Bella Thorne, mas type ang polyamorous relationships

Aminado si Famous In Love star na si Bella Thorne na isa siyang pansexual, o yong klase na ang sexual at romantics attractions ay pwede sa lahat. Mas inclusive daw ito kesa sa term na bisexual dahil hindi daw gender ang ina-appreciate  niya kundi ang isang tao as a “being.”

PHOTOS: @bellathorne

Aminado si Famous In Love star na si Bella Thorne na isa siyang pansexual, o yong klase na ang sexual at romantics attractions ay pwede sa lahat. Mas inclusive daw ito kesa sa term na bisexual dahil hindi daw gender ang ina-appreciate niya kundi ang isang tao as a “being.”

Hindi nahiyang aminin ng Hollywood young actress na si Bella Thorne na isa siyang "pansexual".

Ang ibig sabihin ng pansexual ay "romantic and/or sexual attraction to people of all sexes and genders, or regardless of gender. People also often identify as pansexual in order to be more inclusive of nonbinary, trans, genderfluid, genderqueer and agender people."

Noong 2016, inamin ng 21-year old young Hollywood star via Twitter na isa siyang bisexual. Pero ngayon ay nile-label na niya ang kanyang sarili bilang pansexual sa kanyang naging interview with Good Morning America.

Ayon sa interview ni Bella, hindi raw niya nili-limit ang kanyang sexual identity:

"I'm actually pansexual, and I didn't know that. 

"You like beings. You like what you like. Doesn't have to be a girl or a guy or a he or she or they or this or that. 

"It's literally, you like personality. You just like a being. 

"I like sexy. I like sexy girls, I like sexy guys, I like sexy in general, you know?” 

Hindi rin tinago ng bida ng TV series na Famous In Love na nakipag-date siya sa YouTuber and musician na si Tana Mongeau at sa rapper na si Mod Sun. 

Open nga raw si Bella sa tinatawag na polyamorous relationship o ang pag-involved sa "practice of engaging in multiple sexual relationships with the consent of all the people involved."

Hindi nga raw kagulat-gulat sa mga celebrities na tulad ni Bella na maging experimental sila sa kanilang sexuality.

According to a 2017 survey, "most young people don't identify as straight, and another earlier report found that bisexuality is increasing among girls."

Ayon kay Dr. Logan Levkoff, na isang sexologist and relationship therapist, that celebrities opening up about their own identities could help young people navigate their own identities.

“There is no doubt that young adults are more accepting of sexuality and all of its forms in general. 

"The uptick in celebrities who are public about their sexual lives and identities certainly helps young people who are navigating their own non-heterosexual or non-cisgender lives."

Bukod kay Bella, ang iba pang celebrities who label themselves as pansexual ay sina Janelle Monae, Sia, Jazz Jennings, Miley Cyrus, Tess Holliday, Asia Kate Dillon, Brendon Urie, Sophie B. Hawkins, Aubrey Plaza, Kristen Stewart, Ezra Miller, Cara Delevingne, Sarah Paulson, Michelle Rodriguez, Allan Cummings and Margaret Cho.

Nagsimula bilang child actress si Bella at lumabas siya sa mga series na My Own Worst Enemy (2008) and Big Love (2010). Nakilala siya bilang teen star sa Disney Channel series na Shake It Up (2010-2013) kunsaan nakasama niya si Zendaya.

Ilan sa mga pelikulang ginawa ni Bella ay Blended, The DUFF, Alvin and the Chipmunks: The Road Chip, You Get Me, Amityville: The Awakening, The Babysitter, Midnight Sun, and Alexander and the Terrible, Horrible, No Good, Very Bad Day.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Dating leading lady ni Tom Cruise na si Kelly McGillis, dinedma ng Top Gun: Maverick team dahil sa katabaan?

Will & Grace, magre-reboot pero magba-babu na rin sa 2020

Lili Reinhart at Cole Sprouse ng Riverdale, messy ang breakup?

Marvel Cinematic Universe, hahataw til 2021!

Former Glee star Lea Michele, hindi pa rin nakakalimutan ang pumanaw na boyfriend na si Cory Monteith kahit may asawa na siya

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.