Bianca Umali, ambisyong maging mommy: “I'm excited to be one, legitimately."

Dream daw ng Kapuso actress na si Bianca Umali na maging isang nanay. Nag-e-enjoy daw kasi siya sa pag-aalaga ng mga tao gaya ng boyfriend niyang si Ruru Madrid at ng kanyang lola na nagpalaki sa kanya.

Dream daw ng Kapuso actress na si Bianca Umali na maging isang nanay. Nag-e-enjoy daw kasi siya sa pag-aalaga ng mga tao gaya ng boyfriend niyang si Ruru Madrid at ng kanyang lola na nagpalaki sa kanya.

Nasa punto na raw ng buhay niya si Bianca Umali na gusto na n'yang maging mommy.

Sinabi niya iyan sa tsikahan nila ng TV host-vlogger na si Luis Manzano sa latest episode ng online show nito on YouTube na Luis Listens.

Natanong kasi siya ng aktor kung ano pa ang mga bagay sa buhay niya na hindi alam ng publiko. 

Sagot ng 23-year-old Kapuso leading lady, nasa point na raw siya ng life niya na gusto niyang maging isang ina. 

"Sa kung nasaan ako sa buhay ko ngayon, Papa Lucky. That would be 'yong ambisyon ko na maging nanay," pagtatapat ni Bianca. 

Nakuha niya raw ang maternal traits na ito sa kanyang Lola Vicky na nagpalaki sa kanya. Maaga kasing naulila sa magulang ang aktres.

"It comes from my lola, of course, who raised me when I lost my parents. Now that I am getting older, nakikita ko 'yong bits and pieces of her in me and it just makes me happy," she shared. 

"And I know that ang purpose ko sa buhay na ito is 'yong mag-alaga ng tao, maging nanay," dagdag pa niya. 

Natawa naman sila ni Luis nang mag-joke ito kung ayaw ba niyang maging nurse muna.

After regaining her composure from laughing, inulit ni Bianca na ang pag-alaga sa iba gaya ng nobyo niyang si Ruru Madrid at sa kanyang lola ang nagpapasaya raw sa kanya. 

"Ambisyon ko maging mommy and I'm excited to be one, legitimately. But, ngayon pa lang, 'yong alagaan ko si Ruru, alagaan ko 'yong lola ko, alagaan ko 'yong mga taong katrabaho ko, it makes me genuinely happy," pahayag niya

"Kaya feeling ko, 'yon 'yong purpose ko in life, e," pagtatapos ni Bianca.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sa kabila nang maayos na takbo ng kanyang career at personal life, Bianca Umali, nakakaramdam ng takot

Bianca Umali sa surprise ni Ruru Madrid: "It was one of the sweetest moments of my life."

Bianca Umali, concerned about "the children of tomorrow."

Ruru Madrid, nilinaw na hindi siya ang dahilan ng pagko-convert ni Bianca Umali sa INC.

Bianca Umali at Ruru Madrid, nagka-LQ sa taping

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.