Inamin ng Vivamax actor na si Benz Sangalang na nakaramdam s’ya ng pagka-ilang sa unang love scene ever nila ni Angeli Khang.
Inilahad n’ya ito sa entertainment press kamakailan sa media conference nila for their upcoming movie Salakab.
Ito ang unang pelikula nila ng Filipino-Korean sexy-drama actress kaya naman natanong si Benz ng press people kung nagkaroon ba ng ilangan habang ginagawa nila ang pelikula partikular na sa mga love scenes.
Ayon sa aktor, makailang beses daw s’yang napagsabihan ng direktor nilang si Roman Perez, Jr. dahil nailang umano s’ya kay Angeli noong unang beses na sumalang sila para gawin ang isang mainit na eksena.
“Sa totoo po, sasabihin ako na…inaano ako ni Direk Roman. ’Yong unang love scene namin medyo nailang talaga ako kasi first time ko s’ya nakatrabaho, e,” pag-amin ni Benz patukoy sa ka-kuwadra niya sa talent managet na si Jojo Veloso.
“Hindi katulad nu’ng mga nakasanayan ko na tulad nina Azi [Acosta], parang sanay na, e,” dagdag pa n’ya.
Agad namang sumingit dito si Direk Roman.
“Si Azi kaya n’ya, pero takot s’ya kay Angeli,” panlalaglag nito sa kanya.
Paliwanag naman ni Benz, iyon daw kasi ang first-ever team up nila ni Angeli kahit na matagal na n’ya itong kilala.
“Kahit nakakasama ko naman s’ya palagi, iba pala pagka love scene na. Parang ganu’n,” aniya.
“Siguro nakadalawang love scene ako na nailang ako, e. Pangatlo doon lang ako naging medyo okey-okey, e,” pagpapatuloy n’ya.
Dahil sa pagka-ilang, hindi raw n’ya nagawa kung ano ang ni-rehearse nila ng aktres.
“’Yong una, ’yong kiss binibilisan ko, e. Haha! Tapos… basta hindi ko nasunod ’yong [mga gagawin],” natatawang pagtatapat ni Benz.
“Meron kami talagang dapat gawin. Naka-rehearse ’yan, e. Hindi ko nasunod kasi nga, ‘Bilisan mo na. Gusto ko nang matapos ’to.’”
Dahil dito ay nausisa pa s’ya ng press kung ano ang rason kung bakit tila natakot s’ya kay Angeli.
Sa puntong ito, si Direk Roman ang sumagot para sa kanya.
“Ang lakas nu’ng presence ni Angeli. S’ya talaga ang queen. Ang lakas nu’ng presence ni Angeli. Kahit nanonood ka lang, iba ang presence ni Angeli. Iba talaga s’ya,” pagbibida ng Vivamax cult director sa kanyang lead actress.
“So, once na makita ko silang dalawa, parang kumbaga sa mga lalaki na-tiyope, e. Na-tiyope si Benz, e. Pero ’yong mga second, third [love scene], okey na s’ya,” paglalarawan naman nito sa kanya.
Na-intriga naman lalo ang press at sinabing hindi kaya may something between him and Angeli kaya s’ya naiilang sa aktres.
“Bawal po sa amin. Haha!” maagap na sagot ni Benz na ang tinutukoybay ang bilin ng kanilang common manager.
Ayon pa sa kanya, sinikap naman umano n’yang bumawi sa mga eksena na s’yang highlights nu’ng pelikula.
“Mahalaga kasi ’yan, e. Sa Vivamax mahalaga ’yan, e. E, ’yong mga sumunod, sinabi ko kay direk, ‘Direk, bawi ako. Bawi ako,’” pagre-recall ng aktor.
“Kasi paulit-ulit, e. ‘Ano ba ’yan? Ano ba? Natakot ka ba?’ Paulit-ulit si direk, e. Bumawi ako du’n sa mahahalaga. Sa batuhan na, sa dagat, ayon.”
Aminado naman s’ya na talagang na-tiyope nga s’ya sa alindog ng kanyang leading lady.
“Opo nu’ng una. Talaga naman,” pag-amin ni Benz.
Malaking artista na raw kasi si Angeli kung tutuusin.
“S’yempre naman po, nu’ng nagsisimula ako, napapanood ko pa lang s’ya sa Vivamax, s’yempre, ano rin ako, tinitingala ko rin, e,” paliwanag pa n’ya.
“Ngayon partner ko na, s’yempre, parang medyo na-starstruck din. Ganu’n siguro. Iba na ’yon, e. Nakahubad na kayo parehas. Hahaha!” natatawang sabi pa n’ya.
Kaya naman malaking karangalan daw sa kanya na mai-partner sa itinuturing ngayon na reyna ng Vivamax.
“Para sa akin parang achievement po. Parang malaking dagdag po sa career ko. Medyo nag-level up ako nang konti kasi ’yan ’yong mga pinapanood talaga, e, sa Vivamax,” pagpapakumbaba ni Benz.
“Pagka nakaka-partner ko ’yong mas malalaking artista ibig sabihin nararamdaman ko na pinagkakatiwala na sa akin ng Viva ’yong mas malalaking pelikula, ibig sabihin ayos ’yong ginagawa kong trabaho,” punto pa n’ya.
“Kaya nu’ng nalaman ko po na matutuloy na ’yong [project namin] ni Angeli, parang dream come true naman po. Under pa ni Direk Roman, gamay ko ’yong grupo, kaya rin siguro na-e-execute ko ’yong [trabaho nang maayos],” pagtatapos n’ya.
Mapapanood ang pelikulang Salakab na pinagbibidahan nina Benz Sangalang at Angeli Khang, kasama sina Jomari Angeles, Sahara Bernales, Gilleth Sandico, Horace Mendoza and more, simula November 17 sa Vivamax.
Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.
Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.
You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.
Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).
Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.
YOU MAY ALSO LIKE:
Benz Sangalang, tumanggap ng maikling role para lang maranasang mai-direk ni Brillante Mendoza
Benz Sangalang, munting nang manapak ng makulit na beki noon
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber