Bianca Umali, palihim nga bang tinatawag ngayong Sahayad?

“Ano ang gusto niya, after ng premiere siya na agad ang atupagin?” tanong ng isa pa naming source. “S’yempre may mga obligasyon pa iyong tao. Kung girlfriend man siya, sana matuto siyang lumugar at mag-adjust.”

Photos: @rurumadrid8 & @bianxa on Instagram

“Ano ang gusto niya, after ng premiere siya na agad ang atupagin?” tanong ng isa pa naming source. “S’yempre may mga obligasyon pa iyong tao. Kung girlfriend man siya, sana matuto siyang lumugar at mag-adjust.”

Dahil sa insidenteng naganap sa parking lot ng SM Megamall last Tuesday night, November 5, na kinasangkutan ng Kapuso stars na sina Bianca Umali at Ruru Madrid—kung saan reportedly ay itinulak ni Bianca ang diumano ay lihim na boyfriend nito na si Ruru Madrid at saka nagpaharurot ng kotse na muntik ikasagasa nito kay Ruru—ay palihim nga bang tinatawag na “sahayad” ngayon si Bianca ng mga tao kabilang na ng ilang taga-GMA mismo?

Sahayad is a play of words na may kinalaman sa dati niyang pinagbidahang Sahaya at ang salitang sayad or erratic behaviour.

Hindi daw kasi ubod akalain ng ilan na may itinatanggong ganoong side ang sweet-image eversince na si Bianca. 

Ayon sa pikapika.ph source, napaiyak sa pagkabigla at pagkapahiya si Ruru that night.

Naganap ang nasabing insidente, na marami raw nakasaksi, matapos ang premiere night ng Cara x Jagger, ang pelikulang pinagtambalan nina Ruru at Jasmine Curtis (na reportedly ay malakas ang chemistry sa movie).

Dumating daw si Bianca—na hindi ine-expect ni Ruru—and her presence is supposedly in support of her co-Kapusa star. Lumabas na diumano si Bianca bago pa man matapos ang pelikula at buong akala ng lahat ay umuwi na ito. Yun pala ay tumambay lang sa parking lot para abangan si Ruru at alamin kung sino ang mga isasakay nito sa kotse. May cast party kasi ang lahat ng kasali sa pelikula after the premiere night. 

Sumilip pa raw si Bianca sa kotse ni Ruru, dahilan para bumaba ng kotse si Ruru at habulin ito. Nang abutan, itinulak diumano ni Bianca si Ruru sabay paharurot ng kotse na muntik na ngang mahagip ang aktor.

“Ano ang gusto niya, after ng premiere siya na agad ang atupagin?” tanong ng isa pa naming source. “S’yempre may mga obligasyon pa iyong tao. Kung girlfriend man siya, sana matuto siyang lumugar at mag-adjust.”

Ang kwento pa ng aming first source matagal na diumanong nagpupuyos sa selos si Bianca sa Ruru-Jasmine pairing lalo pa’t napaka-vocal ni Ruru sa pagsasabing matagal na nitong crush si Jasmin, na very taken naman at masaya sa lovelife nito with non-showbiz boyfriend na si Jeff Ortega.

Malamang daw ay pati ang off-work friendly tsika sessions nina Ruru at Jasmine noong mga panahong nagsu-shoot pa sila ng movie at mina-mind ni Bianca.

Hindi naman daw makapiyok si Bianca dahil lumalabas na kept-girlfriend ang dating niya dahil hindi nga daw sila maka-amin ni Ruru publicly. Kailangan kasing protektahan umano ang BiGuel loveteam ni Bianca and her Sahaya leading man na si Miguel Tanfelix dahil may following na sila.

Ang siste, hindi diumano invited ni Ruru si Bianca. Ang nagbitbit diumano kay Bianca sa premiere night ay dalawang may posisyon na tao sa GMA-7 at ang purpose diumano ng mga ito ay para i-surprise si Ruru diumano. Malamang daw ay may alam ang dalawang executives sa tunay na estado ng relasyong Ruru at Bianca.

Pero ang ending, maski sila ay na-sorpresa sa inasal ni Bianca. Hindi siguro daw nito kinaya ang mga nasaksihang sweet scenes nina Ruru at Jasmin sa movie kaya umalagwa ang duda at imagination nito. 

Super natalakan daw ang isa pang executive ng GMA and dalawang execs na nagdala kay Bianca doon. 

Kung napuruhan daw ni Bianca si Ruru, malamang ay pilay ito ngayon at maituturing na crime of passion ang pangyayari. Buti nalang daw at muntik lang.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.