil napagod umano ito sa dami ng test na ginawa dito noong araw na dapat sana ay magkikita sila.

Dahil dito, ang bunsong anak na lang nitong si Bimby ang humarap at nakipag-usap sa kanya.

Ito ang ibinahagi ni Ogie sa online show n’ya na Ogie Diaz Showbiz Update on YouTube ngayong araw, April 4, kasama ang mga ka-tandem n’yang sina Mama Loi at Tita Jegs. 

“Sabi ni Bimby sa akin na very sorry ang kanyang Mama kasi ang alam n’ya kami ay magkikita pero sana ay maintindihan ko raw na si Mama n’ya ay sobrang pagod sa mga test,” pagbabahagi n’ya sa video.

Kasunod nito ay ipinasilip n’ya ang video ng pag-uusap nila ang binatilyong anak ni Kris nang makipagkita ito sa kanya kasama ang secretary ng aktres na si Alvin Gagui.

Komento ni Ogie, talagang hands on itong si Bimby sa pag-aalaga sa kanyang Mommy Kris kaya naman kung nasaan ang tinaguriang Queen of All Media ay naroon din ito. 

S’ya ang priority ko, e. Of course, ’yon ang choice ko talaga. Wherever mom is, I'll be there,” nakangiting lahad nito kay Ogie. 

“I told nga my Mama, my [future] wife will be the love of my world, si Mama, love of my universe naman,” dagdag pa nito.

Kasunod nito ay inalam na ni Ogie ang kondisyon ngayon ni Kris na matagal na ring nasa US para ipagamot ang iniinda nitong autoimmune diseases. 

“Okay naman. You know…stable. ’Yan, that’s the good word for it. Stable lang. And of course, still beautiful, forever beautiful,” paglalahad ni Bimby sa kanya. 

Mas nadagdagan na rin daw ang timbang ngayon ng mommy nito kumpara noong February 2022. 

“She is now 103 [pounds]…stable. For me, kahit 80 pounds si Mama, even if she was 80 pounds, she’ll still be the most beautiful Mama ever para sa akin,” pagmamalaki pa ng binatilyo.

At kahit na may nakaalalay daw na nurse sa kanila ay hands on pa rin si Bimby sa pag-a-assist sa kanyang ina.

“Oo, yeah. It’s my duty, e…duty ko as her son to take care of her, e. We also have two nurses pero… I sleep with her, e. So, ako ’yong [nakatoka sa] night duty, basically. Haha!” natatawang sabi n’ya.

Iyon nga lang, hindi daw n’ya pinakikialaman ang mga medicine ng kanyang mommy dahil hindi umano n’ya kabisado ang mga iyon. 

Hindi. I don’t touch it, e. Kasi if I touch it baka magkamali ako. It’s better to leave it to a more responsible nurse,” he said.

At nang matanong naman kung ano ang laging bilin ng kanyang ina, mababakas sa sagot ni Bimby na nakasentro ito sa kanilang pamilya. 

“Be good and take care of yourself. And take care of Mama. ‘Take care of me when you're older and take care of your brother.’ ’Yon talaga ’yong duty ko,” he shared. 

Samantala, nagpaplano daw sila na doon na rin s’ya sa California mag-aaral sa susunod na pasukan habang naroroon ang kanyang mommy. 

Sa ngayon kasi ay malaking adjustment ang ginagawa n’ya sa kanyang online classes para makasabay sa oras ng mga teachers n’yang nasa Manila.

At bago sila maghiwalay ni Ogie, nagpaabot ng pasasalamat si Bimby sa supporters ng kanyang Mommy Kris na patuloy na nagdadasal para dito.

Maraming salamat po. Thank you. Thank you for praying for Mama’s good health. ’Yon lang,” saad n’ya.

At present, ayon pa sa tsika ni Ogie, ay nakauwi na ng bansa ang panganay ni Kris na si Josh. Nami-miss na daw kasi nito ang buhay-probinsya sa Tarlac. Kaya naman si Bimby na lang ang kasamang anak ni Kris sa US.

Ganu’n pa man, tiniyak nito na hindi n’ya pababayaan ang kanyang mommy.

Ako, I promise as her son to do everything I can to take care of her and to make her better,” pagtatapos ni Bimby.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pagsasa-publiko ng mga larawan niya with Kris Aquino, hindi ipinaalam ni Vice Governor Mark Leviste; Kris, nagulat

Kris Aquino tells late mom Cory about her medical ordeal in open letter

Kris Aquino finds temporary home in California in time for her 52nd birthday; thanks mystery guy for coming over to spend birthday with her

Pika's Pick: Kris Aquino’s rumored suitor Mark Leviste flew all the way to California for her birthday; has also prepared a video homage for the birthday girl

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.