Big break sa GMA-7, kay Jennylyn kine-credit ni Clint Bondad

(Right Photo) Clint (third from left) with the full cast of GMA-7’s new rom-com series, Love You Two, that includes (L-R) Jerald Napoles, Kiray Celis, Direk Irene Villamor, Shaira Diaz, Jennylyn Mercado, Gabby Concepcion, Solenn Heussaff, Nar Cabico, Yasser Marta, and Michelle Dee.

PHOTOS: Anna Pingol, GMA-7 Corp Comm., & @gma_dear_uge

(Right Photo) Clint (third from left) with the full cast of GMA-7’s new rom-com series, Love You Two, that includes (L-R) Jerald Napoles, Kiray Celis, Direk Irene Villamor, Shaira Diaz, Jennylyn Mercado, Gabby Concepcion, Solenn Heussaff, Nar Cabico, Yasser Marta, and Michelle Dee.

Since 2016 ay sinubukan na ng Filipino-German commercial model na si Clint Bondad ang pag-arte after niyang makuha ang first runner-up honor sa Century Tuna Superbods competition that same year. Naging bahagi siya ng drama show ni Erich Gonzales sa ABS-CBN na Be My Lady at later on ay naging member ng all-male hunky group na Cover Boys—along with Tommy Esguerra, Albie Casiño, Luis Hontiveros, and Tanner Mata—na regular na napapanood noon sa weekly show na ASAP. Nakapag-guest na rin siya sa ilan pang mga drama shows ng Kapamilya Network kaya hindi masasabing baguhan pa ito sa pag-aartista.

Pero naging matunog ang pangalan niya mula nang tanghaling Bb. Pilipinas-Universe 2018 ang ex-girlfriend na niya ngayong si Catriona Gray na naka-relasyon niya ng anim na taon.

Tila nagkaroon ng matinding interes ang publiko kay Clint dahil kay Catriona at lalo pa noong tanghalin ding Miss Universe ang huli nine months after ng local coronation nito.

Unfortunately, ang kawalan nila ng oras sa isa’t isa ni Catriona ang naging dahilan din para tapusin nila ang six-year relationship nila. Naiulat lang in February this year ang breaup nila bagama’t inamin nilang bago pa man maging Miss Universe si Catriona ay wala na sila.

This time, easily identifiable na si Clint. And GMA-7 took interest by signing him up for a meatier role sa bagong TV series ng female pambato nila na si Jennylyn Mercado.

Regular cast ngayon si Clint sa Love You Two, the project that signals Jennylyn Mercado’s comeback in the rom-com genre. 

In the said teleserye, Clint plays Theo, the ex-boyfriend of Jennylyn’s character Raffy

Unknown to Jennylyn, siya pala binibigyan ng credit ni Clint kung bakit siya napansin ng GMA-7. Surprised ang rumehistrong reaksyon sa mukha ni Jennylyn nang sabihin ito ni Clint sa mga members of the press during the grand media conference para sa Love You Two na ginanap sa GMA 7 Network Studios last April 12.

“Sa akin naman, ’yong dahilan bakit nandito ako sa GMA talaga is I just want to say dahil talaga kay Jennylyn,” panimula ni Clint in his slightly slang twang. 

Then, habang hawak ang microphone, direkta niyang kinausap si Jennylyn na nakaupo a few meters away from him sa entablado. 

“Kasi ikaw talaga ang dahilan bakit ako nandito sa GMA. Pinapasok ako sa GMA dahil sa Dear Uge episode natin noon diba? So ’yong experience ko diyan sa Dear Ugeinisip ko, ay, maganda naman ang GMA…dito p’wede pala bukod pa kay Jennylyn at sa s’yempre gusto ko ’yong buong team.”

Mukang type ni Clint ang pag-aalaga sa kanya ng GMA-7 dahil matindi talaga ang binitiwan niyang pasasalamat sa mga taga-Kapuso Network.

“So for me naman, I’m always excited sa lahat ng binibigay sa akin, pero ito naman mas excited pa ako dito kasi masaya ako dito talaga. So maraming salamat sa GMA…maraming salamat sa lahat ng binibigay ninyo sa akin and the…hindi ko alam kong bakit nabibigay ninyo sa akin pero again thank you very much.”

The Dear Uge guesting stint that Clint was referring to was aired in November 2018.

 

Love You Two starts airing on April 22.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Catriona Gray, wins the heart of the people worldwide

Jennylyn Mercado and Jericho Rosales reunited; fans clamor for new film

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.