Bestfriends ni Mikee Quintos na sina Ruru Madrid at Mikoy Morales, hindi boto sa boyfriend niyang si Paul Salas noon

According to Mikee Quintos, pakiramdam daw ng mga BFFs niyang sina Ruru Madrid at Mikoy Morales noon na hindi sya seseryosohin ni Paul Salas. Dahil doon, hindi feel noong dalawa so Paul para sa kaibigan nila.  Laking pasalamat na lang daw ni Mikee na naging maganda ang pagsasama ng tatlo sa lock-in taping ng Lolong kaya nabago rin ang first impressions nila sa kanyang nobyo.  Naging roommates kasi sina Paul at Mikoy habang kalapit kwarto naman nila ang room ni Ruru. “Parang pag labas nila [sa lock-in taping], oh my gosh! Ako na ’yong out of place sa kanilang tatlo.”

PHOTOS: Anna Pingol, @mikoymorales, & @rurumadrid8 on Instagram

According to Mikee Quintos, pakiramdam daw ng mga BFFs niyang sina Ruru Madrid at Mikoy Morales noon na hindi sya seseryosohin ni Paul Salas. Dahil doon, hindi feel noong dalawa so Paul para sa kaibigan nila. Laking pasalamat na lang daw ni Mikee na naging maganda ang pagsasama ng tatlo sa lock-in taping ng Lolong kaya nabago rin ang first impressions nila sa kanyang nobyo. Naging roommates kasi sina Paul at Mikoy habang kalapit kwarto naman nila ang room ni Ruru. “Parang pag labas nila [sa lock-in taping], oh my gosh! Ako na ’yong out of place sa kanilang tatlo.”

Kapwa pala hindi boto kay Paul Salas noon ang mga showbiz best friends ni Mikee Quintos na sina Ruru Madrid at Mikoy Morales para sa kanya noong umpisa. 

Nabuksan ang usapang ito sa tsikahan ng mag-sweetheart na sina Mikee at Paul with the entertainment press sa naging media conference nila recently for their upcoming Kapuso primetime series na Mano Po Legacy: The Flower Sisters

Alam naman kasi ng publiko na malapit sina Mikee at Ruru simula nu’ng nagkasama sila sa pantaseryeng Encantadia (2016) kaya nagsimula muna ang tanungan kung never bang naging sila Mikee at Ruru before. 

Inamin naman ng bubbly Kapuso star na kapwa din sila na-curious ni Ruru noon kung p’wede bang i-level up ang closeness nila.

“We got curious din at one point pero kami, hindi talaga, e. Hindi umabot [sa mutual understanding], e,” direktang sagot ni Mikee sa press.

Kasi sa sobrang komportable namin sa isa’t isa, s’yempre tatanungin mo ’yon—in your head—na ‘Kaya ba ’to maging more?’ Pero ewan ko. Hindi po talaga nagka-opportunity din,” dagdag pa n’ya. 

“Until at one point na napagkuwentuhan na din namin [ni Ruru]... ‘Hindi talaga bagay sa atin ’no?’ Parang ganu’n kaming dalawa. Best friends talaga kami.

Naging super close lang daw talaga sila ni Lolong lead actor pero hanggang doon lang daw ’yon at hindi na-develop into a romantic relationship ang closeness nila.

Dito na na-open ng katabi n’yang si Paul sa usapan na nalaman umano n’yang hindi pala boto itong si Ruru at ang isa pang best friend ni Mikee na si Mikoy sa kanya noon. 

Nalaman daw niya ito mismo nang makasama n’ya ang mga aktor sa lock-in taping ng Lolong, kung saan bahagi din siya ng cast.

Kaya nga sobrang tuwang-tuwa po ni Mikee dahil naka-build kami ng relationship ng dalawang best friends n’ya, si Mikoy saka si Ruru, sa Lolong,” lahad ng binatang aktor. 

Tuwang-tuwa din ako dahil naging close ko din sila. Nu’ng una nga hindi sila boto, actually, sa akin, e. Sinabi nila sa akin,” pambubuko pa n’ya. 

Sa puntong ito sumingit si Mikee para ipaliwanag ang dahilan kung bakit ayaw ng mga kaibigan n’ya kay Paul noon.

Ayaw nila si Paul sa akin. Sinabi [nila] sa akin, tapos sinasabi ko sa kanya [kay Paul]. Pareho sila, ayaw nila,” ani Mikee.

Pakiramdam daw kasi nina Ruru at Mikoy noon ay hindi seseryosohin ni Paul si Mikee. 

“Feeling nila hindi magse-seryoso ito [si Paul],” pagtatapat ng dalagang aktres. 

Pasalamat na lang daw s’ya na naging maganda ang pagsasama ng tatlo sa lock-in taping kaya nabago rin ang first impressions nina Ruru at Mikoy sa kanyang nobyo. Naging roommates kasi sina Paul at Mikoy habang kalapit kwarto naman nila ang room ni Ruru.

“Feeling ko nga po sobrang blessing ’yong Lolong kasi parang si Lord na ’yong nag-ayos ng problema ko,” saad ni Mikee. 

Aniya, malaking problema nga naman kung ang mahal niya at ang tropa niya ay hindi magkakasundo. At aminado naman si Mikee na mas malapit talaga siya sa mga lalaki as friends kesa sa mga babae dahil less drama daw ang pakiipag-kaibigan sa mga ito.

Si Paul kasi, naiisip ko, si Mikoy at si Ruru na ’yong p’wede n’yang pagselosan na lalaki sa buhay ko? Mas close lang talaga sa mga boys kasi walang drama masyado. Mas relax lang. Lumaki [kasi] akong one of the boys,” paliwanag pa ni Mikee. 

Doon sa Lolong, roommates pa sila tapos every meal magkakasama sila. Parang pag labas nila [sa lock-in taping], oh my gosh! Ako na ’yong out of place sa kanilang tatlo.”

Tsika nga ni Paul, naging kasangga n’ya sa lock-in taping ang dalawang Kapuso actors sa hirap at sayang dinanas nila.

Nag-iiyakan pa kami dahil, s’yempre, sa hirap din nu’ng ginagawa naming work sa Lolong, sa characters. Kaya sabi ko, hindi ko mapu-push through ’yong Martin na character ko kung hindi dahil kila Ruru at Mikoy. And’yan sila na gumagabay sa akin,” aniya. 

Umamin rin daw ang dalawa kay Paul bago sila nag-uwian from their lock-in taping—na ayaw nila sa kanya para sa BFF nilang si Mikee noong umpisa.

“Doon po nila inamin na, ‘Actually, Paul, hindi ka talaga naming gusto dati para kay Mikee.’ Sabi ko, ‘Bakit?’ Dahil nga daw ganu’n. Feeling nila hindi ko seseryosohin ito [si Mikee] at parang laro-laro lang ako sa buhay,” kuwento pa n’ya. 

Pero nu’ng nakita daw nila ako sa lock-in [taping], kung sino ako, dahil doon po kami nagkakakilala, e, kasi two months kaming naka-lock-in, everyday nagkikita kami,” he continued. 

Doon talaga namin makikita ’yong personality ng bawat isa. Nu’ng nakita daw nila ’yong personality ko, parang, ‘Ah, gets na namin kung bakit na-in love si Bestfriend namin kay Paul,” pagtatapos ng aktor. 

Binawi rin daw nina Ruru at Mikoy kay Mikee ang mga pagda-judge nila noon tungkol kay Paul.

Mga week apart silang nag-text sa akin, alam mo ba ’yon? Si Ruru sabi niya, ‘Okey s’ya, Mik. Okey na s’ya sa akin.’ Tapos si Mikoy, ‘Nagbago na ’yong isip ko. I take it back.’ Gumanu’n si Mikoy,” pagtatapos na k’wento din ni Mikee. 

Sa ngayon ay mapapanood sina Mikee at Paul sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters na maituturing na reunion project nila kasunod ng The Lost Recipe (2021) kung saan si Kelvin Miranda pa ang katambal ng aktres habang ka-love triangle nila si Paul.

Sa Mano Po, ang mga characters nila ang magpo-provide ng back story ng series. Ang character ni Paul ang magiging ama ng apat na magkakapatid na babae sa iba’t iba ring babae na noong maging mga adults ay magsasanga-sanga ang buhay at nag-aaway sa kayamanan atv legacy ng kanilang ama.

Makakasama nila sa third installment ng Mano Po Legacy series sina Aiko Melendez, Beauty Gonzalez, Thea Tolentino, Angel Guardian, at marami pang iba. 

Mapapanood ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters simula October 31 sa GMA Telebabad.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Dave Bornea, pressured na tapatan o higitan ang success ng mga past team-ups ng ka-loveteam niya ngayong si Mikee Quintos kina Kelvin Miranda at Sef Cadayona

Dingdong Dantes at Marian Rivera, sina Paul Salas at Jillian Ward ang respective choices na gaganap sa kanila sakaling gawing pelikula ang love story nila

Kelvin Miranda recalls time when he could not attend JS Prom because “Wala po akong pambili ng susuotin ko. Wala akong pang-arkila.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.