Bianca Umali, pinagmamalaki na “very supportive” ang rumored boyfriend na si Ruru Madrid

Bianca Umali proud siya na laging supportive sa kanya si Ruru Madrid!

PHOTO: Jewelle Pacia & @rurumadrid8 on IG

Bianca Umali proud siya na laging supportive sa kanya si Ruru Madrid!

Ang Kapuso actress na si Bianca Umali ay matagal ng na-lilink sa hunk actor na si Ruru Madrid, ngunit wala naman pag-amin o clarification ang dalawa tungkol sa issue hanggang ngayon. 
 
Dahil sa mga speculations tungkol sa kanilang real status, tinanong ng press ang dalaga kung anong reaksyon ni Ruru sa kanyang bagong project na ang HBO Asia Original series na Halfworlds

“Congratulations!” tipid na sagot ni Bianca habang nakangiti sa pocket conference after siya i-launch bilang parte ng new batch of Kapuso walk of famers kaninang umaga, December 12, sa GMA Network Center. 

Nasungkit kamakailan ni Bianca ang lead role sa nasabing international series na sobrang ikinatuwa naman ng kanyang fans at ng kanyang rumored boyfriend na si Ruru Madrid. 

Dagdag pa ni Bianca, “Si Ruru, very supportive naman yan always. He’s just always supportive, ’yon ’yong maipagmamalaki ko talaga sa kanya.

“Actually, sa aming dalawa, suportahan lang naman yan.”  

Nang tanungin kung ano ba talagang real score ng dalawa, agad na sagot naman ni Bianca, “Ano nga bang meron? Hay nako kayo talaga!” 

Hindi man sinagot directly ni Bianca ang tanong about sa status nila, inamin naman niyang very “happy” and “inlove” siya ngayon. 

Aside kay Bianca, sina Yasmien Kurdi, Aicelle Santos-Zambrano, Miguel Tanfelix, Kris Bernal at Roi Vinzon ay present din sa press conference at launching ng 20 new Kapuso stars na napasali sa kanilang walk of fame na matatagpuan sa vicinity ng GMA Network Center. 

Ang proyektong ito ng GMA ay para bigyang parangal ang mga Kapuso personalities na nakagawa na ng pangalan sa showbiz industry.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.