Bianca Umali, na-bully at body-shame sa kanyang IG post; bf Ruru Madrid, dumepensa sa aktres

"I dont know what's wrong with people right now? Parang ang dami laging opinyon ng mga tao." - Ruru Madrid

PHOTOS: @bianxa & @rurumadrid8 on Instagram

"I dont know what's wrong with people right now? Parang ang dami laging opinyon ng mga tao." - Ruru Madrid

Usap-usapan ngayon sa social media si Kapuso actress Bianca Umali dahil sa kanyang latest Instagram post.

Sa kanya kasing IG post kagabi, July 25, na para diumano sa #NationalLipstickDay, napansin ng Netizens na tila pumayat at haggard diumano ang Sahaya lead actress, na walang makeup sa picture maliban sa lipstick.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Bianca Umali (@bianxa) on

Dahil dito ay sari-saring komento rang natatanggap ng 20-year-old GMA-7 star na ang iba ay talagang tahasang pambu-bully na at body-shaming; habang ang iba ay umabot pa sa paglalahad sexualized comments.

SCREENSHOT: @bianxa on Instagram
SCREENSHOT: @bianxa on Instagram
SCREENSHOT: @bianxa on Instagram
SCREENSHOT: @bianxa on Instagram

Nadamay din ang kanyang boyfriend na si Ruru Madrid, na kamakailan nga ay kasama n'ya sa photo na kan'yang ini-upload sa IG. Bintang ng Netizens na tila hindi magaling mag-alaga ng kasintahan ang aktor. 

SCREENSHOT: @bianxa on Instagram
SCREENSHOT: @bianxa on Instagram
SCREENSHOT: @bianxa on Instagram

May ilan na nagkumpara pa sa pag-aalaga ni Ruru kay Bianca sa kung paano ito inalagaan ng dati nitong ka-love team na si Miguel Tanfelix.

SCREENSHOT: @bianxa on Instagram
SCREENSHOT: @bianxa on Instagram
SCREENSHOT:@bianxa on Instagram

Dahil sa masasakit na salitang ibinabato ng Netizens sa aktres, to the rescue naman si Ruru.

Sa kanyang comment sa IG post ni Bianca, ipinagtanggol ng binata ang kasintahan mula sa mga taong walang habas kung magbigay ng opinyon na hindi nag-iisip kung may masasaktan ba o maiinsulto. 

"I dont know what's wrong with people right now?" pahayag ni Ruru sa comment section. "Parang ang dami laging opinyon ng mga tao." 

Paliwanag n'ya: "Sa totoo lang mas masakit na kung sino pa yung mga kababayan o di kaya mga kalahi natin sila pa yung nag ddown sa atin. Sana wala ng ganun, sana sinusuportahan nalang natin ang isa't isa."

SCREENSHOT: @bianxa on Instagram

Sinagot din ni Ruru ang ilan sa mga nag-akusa sa kanyang pinabayaan diumano n'ya ang aktres. Sinabi ni n'ya na may kalayaan si Bianca sa kanyang katawan kung gusto man nitong magpapayat o magpataba. 

Hindi rin nagpahuli ang mga friends and fans ng actress at ipinagtanggol s'ya sa mga naglipanang mga bashers. 

SCREENSHOT:@bianxa on Instagram
SCREENSHOT:@bianxa on Instagram
SCREENSHOT: @bianxa on Instagram

October 2018 nang unang mapansin ng Netizen ang pagiging close nina Bianca at Ruru nang magbakasyon sila sa Japan. 

March 2020 naman nang lalong umugong ang tsika na mag-on na ang dalawa matapos mag-post sa IG si Ruru ng photo nila ng aktres sa elevator bilang kanyang birthday greetings kung saan tinawag n'yang "moonlight" si Bianca.

And last July 19, pinakilig ni Bianca ang mga fans nila nang ito naman ang mag-post sa IG ng sweet throwback photo nila ni Ruru habang magkadikit ang pisngi n'ya sa noo ng binata.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Bianca Umali’s cheesy post with boyfriend Ruru Madrid elicits kilig reactions from their friends.

Ruru Madrid promises Bianca Umali: “I’ll take care of you forever.”

Pika's Pick: Bianca Umali remains a Kapuso; inks new contract with GMA Network

HBO Asia unveils Bianca Umali as Halfworlds Season 3 lead star

 

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.