Bianca Umali, thankful na tawaging “Epik-serye Princess” ng Netizens

PHOTOS: @BankyUmali & @suzette.doctolero.7 on Facebook

PHOTOS: @BankyUmali & @suzette.doctolero.7 on Facebook

Ipinagpapasamalat daw ng aktres na si Bianca Umali na tawagin s’yang “Epik-serye Princess” ng mga Netizens. 

Nahingan kasi ng reaksyon ang 20-year-old actress nang mag-guest s’ya kahapon, February 11, sa online show ng GMA-7 na Kapuso ArtisTambayan kung saan nakasama n’ya ang mga co-stars n’ya sa upcoming teleserye n’ya na Legal Wives na sina Ashley Ortega at Abdul Raman. 

Ang Legal Wives ang isa sa mga offerings ng GMA Network this 2021 na pagbibidahan nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, at s’yempre, ni Bianca Umali. 

Si Dennis Trillo ang gaganap na Ishmael Macadato na isang Muslim Maranao na may tatlong asawa na gagampanan naman nina Alice, Andrea, at Bianca.

“My character sa Legal Wives, ako po dito si Farrah Balindong and I will be playing the third and the youngest wife,” pagbabahagi ni Bianca sa online show. 

“I don’t want to go in too much detail baka ma-spoil but I hope everyone watches our show kasi it is very intriguing,” dagdag pa n’ya.

Nahingan din ng reaksyon ang Kapuso actress sa pagtawag sa kanya ng ilang Netizens bilang “Epik-serye Princess.”

Pa’no ba naman, bumida na s’ya as Lawiswis sa primetime series na Mulawin vs. Ravena (2017), at gumanap din s’yang bilang Badjao sa epic-drama na Sahaya (2019).

Maliban pa doon, paparating din ang isa pa n’yang international project, ang dark action fantasy series na Halfwords ng HBO Asia kung saan s’ya rin ang bibida. 

And through Legal Wives  nga ay magbabalik primetime ang aktres. 

“First of all, I would like to thank everyone and, of course, my network, GMA, sa tiwala po at maraming suporta,” masayang pahayag ni Bianca. “And honestly, hindi ko inakala na I would be given these roles. 

“I have fun in doing them kasi kakaiba ang mga istorya, kakaiba ‘yong role, kaya nakaka-excite gawin everytime kaya thank you. Salamat po,” pagtatapos n’ya. 

Anyway, ayon sa creator at head writer ng Legal Wives na si Suzette Doctolero, mapapanood ang wew series sa darating na Mayo sa GMA-7.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Miguel Tanfelix learns to play cello during lockdown; while Bianca Umali finds joy in video conferencing

Ruru Madrid promises Bianca Umali: “I’ll take care of you forever.”

Pika's Pick: The GMA Artist Center gives followers a sneak peek of Bianca Umali in the HBO Asia series Halfworlds

HBO Asia unveils Bianca Umali as Halfworlds Season 3 lead star

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.